Torpedo

(Ano po ang maipapayo natin sa letter sender?)

Hayaan niyo naman akong mag-share. At pasensya na sa lengwahe. Baka hindi niyo magustuhan, pero parang gusto ko lang makipag-usap sa isang kaibigan at ganito ako makipag-usap sa isang kaibigan.

Binuklat ko kasi ang lumang diary ko nu’ng nakaraang araw at muli ko na namang naalala ang isang bahagi ng aking buhay na pilit ko nang ibinaon sa aking kamalayan.

I really loved her so much and adored her. I had other girlfriends before pero wala sila compared to this person. Nu’ng high school e we would talk on the phone nang kay tagal. More than two hours, ganun. I would even record the conversations on cassette tape at papakinggan nang paulit-ulit kapag nami-miss ko siya.. Top student siya sa school nila at ganun din naman ako sa amin kaya nagkakasama kami sa mga interschool activities at competitions.

She was very simple and that was what I liked about her. Walang arte. At ang sarap niyang kausap. Talagang may connection kami.

Nu’ng nag-college kami pareho sa Manila, we went to different schools, siya sa UP Diliman, ako naman sa isang Catholic school. Bago kami mag-college e sabi ko bibisitahin ko siya sa UP. Sabi niya huwag, conservative kasi ang family niya at very religious, as in. At naintindihan ko naman na gusto niyang mag-focus sa pag-aaral. So I respected that. Nag-uusap naman kami paminsan-minsan sa landline sa dorm. And we would also write letters to each other by mail kasi hindi pa masyadong uso ang text noon. Kakatuwa nga e, kasi nasa Quezon City siya at sa Manila din lang naman ako pero by snail mail ang communication namin. Subalit iba talaga ang feeling kapag sariling penmanship niya ang binabasa mo. Parang sasabog ang puso ko sa galak tuwing bubuksan ko ang kanyang liham.

Basta, I respected yung sinabi niya na huwag akong dadalaw. Miss na miss ko siya palagi. Kapag sembreak at umuuwi kami dito sa Laoag ay mas mahaba ang usapan namin, we try to catch up.

There was one time na pinipilit ako ng bestfriend ko na puntahan namin siya sa dorm nila on my birthday pero either ako’y masunurin talaga sa minamahal ko o isa lang talagang dakilang torpe, hindi kami tumuloy.

Then second semester ng second year e may course requirement kami sa theology. Questionnaire for girls we were interested in. Gusto ko sanang ipasagot sa kanya pero nawawalan na ako ng pag-asa. Christmas break noon at hindi ko na siya tinawagan ni minsan dahil nga pinanghihinaan na ako ng loob.

Pero nung Dec. 31, at 10:00 p.m., tumawag siya sa bahay. Mag-ingat daw ako sa pagpapaputok. Sabi ko naman, “Who cares anyway? Sabi niya, “I care.” Sobrang kinilig ako. Kaya naman nagkalakas-loob ako na banggitin ‘yung tungkol sa theo project namin.

Inutusan ko ‘yung pamangkin ko na dalhin sa bahay nila ‘yung questionnaire the next day, Jan. 1, kalakip ang isang white rose. The next day, because of a mistake in a pronoun I used, I found myself going to their house with three red roses and chocolates. Kinabahan ako sobra pero kinapalan ko na ang mukha ko. There was her father who was naturally protective of his youngest daughter, at nagkataon pang birthday ng kuya niya. She received me so warmly.

Pag-uwi ko ng bahay, dagli kong binasa ‘yung mga sagot niya. Part of the questionnaire ay ‘yung impressions niya about me. Nakakataba ng puso ang mga isinulat niya tungkol sa akin. Then, as to the question, “If he courts you, does he have a chance?” ang sagot niya ay, “Of course, but he has to wait. We have to finish college first.” Kaya naman nabuhayan talaga ako ng loob. January 2 ‘yan at pabalik na ako ng Manila. Pagbiyahe ko kinagabihan e nakangiti ako sobra. Ang saya-saya ko.

