Nang pitong araw na hindi nag-smile ang araw

NAMISS natin sobra ang maliwanag na sinag ng haring araw.  Kung dati ay panay ang reklamo natin dahil sa init ng panahon, ngayo’y ating napagtanto na di hamak na mas mahirap ang basang-basa at madilim na buhay.

 Nakalulunos ang pinsalang idinulot nina Ondoy, Pepeng, at ang pampagulong si Quedan.  Ilang buhay ang nasawi, mga bahay na nagiba, ari-ariang tinangay ng agos, at mga kinabukasang nawala na parang bula.

 Gayunpaman, ang trahedyang ito ay patunay na naman ng pagkamasiyahin ng Pinoy, ng ating kakayanang bumangon mula sa anumang pagkakalugmok, ng ating magaan na disposisyon sa buhay. Napangingiti na lamang ako kapag nakikita ko ang mga biktima ng mga pagbaha na panay pa ang pagkaway at pakyut sa likod ng mga reporter sa telebisyon.

 Marami akong mga kaibigan sa NCR na labis na naapektuhan ni Ondoy. Habang naglilinis sa kung anuman ang natira sa kanilang mga putikang bahay ay panay pa ang hagikhikan. Itong si Dennis, ang kaibigan kong nasa Amerika, bagama’t nalulungkot at sinira ni Ondoy ang kanilang bahay, kagamitan, at pati na rin ang bahagi ng kanilang kabuhayan sa Cainta, ay labis ang pagpapasalamat at wala namang nasawi sa kanyang mga mahal sa buhay. Natatawa siya nang ikuwento sa akin na ayaw pa sanang umalis ng kanyang tatay sa kanilang tahanan bagama’t napakataas na ng baha, subali’t napilitan din itong lumikas nang lumulutang na ang hinihigan niyang kama.

 Napag-uusapan na rin lang ang paglutang, nakuha pang mag-cheer ng mga taumbayan na nakasaksi sa pagkaanod ng mga kabaong sa rumaragasang baha sa Zambales. Animo’y parang nanonood lang sila ng karera ng mga bangka. Ang buhay nga naman, pati ang ang mga patay, naabala ang pamamahinga. Ang mga bangkay daw, Rest in Fish, nilantakan ng mga isda.

 At heto pa, ang ilang mga nanay na nanganak sa evacuation center, nakuha pang ipangalan ang kanilang mga sanggol kina Ondoy at Pepeng. Talaga naman.

 Noong nakaraang linggo, ang mga kawani ng gobyerno ay pumasok pa rin sa trabaho bagama’t patuloy ang pagbayo ni Pepeng.

 Pitong estudyanteng lalake mula sa CoEd’s Dorm ang tumungo sa aming opisina sa FEM Building noong Martes. Hindi sila nakauwi sa kanilang mga bahay sa kanayunan dahil sa bagyo. Dahil walang allowance, apat na araw na instant noodles ang kanilang kinakain.  Ilang araw na rin silang walang paligo dahil sa kawalan ng tubig. At dahil wala ring kuryente, namatay na ang kanilang mga cellphone, kaya’t dumulog sila sa aming opisina upang maki-charge.

 Naawa ako sa mga bata, mukha silang mga basang sisiw. Tinanggal pa nila ang kanilang mga tsinelas bago sila pumasok sa opisina, nahihiya. First time na may nakita akong nag-iwan ng tsinelas sa labas ng aming opisina, at ito’y kumurot sa aking puso. Ipinasuot ko sa kanila ang kanilang mga sapin-paa, sapagkat ang mga mamamayan ang tunay na boss sa anumang tanggapan ng pamahalaan.  Nu’ng mag-full charge na ang kanilang mga cellphone, tila wala nang bakas ng gutom, hirap, at ginaw sa kanilang mga mukha.  Masaya na sila. Fully charged na sila.

 Eto namang si NJ, isang nursing student, hindi inalintana ang hagupit ni Pepeng. Bagama’t baha na sa kanilang lugar, nakuha pang tumungo sa sentro ng Laoag at maglilibot upang maghanap ng bukas na computer shop para anihin ang kanyang mga pananim na nanganganib masira… sa Farm Town, isang laro sa Facebook sa Internet kung saan ikaw ay maaaring maging virtual na magsasaka. Doon ay puwede kang mag-araro, magtanim, mag-ani, at magbenta sa iyong mga pananim.  Kinakailangan na kasing anihin ang kaniyang mga Sunflower kaya hindi sinanto ni NJ ang lakas ni Pepeng.  Adik sa Farm Town!

