Meron akong kuwento

MMSU CAS, Oct. 5, 2012

(My end-of sem lecture delivered today, Oct. 5, Teachers’ Day, at the MMSU CAS Multimedia Center, Batac City.)

Sa totoo lang, karamihan ng mga itinuro sa akin ng mga naging teacher ko ay nakalimutan ko na. Ang iba ay dahil sa nakalimutan ko dahil makalilimutin talaga ako, at ang iba naman ay pilit kong kinalimutan. Tama si Ka Ambeth, there are a lot of things taught in school that one has to unlearn.

Pero ang naaalala ko sa mga napakinggan ko sa loob ng mga klasrum sa mga paaralang pinasukan ko ay ang mga kuwento. Si Sir Fabella, kung paano siya nagtanan at nagpakasal na two hundred pesos lang ang dalang pera. Si Sir Cadz at ang mga adventures niya sa Espanya. Si Sir Randy at ang kanyang hilig sa mga big bikes na hindi naman makatakbo ng mabilis sa Metro Manila. Makakalimutan ko ‘yung mga lecture pero hindi ang mga interesting na kuwento.

Ngayong huling araw ng ating apat na buwan na kuwentuhan sa Sociology1, ang wish ko ay sana maging bahagi rin kayo ng kuwento sa anumang larangang papasukan ninyo. At sana magagandang mga istorya ang likhain ninyo. Over na ang mga bad news.

Ngayong umaga, bumisita ang mga estuyante ko last year, sa socio din. Mga dakilang manginginom lang sila dati, aba’y ngayon, sila’y mga mechanical engineer na.

Lahat kayo rito ay mga engineering students, maliban sa ilang mga naligaw ng landas. Kayo rin, magiging mga professional sa di malayong kinabukasan. Ngunit mga anong klase naman kaya? Napakaraming mga kabaliwan ang haharapin ninyo. Oo, mas malala pa sa mga social deviance experiments na ginawa ninyo. Truth is stranger than fiction nga kasi. Handa na ba kayo?

Sa mga future civil engineer, magtatayo kayo ng mga magagarang gusali at mga tulay. Pero sana’s tumulong rin kayong hubugin ang isang matatag na lipunan at maging bahagi sa pagbubuo ng mga tulay ng kapayapaan. Siyanga pala, kapag gumawa kayo ng kalsada, bilis-bilisan naman ang paggawa at sana’y huwag isasabay sa tag-ulan. At kung maayos pa naman ang kalsada, huwag basta-basta sirain para lang magkaroon na naman ng komisyon sa mga proyekto.

Sa mga electrical engineer, sana’y kuryentehin din ninyo ang mga nananalaytay na ugat ng ating Inang Bayang lugmok na sa kahirapan, sadlak na sa dusa, at lunod na sa luha’t pighati. Please naman, umisip ng mga paraan upang bumaba ang bayad sa kuryente. Sa bahay namin, mahigit tatlong libo ang binabayaran ko sa kuryente buwan-buwan. Kung maibaba ito sa kalahati, e aba’y mahigit dalawang case ng SanMig Light din ‘yun, di ba?

Sa mga ECE, hawak ninyo ang susi sa napakabilis na mga pagbabago sa komunikasyon at teknolohiya, sana’y gamitin nang mabuti ang susi.. baka ibang kuwarto ang mapasukan ninyo.. at baka may ibang ginagawa ang mga nasa loob ng kuwarto, baka may scandal.. tulad NBN-ZTE Deal na iniimbestigahan hanggang ngayon.

Sa mga ceramics engineers, mga anak ng putik, hubugin ninyo ang mga magagandang produkto. Pero siguraduhin ninyong may patuloy tayong mahuhubog. Pangalagaan natin si Mother Nature.

Sana lahat tayo ay maging mga mabubuting mga anak. Hindi anak ng jueteng, anak ni hudas o kung anu-ano pang mga suwail na anak. Ngunit mga tunay na anak na nagmamahal at nagmamalasakit.

Alam ko, marami sa inyo ang nagbabalak mangibang bayan. Kulang na kulang nga kasi ang mga oportunidad dito sa Pilipinas. Pero sana, hanggang kaya niyong tiisin ang hirap at habang may paraan pa naman e dito na lang kayo. Matagal na sana akong nasa abroad ngayon kung ginusto ko pero andito pa rin ako, dahil gusto ko. Gusto kong magturo at magsulat habang kaya ko pa, dito. Love ko ang Pilipinas e. At “Love ‘til it hurts” ang motto ko. Pero hindi lang naman puro hurt… it is really more fun in the Philippines.