I invited her to our college fair later that month. Pumayag naman siya. Sinundo ko siya sa UP kasama ang tatlong high school friends niya na nag-aaral din ‘dun. Bago tumuloy sa school namin ay kumain muna kami sa labas. Para akong lumulutang sa alapaap.

Bago ang prusisyon at misa ay pumasyal muna kami sa fair grounds kung saan may mga rides. Takot ako sa rides, pero nu’ng nag-aya siyang sumakay sa ferris wheel e hindi na ako nagdalawang isip. I was overwhelmed na katabi ko siya. Sabi ko, “I can die now.” Napangiti siya. Ang saya. Pati nung prusisyon ay kami ang magkasama hanggang sa pag-uwi nila.

Then tuloy lang ang communication namin. Hanggang we got busy nu’ng third year na kami, lalo na nu’ng naging abala ako sa debate team at sumali kami sa iba’t ibang competitions dito at sa labas ng bansa.

Basta I was holding on to her promise na after college e pwede na. I was willing to wait. Kahit gaano katagal. I promised na siya na talaga ang gusto kong makasama habang buhay at sabi ko sa sarili ko na kung hindi rin lang siya e ayoko nang magmahal ng iba. Sobrang siya ang ideal girl ko at lahat e parang second rate na lang. At ayoko ng second rate.

Noong birthday ko nu’ng fourth year na kami, I was excited kasi sandali na lang at talagang full blast na ang panliligaw ko. So, I called her that night. Sabi ko e hindi ko naman hinihiling na sagutin na niya ako. Gusto ko lang tanungin kung meron ba talagang chance.

Natigilan siya. There was a long, defeaning silence. Then she said. Sinagot na daw niya si Ben (hindi tunay na pangalan). ‘Yung isang manliligaw niya na nauna pa sa akin.

Ouch! Sakit naman. I was devastated. SAKIT!

I asked her why. ‘Di ba promise niya na we will wait? Sabi niya e hindi din daw niya alam kung ano ang nangyari. Basta nangyari na lang and then there were times when he needed somebody and Ben was always there. I was not.

Ilang buwan ang nakalipas bago kami uli nagkausap. Sabi niya’y sadyang iniwasan niya ako kasi baka kapag nagkaproblema sila ni Ben e bigla siyang lumapit sa akin. Noong medyo stable na sila e saka niya inamin na nagustuhan din niya talaga ako, na naging mas matimbang ako kay Ben.

Pero huli na ang lahat.

At ako’y nalulunod sa kalungkutan.

9 Comments

Filed under Uncategorized

9 responses to “Torpedo

  1. byron

    Totoo ba to kuya?!?!?!?!?

  2. tita lita

    huwag malunod sa kalungkutan .your day . and your true love will come.its better that you found out now than later…LOVE IS A PSYCHOSIS..

  3. Gerry Labayog

    I also had a girlfriend. Akalo ko noon ay kami na talaga. However, I discovered na hindi lang pala ako ang boyfriend niyaq. I broke up with her at the beginning of one Christmas Season. However, I wanted to win her back but ayaw na rin niya. I was so sad during the holidays.

    However uli, naging tulay yon para makita ko ang babaing aking naging pangarap. She became my wife. I have never been so happy. Kay letter sender, don’t be upset. She is not the right girl for you. Just continue looking around.

  4. jolo :D

    Sir okay lang yan 😀 u’re a stronger person now

  5. God is good for those who wait! Yun lng hehehe.
    Nakakatuwa naman itong letter, pra ulit akong naging teen ager hehehe.

  6. Del

    Baka kilala ko siya. Magkageneration lang tayo, and maybe, we have common friends, hehehe

  7. William S.

    Kawawa naman si letter sender, ni hindi man lang naka first base. I always believe in life that if you snooze you lose!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s