 Ngunit buti pa sa virtual farm, walang mga bagyo.  Kapag nagtanim ka, siguradong may aanihin kang masagana.   Hindi ganyan sa tunay na buhay. Ang mga tunay na magsasaka, nabilad na sa araw at ulan, nanakit na ang buto sa kayuyuko, at nabaon na sa utang pambili ng abono, ay masisira pa ang pananim. Paano na ang mga estudyante natin na mga anak ng magsasaka? Mahihirapan tiyak ang marami sa kanilang magbayad ng tuition. 

 Salamat na rin at ang bagsik ni Pepeng dito sa ating lalawigan ay hindi kasimbangis sa ibang probinsiya tulad ng Isabela, Cagayan, Pangasinan, at Benguet. Tuloy na uli ang pag-inog ng ating mundo.  Unti-unti nang nalilinis ang mga kalat at mga nabuwal na puno sa kampus, halos tuyo na ang mga test paper at iba pang papel na nabasa sa mga tanggapan, at naghahanda na ang lahat para sa final exam sa susunod na linggo. Ang mga magsasaka naman ay inaani na ang kung ano pa ang natira sa kanilang mga pananim. Salamat po, Bathala.

 Wala nang mas mainam pang paraan ng pagpapasalamat kundi ang ating pagkakapit-bisig upang tulungan ang ating mga kababayan na tumawid sa krisis at buuing muli ang kanilang buhay. Nakaaantig ng puso kapag ang mga taong bagama’t walang-wala sa buhay ay sige din sa pagtulong. Pati na ang mga preso sa Bilibid ay nag-donate ng 20,000 na lata ng sardinas at mga kaban ng bigas. Lumiban kasi sila ng agahan upang makatulong sa mga nasalanta. Ang kaunti nilang kita mula sa kanilang mga livelihood program ay ibinahagi din nila sa mga biktima.

 Walang taong sobrang mahirap upang walang maiambag sa kapwang naghihikahos.  Nakatutuwa at karamihan sa mga tumutulong ay walang hinihintay na kapalit, at karaniwan ay ayaw pang magpakilala, bagama’t mayroong mangilan-ngilan na namimilipit na sa gutom ang kanilang mga kababayan ay nakuha pang magpaprinta ng kanilang mga pangalan sa mga supot at styrofoam na ipinamumudmod sa kanilang mga relief operation.

 Sana’y patuloy nating pag-alabin ang bayanihan.  At kung wala ka nang materyal na bagay na maibabahagi, smile lang ok na.  Ang ngiti ay tunay na nakahahawa at nakagiginhawa.   Walang bagyo, trahedya, o delubyo ang kayang gumapi sa katatagan ng Pinoy.

 Ngunit kung may maiaambag ka naman, kahit kaunti, huwag nang magdalawang isip.  Sama-sama nating ibalik ang ngiti sa ating kapwa.

52 Comments

Filed under Happiness, Heroes, Ilocos, Sociology

52 responses to “Nang pitong araw na hindi nag-smile ang araw

  1. tita lita

    i now have a phobia of flood and typhoons.my husband now says”you should have came home long before..everything will go back to normal once you leave the philippines…you are the storm there honey!!!and my answer? it’s not funny “i will not be back to the philippines for awhile. my parents are gone so there are no reasons for me to come back..i can just talk to my 3 siblings everyday if i want to communicate,….

  2. ate joy

    its a heavy downpour, cold and dark, great to snuggle in my warm bed after a tiring night shift…but first I have to check my emails then I came across your words….and I felt guilt, yes I did.While people greatly affected, in pain, lost and in grief, hungry and seemingly hopeless, and here I am taking comfort from the rain….
    its true, during trials like these, people unite to achieve one common cause- to reach out with utmost sincerity-yes i did and still am trying to….filipinos here are soliciting support and help for our dear countrymen affected by the recent calamities, so please count on us….and yes prayers, loads of it…i just uttered now and begged His Almighty to cast His blessings to my countrymen, my country….before I resign to bed, and in my sleep I dream of the most beautiful, ….where my country and her people be free of pain, chaos and poverty….this is my prayer…now ….will it be…. forever?

