Epikia for Pidol

Epikia (noun): A situation where one needs to break the letter of the law in order to achieve the spirit of the law; an exception to the general rule.

Ang mga batas ay ginawa upang magkaroon ng kaayusan, ngunit paano na kung batas din ang pumipigil sa pagggawa ng tama?

Sa tingin ko, sa kultura nating mga Pilipino, ang pagbigay ng nararapat para sa isang tao ay mas matimbang sa pagsunod sa proseso. Kahit sino sa atin ay babaliin ang isang proseso para sa isang bagay na sa ati’y mahalaga.

“Igawad na ang National Artist Award kay Mang Dolphy. Now na!,” sigaw ng nakararami. Pag-aaralan pa daw ang kanyang ‘body of work’ …pero sino sa atin dito ang hindi niya napatawa ni minsan? Nung bata ako, sabay-sabay kaming pamilya na kumakain sa sala upang manood ng John en Marsha. Ang sarap ng aming tawa, kasinsarap ng kare-kare ni mommy, at kasing-alab ng aming pagsasama-sama.

Sa isang bansang nagdarahop, napakahalaga ng ating kakayanang tumawa. Kapag sobrang seryoso ka sa pagharap sa buntun-bunton na krisis, baka masiraan ka na lang ng bait, o magbigti.  Napapamura tayo sa mga kabulastugan ng ating mga lider samantalang napapahalakhak tayo nang malakas sa mga patawa ni Mang Dolphy. Serbisyo publiko din talaga ang pagpapasaya.

Subalit may tatlong mahahabang stages pa daw na pagdaraanan for the award. Dapat daw sundin ang mga panuntunan. E nasa critical stage na nga ang tao, di ba? Paano na ‘yan?

May punto din naman ang mga may agam-agam sa pagbibigay ng naturang karangalan nang ura-urada. Kasi, ibig bang sabihin nito ay lahat na ng maghihingalong alagad ng sining ay gagawaran kaagad ng National Artist Award? Will this set a precedent? Hindi naman po sa ganun. Hindi taun-taon ay may isang Dolphy. Minsan lang siya sa isang siglo. At sa kanyang husay at katapatan bilang isang tunay na alagad ng sining sa loob ng pitong dekada, he has gained a right to be an exception to the rule.

Also, ang situwasyong ito ay bunga pa rin ng mga anomalya ni Gloria Macapagal Arroyo, pati na sa sektor ng sining. Noong 2009, hinirang ni Gloria na National Artists ang mga kakampi niyang sina Cecile Guidote Alvarez at Carlo Caparas kahit na may lubos na mas karapat-dapat sa kanila. Kinontra ng iba’t ibang grupo ang kanilang panalo sa Supreme Court kung saan ang kaso ay nakabinbin hanggang sa ngayon.

Maliban sa komedya, isa pang talagang nagustuhan ko kay Mang Dolphy ay ang kawalan niya ng yabang. Hindi niya ginamit ang lanyang kasikatan upang magkaroon ng kapangyarihan sa pulitika. Noong may mga kumukumbinsi sa kanyang tumakbo para sa isang posisyon, ang sabi niya: Madaling tumakbo, pero pano ‘pag nanalo? Hindi siya tulad ni Manny Pacquiao na pinasok na ang lahat sa labas ng ring: mapashowbiz, relihiyon, at pulitika.

At nang dahil sa lahat ng ito, President Aquino must make a brave decision on behalf of a most grateful nation. Ang kumontra, kilitiin hanggang maubusan ng hininga.

*****

Bilang parangal kay Mang Dolphy, narito, dear karikna, ang ilang mga jokes. Sana mapangiti kayo, kahit kaunti.  Hehe

Sekyu

Airforce: “No guts, No glory!” Marines: “No retreat, No surrender!” Army: “No pain, No gain!” Naks, ayaw patalo ng mga Security Guard: “No I.D, No entry!”

