Ang guard, ang nagmamadaling pari, at ang hindi nag-amalayer

FEB. 9– Inihatid ko kanina ang parents ko sa St. William’s Cathedral. Alas-siete ng gabi. They are both in their 70’s. Ang dad ko ay dalawang beses nang na-stroke kaya nahihirapan nang maglakad, kinakailangang akayin para hindi matumba. Pero palagi pa rin sila sa simbahan. Devoted sila sa pagsisilbi sa Diyos at hinahangaan ng marami ang kanilang pananampalataya. My mom is a daily communicant and serves as lector during masses.

Nung bumababa na sila sa sasakyan doon sa malapit sa simbahan, biglang pinapaabante ng guard ang sasakyan namin kayat nagmamadali namang bumaba ang parents ko. Hindi ko maintindihan kung anong emergency ba ang meron at hindi makahintay and guard. Halos madapa-dapa na ang parents ko sa kakamadali pero panay pa rin ang madali ng guard.

Bumigat ang loob ko.. parang may hindi tama. Imbes na tulungan ng guard ang mga parents ko e minamadali pa sila nang ganun na lang. Kaya naghanap ako ng parking space sa gilid para makababa ako at makausap ko ang guard.

Sabi niya ay nagmamadali daw ang isang pari dahil male-late na siya sa misa somewhere kaya niya ginawa ‘yun. Doon na nagpantig ang tenga ko. Hindi naman ako nanapak o nag-amalayer.. hindi ko siya ininsulto o dinuro-duro at hindi ako nag-English. Pero tumaas na rin ang boses ko at pinagsabihan ko siya na hindi tama ang ganoong pagtrato sa mga matatanda, at sa tingin ko ay hindi rin naman ganoon ang turo ng simbahan. Maraming nakakita pero naintindihan nila kung bakit ako nagalit.

May paggalang ako sa mga guard.. sa lahat.. kahit doktor pa ‘yan o mayor, kapag ginawa ‘yun sa mga matatanda ay hindi ako kayang manahimik.

Ang masama ay hindi pa rin niya narealize kaagad ang mali niya.. para bang proud pa siya na ginawa niya ‘yun sa parents ko dahil tama naman ang dahilan niya: “nagmamadali ang pari.” Sa tingin ko ay wala talagang misang pupuntahan ang parin ‘yun dahil wala namang misa pag gabi dito sa Ilocos, maliban doon sa pupuntahan ng parents ko. Pero kahit na misa pa ‘yan, kahit na meeting pa yan sa Santo Papa, hindi po sana dapat ganun.

‘Yung kapwa niyang guard ang nag-apologize sa nangyari. Tinanong ko ang guard na walang galang kung mag-sosorry ba siya.. na wala nang pagdadahilan pa. Nag-sorry naman kalaunan. Hindi para sa akin ang sorry’ng ‘yun, kundi para sa mga magulang ko. Pero nainindihan ko rin naman ang guard.. mahirap pahindian ang “nagmamadaling pari”.

Nagalit ako sa may labas ng simbahan. Hindi ba’t may “galit” scene rin si Hesus at sa loob pa nga with matching pagtumba sa mga tables at mga paninda?

Makapaghinga lang po ng kaisipan at nararamdaman. Salamat.

5 Comments

Filed under Uncategorized

5 responses to “Ang guard, ang nagmamadaling pari, at ang hindi nag-amalayer

  1. tita lita

    why must we be so alarmed if the priest is in a hurry to go somewhere to the point that we disrespect others?priests are people too and if ever they should be even more giving to wait until other people specially the elderly to be prioritized can get out of the car without being rushed or redirected farther? if they cannot do that then they should not be in that profession…the said priest must have a reputation that the guard had to do what he did? or if the guard did it just to let people know that he had the power to do it and will earn a place in heaven he is dead wrong..rude and disrespectful people dont have a place in heaven…

  2. thats where we differ herdy ..you can be calm cool and collected in situations like these and still do the right dignified way .i on the other hand would have been so riled up and would given him a piece of my mind and then some.you are a true gentleman herdy .. i wanna be like you when i grow up.

  3. linell agustin

    we should respect others. sir yumul is so right naman on that…

  4. para namang walang pinag-aralan ung guard. dapat we should treat people equally. porke’t ba pari ung nagmamadali at mga matatanda lamang ung mga nandun kelangan na kulanag na lang ehh ipagtulakan sila? kung nanay rin kaya niya ung ginanun, ano kaya mararamdaman niya? pinakamaskit sa part ng isang anak ay ang makitang inaapi at inaapakan ang pagkatao ng mga magulang. dapat sa pag-employ ng mga manggagawa, kelangan rin nila kilatisin ang kanilang mga ugali para walang sir yumul na magagalit dhil lang sa nagmamadali ang pari. nakakaintindi naman ang pari eh ksi nga nagtuturo sila ng mabubuting asal sa simbahan. MABUBUTING ASAL!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s