    • Herdy La. Yumul

      Change happens in the Philippines at a disappointingly slow pace. Chances are we will not live to see the day when the our nation has become what we wish it would be. But we owe it to our children to do our part so that their struggles in the future will be lighter, less bleak than ours.

      Thank you, Ate Joy, for always thinking of us here.

  3. tita lita

    my husband says”he misses the sunshine of his life. 2 months of no sun. one more month and i will be back in my own domain..i am now getting homesick!!!!

  4. tita lita

    i know i feel guilty when my husband said he will let me charge 67 red roses for my birthday october23 from him and my son another 67 red roses when lots of people are homeless and hungry.so i told them i will forego the roses this year and donate the money for the poor people and they both agree.”that is why we love you mom you always think of other people first.”i also thank you for teaching me your principle”..i will just have a simple spaghetti merienda for friends.whoever wants to come you are welcome!!!!! i will turn 67 .

  5. POGI

    despite of the calamity that the typhoons brought us.. filipino’s are still cheerful in facing the problems. and thanks to the people who help us here in the philippines to cheer up and don’t lose hope.

  6. tyler

    mabagsik talaga ang dalawang bagyong pepeng at ondoy dahil marami siyang sinalanta at marami rin nagulat dahil sa sobrang lakas nito…….at hindi lang yun marami din ang namatay….ngayon sana sa mga nangyaring yun maging leksiyon na sa atin ito at iwasan na rin nating magputol ng mga kahoy sa mga bundok para di na maulit ang bahang nangyari satin….

  7. tita lita

    i noticed different sectors in batac are now planting trees.although it will take awhile to grow them it is a START.2 WEEKENDS AGO THE CATHOLIC CHURCH IN BATAC HAD THEIR TURN IN PLANTING TREES .AND ALSO SOME DIFFERENT ORGANIZATIONS.!!!LET US DO IT ONE TREE AT A TIME AND WE WILL ACHIEVE BETTER ENVIRONMENT AND HOPEFULLY NO FLOODS IN THE NEAR FUTURE.IF ONLY EACH CITIZEN DO THEIR PART THE ENVIRONMENT THAT WE ALL LIVE IN WILL BE A BETTER AND SAFER PLACE..

  8. pinkcushion

    Grabe ang idinulot ni Pepeng at Quedan sa atin, maraming nabahang mga bahay at nasirang mga ari-arihan, pati narin mga gulay eh wala nang mabiling mura sa palengke. Imagine!! 7 days!!T_T
    Haixxt,..ChaKa anG mAsaMA duN, wala PAng cuRRent! hinDi me nakapagtxt ng tatlong araw daHil naempty cp Ko!!hehe,,.Sana Wala nang bagyong daraan sa atin, sana talaga parang farm town nalang ang buhay natin, para walang masisirang tanim, chaka mas mabilis pang yumaman ang tao>>

  9. Amir

    Lahat tayo ay talagang nagulat sa matinding pinsalang iniwan ng dalawang bagyo sa atin lugar………Marami sa atin kababayan na namatay at nawalan ng tirahan dahil sa matinding pag-ulan…Kaya naman nagka-isa ang bawat tao na tumulong sa mga nangangailangan ng tulong tulad ng pagkain, pansamantalang masisilungan.etc……

  10. jienszien

    It seems like we are living in cursed country. Why can’t we go away from so much disasters, like these destructive typhoons Pepeng, Quedan and Ondoy. yah, your right, i really missed the heat of the sun during that seven days of pure heavy rains and strong winds

  11. jienszien

    It seems like we are living in cursed country. Why can’t we go away from so much disasters, like these destructive typhoons Pepeng, Quedan and Ondoy. yah, your right, i really missed the heat of the sun during that seven days of pure heavy rains and strong winds. Every year we experience this calamities wich due to economic crisis.We had seen what happened recently in central Luzon and even here at the Northern part of the Philippines that brought each and everyone shed our tears but we cannot do anything. A tragic experience to hundreds of families especially those who lost their properties and love ones.Crops and properties were destroyed,nothing to eat,nothing to sell.Shelters were washed out and the government started to giv aid to them. Funds are released and attention were focused to those unfortunate brethrens . Infrastructure need to be restored in order to bring back the business stability of the natuon.Agriculture are greatly affected. Prices become higher with no limit.Education is greatly affected because of destroyed schools, muddy books, no comfortable rooms for children. What will happen to the youth,which we call the backbone of our nation?..May i ask you,do you believe in God?or is there really God, our savior and great provider?
    Ive read in here this sentence”Salamat Bathala.”What is this for? I pity those who suffered to much, from washed out houses to missing relatives and even dead loved ones. Do you think God really loves us, or its just a big big test and to much pain for him to prove how faithful we are to him. I came from a catholic school but sometimes i still doubt in him.
    Filipinos are really cheerful.Inspite of this tragic experience, they can still laugh one another.Filipinos are easy-go-lucky, but I dont know that what we see personally to them is exactly the same feeling they felt inside. Its a good suggestion that if you have nothing to share in kind,smile lang ok na.Its good,right?smile tkaes worries away.Smile makes everyone free from all their burdens. A smile encourages you to go on, move forward, and step into a better tomorrow and better perspective in life.