Siyanga pala, sana’y matutunan ninyong tanawin ang pag-aaruga sa inyo ng Mariano Marcos State University. Hindi basta-basta ang eskuwelahan natin. Oo, kung minsan sa College of Engineering ay hindi gumagana ang mga electric fan, sira ang mga saksakan, mapanghi ang mga CR, at madalas, lalo na sa klase ko sa mga ECE, ay may maingay na naghahasa ng metal o nagkakarpintero sa kalagitnaan ng klase ko, pero maliliit na bagay lamang ang mga ito, mga kapatid. Sabi ko nga, kahit sa ilalim ng mga puno lang magklase, basta magaling ang teacher, e solb na ang edukasyon. Sa harap ng mga limitasyon at mga pagkukulang, kaming mga teacher niyo ay ginagawa namin ang lahat upang maging buo, challenging, at masaya naman ang college life ninyo.

Kaya kapag pinalad kayo sa inyong mga career, mag-donate kayo ha? Ibahagi ninyo sa MMSU ang mga bunga ng mga tagumpay ninyo. Upang 20 to 30 years from now, kapag matanda na ako at nagtuturo pa rin dito, aircon na ang mga electric fan, gumagana na ang mga saksakan, mabango na ang mga CR, at sound proof na ang mga kuwarto upang puwede nang magkarpintero si manong at mag-grass mower ang mga hardinero ano mang oras at araw ng linggo. Hindi lang naman para sa akin ‘to, para na rin sa mga magiging anak niyo.

Ano pa ang masasabi ko, sana maging masaya kayo sa mga buhay ninyo, hindi lang sa propesyon. Ngunit sa lahat-lahat.

Ang tunay na kaligayahan ay nasa inyong mga kamay. At, Neil, hindi kabastusan itong tinutukoy ko. Pero ipagpatuloy mo lang ang hilig mo. Kung saan ka masaya, ayos na rin. Maging mabait sa sarili. Mahalin ang sarili.

Ngunit sana’y mahanap ninyo ang taong magmamahal sa inyo ng lubos at wagas, taong kasalo ninyo sa ligaya at katuwang sa mga unos ng buhay. Kasama sa mga araw ng pighati ngunit kasalo din sa mga gabi ng ligaya. At sa patuloy na paggising sa mga bagong umaga.

Ang sarap gumising, hindi lamang dahil may kape, ngunit dahil may mga dahilan upang gumising. Sa totoo lang, nasa bahagi ako ng buhay ko na ang dami-dami kong gustong gawin. Madalas ay nakakapagod. Minsan, sa sobrang hapo ng katawan at isip ay nakakatulog sa gabi nang hindi sinasadya. Ngunit ansarap pa ring bumangon kinabukasan.

At, masasabi ko sa inyo na ang sarap ng gising ko kaninang umaga. Dahil makikita ko na naman kayo sa loob ng aking klasrum. Kahit man lang sa isang huling pagkakataon. Kahit man lang sa isang saglit.

Mula sa kaibuturan ng aking puso at mula sa tuktok ng aking shining, shimmering, widening forehead, maraming salamat sa inyong lahat, mga kaibigan, at hanggang sa muli.

13 Comments

Filed under Uncategorized

13 responses to “Meron akong kuwento

  1. Jonas

    Happy teachers’ day sir…
    🙂

  2. Charles

    Good job, Teacher Herdy. =)

  3. tita lita

    wow with a teacher like sir herdy how can you not learn and aspire to succeed in life? i would love to have been a student of his .kudos sir herdy (with the shining ,shimmering ,widening forehead..

  4. Naiyak naman ako dito…at alam ko ang isasagot mo Herdy…”Lahat naman iniiyakan mo!” Hahaha! I love this. Sana sinabi mo na may ganitong drama ka para pinaupo ko rin ung mga Mechanical Engineering students ko at nakarinig din sila ng madamdaming sem-ender. Hehe!

  5. Stardust

    truly inspiring, a craft of inspiration,i guess it takes hard working years for engineering students to receive their license. But I believe without great teachers who taught them, there will be no great engineers.

  6. At sana, ang mga nasa Public works, kapag gumawa ng building , irrigasyon o karsada, ilagay ang tamang espesipikasyon. Noong ginawa yong Juan Luna St sa tabi ng bahay mo Herdy, ang buhangin may mga putik. AT halos pitong cubic meters na buhangin at graba ang inihalo sa isang supot na semento. Sa NIA naman when I was Inspector, may ginawang chute ( cemented rectangular canal with bars) na mahigit na 200 meters ang haba. I stopped construction dahil kulang ang horizontal bars. apat sana ngunit ginawang tatlo. They stopped ngunit ginawa sa gabi. I reported it to the division manager but no action done..
    Your story is ahumorous eye opener. I am so proud to be your uncle. Maipagmamalaki kita anaks..

  7. Donna

    Maraming teachers sa family namin kaya tama ang sinabi mo, pag magaling ang teacher, solve na ang edukasyon. Happy teacher’s day, sir Herdy!!! Sayang di man lang kita naging teacher…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s