Pulis

Sa loob ng simbahan ng Quiapo, isang batang pulubi ang mataimtim na nanalangin sa Diyos. Pulubi: “Panginoon kung maaari po sana ay bigyan ninyo ako ng sampung piso dahil gutom na gutom na po ako.” Narinig sya ng isang pulis na kasalukuyan ding nagsisimba at bumilib sya sa katatagan ng bata sa pananampalataya sa Diyos. Sa kanyang habag ay dumukot sya ng limang piso at iniabot sa bata na ang sabi: “Amang, narinig ng Diyos ang panalangin mo at heto tanggapin mo ang perang ito at ibili mo ng pagkain”. Tumingala ang bata sa pulis, kinuha nya ang limang pisong iniabot at muling yumuko para manalangin: “Panginoon, salamat po sa pagdinig ninyo sa aking panalangin, pero sana naman po sa uli-uli wag na ninyong pararaanin pa sa pulis, kasi malaki na ang bawas.”

Pahingi

Juan: Oys, ano yan? Pinya? Pahingi naman niyan. Pedro: Pahingi? Nasaan ka noong nagbubungkal ako ng lupa sa ilalim ng init ng araw? Nasaan ka noong nagtatanim ako habang kumukulog, kumikidlat at bumubuhos ang malakas na ulan? Nasaan ka noong oras na nag-aani ako na nagkalat ang maraming ahas sa daraanan ko, noong naghihirap ako sa pagpasan ng pinya? Nasaan ka? Juan: Nakakulong kasi ako noon! Nakapatay ako ng madamot! Pedro: Ganun ba? Kuha ka na, kahit ilan! May langka pa doon, pare!

Common sense

Isang bata, nagpasa ng blank paper sa art teacher… Teacher: Bakit blank ang work mo? Bata: Nagdrawing po ako ng baka at damo. Teacher: (tinignan ulit ang papel) Saan ang damo? Bata: Ubos na po, kinain ng baka. Teacher: (kamot sa ulo) Eh nasaan ‘yung baka? Bata: Ano pa pong gagawin ng baka dyan, eh wala ng damo? Syempre umalis na po. Common sense naman, ma’am!

Job Interview

Sa isang job interview…Boss: Ano ang alam mo?Juan: Alam ko po kung saan kayo nakatira ng misis mo, at kung saan nakatira ang kabit mo. Boss: Tanggap ka na!

Driver

Pedro: Ba’t ka malungkot, pre? Juan: Ang asawa ko, nag-hire ng driver, guwapo, bata at macho. Pedro: Ba’t nagseselos ka? Juan: Nagtataka lang ako, kasi wala naman kaming sasakyan eh.

Shampoo

While taking a shower at home and calling for Loi. Erap : Bakit walang shampoo dito? Loi : Anong wala, eh kabibili ko lang kanina ng shampoo. Erap : Eh, puro For Dry Hair lang ang meron, basa na ang buhok ko!

Elevator

Berto: Magkano ibabayad natin? Ricardo: T*nga! B*bo! G*go! Ignorante! Bugok! Estupido! Walang utak! ‘Di ka nag-iisip! Bakit ka magbabayad… Eh, wala pang kundoktor.

5 Comments

Filed under Arts, Filipino

5 responses to “Epikia for Pidol

  1. ang lakas po ng tawa ko hahahha.

  2. another good article.something i can laugh with and get the punchlines.and in the native tongue..english or in tagalog you are good at it herdy.

  3. tita lita

    another good article herdy.something i can relate and can get the punchline.nice clean jokes.and may i say you are good whether its english or in tagalog..

  4. Para akong ulol na tumatawang mag-isa sa jokes mo kabayan. Gaya mo pinapanood ko rin yung John and Marsha noong bata pa ako. Napadaan lang po sa iyong blog-site.

  5. rogie u. balino

    hi sir… i’m rogie balino, from snhs talugtog campus. im the one who attended the 3rd sosimo maria pablico journalism seminar workshop last 22-24. i wanna write a good beats like you.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s