  12. jienszien

    It seems like we are living in cursed country. Why can’t we go away from so much disasters, like these destructive typhoons Pepeng, Quedan and Ondoy. yah, your right, i really missed the heat of the sun during that seven days of pure heavy rains and strong winds. Every year we experience this calamities wich due to economic crisis.We had seen what happened recently in central Luzon and even here at the Northern part of the Philippines that brought each and everyone shed our tears but we cannot do anything. A tragic experience to hundreds of families especially those who lost their properties and love ones.Crops and properties were destroyed,nothing to eat,nothing to sell.Shelters were washed out and the government started to giv aid to them. Funds are released and attention were focused to those unfortunate brethrens . Infrastructure need to be restored in order to bring back the business stability of the nation.Agriculture are greatly affected. Prices become higher with no limit.Education is greatly affected because of destroyed schools, muddy books, no comfortable rooms for children. What will happen to the youth,which we call the backbone of our nation?..May i ask you,do you believe in God?or is there really God, our savior and great provider?
    Ive read in here this sentence”Salamat Bathala.”What is this for? I pity those who suffered to much, from washed out houses to missing relatives and even dead loved ones. Do you think God really loves us, or its just a big big test and to much pain for him to prove how faithful we are to him. I came from a catholic school but sometimes i still doubt in him.
    Filipinos are really cheerful.Inspite of this tragic experience, they can still laugh one another.Filipinos are easy-go-lucky, but I dont know that what we see personally to them is exactly the same feeling they felt inside. Its a good suggestion that if you have nothing to share in kind,smile lang ok na.Its good,right?smile tkaes worries away.Smile makes everyone free from all their burdens. A smile encourages you to go on, move forward, and step into a better tomorrow and better perspective in life.

  13. marlboro red

    ILOCOS
    Ika nga nila ang kalikasan ay mabuting kaibigan paro kapag nagalit di mapipigilan at sana ay huwag nating abusuhin ang ipinagkaloob ng poong maykapal sa atin imbes ito’y alagaan at ituring na kaibigan at dahil sa bagsik nina ONDOY AT PEPENG kayraming namatay,nawalan ng tirahan at kabuhayan at hanggang ngayon ay marami pang nawawala.Sana kaibigan magsilbing aral ito para sa iyo dahil sa huli tayo rin ang magsisisi………….

  14. rj

    Marami nang bagyo at unos ang dumating sa atin pero lahat ay nalagpasan natin.Kahit binayo man tayo ng bagyong Ondoy at Pepeng, at maraming buhay at ari-arian ang nawala kaya nating bumangon at magsimulang muli dahil iyan ang tunay na PINOY,lumalaban kahit anong pagsubok ng buhay.

  15. rl_virus

    sana’y huwag na nating abusuhin ang kapaligiran at sana’y maging leksyon na ito para ibahin na natin ang ating mga ugali para hindi na ito maulit,,,

  16. flamemisha

    Itong si Ondoy nanalasa sa NCR at tuloy nalunod na sa baha ang mga taga maynila kaya naman nag alala kami sa aming mga kaanak kung ano na ang nangyari sa kanila. Mabuti na lang at walang nangyari sa kanilang masama.Pa’no ba naman kasi eh kahit konting patak lang ng ulan eh nababaha na sila pero para sa akin kagagawan din nila ‘yun dahil sa tambak nilang basura kaya nababarahan ang mga daluyan ng tubig..At dito nagkalat ang iba’t ibang sakit tulad ng Leptospirosis at ganun na talaga du’n bahain.
    Bago nga humagupit itong si pepeng dito sa Ilocos ay panay reklamo kami ng mga classmates ko at naiisip nga namin itong global warming…Kaya naman siguro narinig ang reklamo namin ng nasa taas at ‘yun nga at dumating itong bagyong si pepeng. Halos isang linggo ata ‘yun o isang Linggo nga itong nanalasa dito sa atin. Nawala pati ang kuryente namin kaya boring, radyo na debaterya na lang ang ginamit namin upang malaman kung nasan na ‘tong si pepeng. Mahirap pala talaga kung walang kuryente, naisip ko tuloy kung ano ang pakiramdam nu’ng unang panahon na matutulog ka ng napakaaga.
    Nung natapos na itong si pepeng na pabalik-balik dito sa atin at siguro’y nagsawa na, pumunta naman ito sa pangasinan at marami nga ang nalunod na kabahayan..Buti na lang meron na kaming kuryente at nakapanood na kami sa wakas..Marami pang tao sa Maynila ang hindi pa nakabawi sa hagupit nitong si Ondoy. Pero totoo po kayo sir na nakakangiti pa rin tayo at sila kahit na maraming kagamitan ang nawala sa kanila na kung makikita mo sa telebisyon ay pati mga refrigerator ay sumabit sa kable ng mga kuryente basta walang kaanak ang nawala o namatay pero meron din pong mga kalunoslunos ang nangyari sa kanila..
    Pero po kahit ano po ang mangyari basta tulung-tulong po tayong mga mamamayan ay makakaya po natin ito..

  17. cedrick_karl

    Napakalaking pinsala ang dulot ng mga bagyong nagdaan sa ating probinsya. Hindi lang yan, pati estudyante ay apektado..Wala ng Semestral Break, huhuhuhu…Wala na yong mga planong “picnic ng barkada, dating batch, etc.! Haaay…pero ok lang kc kng 22usin marami ngang holidays na nagdaan…kaya lang bitin,…hehehe…Speaking of pinoy, kaht nabagyo na lhat ng kagamitan bsta ma-expose sa telebisyon, masaya na…hahahaha…napakababaw ang kalogayahan…ngunit it’s their way daw naman bilang pampalubag ng loob…

  18. anarose

    Talagang mabagsik ang bagyong pepeng at undOy, maraming tao ang binawian ng buhay at nawalan ng nga tirahan.Kaysakit naman kasing isipin na tayo mismO ang sumisira sa ating kalikasan kaya nangyayari sa atin ito, maraming mga trahedya ang dumadating dahil sa ating mga karumal-dumal na gawain..kaya naman sana itigil natin ang pagsira sa ating kalikaan para wla ng bagyong darating pa at iba pa..

  19. jey23

    sa pagdating ng dalawang bagyo na si ondoy at pepeng hindi inaasahan ng mga pilipino na ganun kalakas ang dalawang bagyo…dito sa amin maraming tinangay si pepeng na mga yero at maraming nasira na bahay….pero ang pinakamalakas palang na bagyo na dumating sa amin ay ang super typhoon perya..

  20. Jervin M. Cortez

    ..naeengganyo akkong basahin ang mga ugaling pinoy na sa gitna ng kalamidad ay lalong tumitibay. Magandang pamamaraan na pagsisiwalat ang mga pag-uugaling pinoy na nangyayai sa araw-araw at napapatunayan ito sa oras ng krisis.
    …..Nakukkulangan lang ako kasi hindio naisagi ang hindi tamanng pag-uugali ng mga pinoy sa kagipitan. Ito ay ang pagiging mapagsamantala sa kapwa.

  21. redmonkey

    trueness!!! t inbgam sir, nakaklungkot mang ispin na kbilang tayo sa pinka mahirap na bansa sa earth pero tayo parin ang pinakmasayang namumuhay sa hirap,haha!! kahit ganito lang tlga ang pinoy makikita mo nman ang unity,love at pagkakawanggawa sa bwat mamayang filipino. nakakatuwang isipin na pati mga nsa preso ay tumolong sa mga nsalanta ng bgyo.btw! sir talagang may unity sa cebu cityjail ata ang mga presong 2molong.don sa vid. nila ng soulja boy ay nkikita mong may onens sa loob ng preso na eenjoi cila ganyan ang pioy kahit mahirap ang buhay. so go pinoy!!
    tnx sir^_^

  22. eragon

    hay,,,naKakabigla naMan Ang dalAwang maGkasunod na baGyong sina pepeng at undoy.),
    nakakatakot..NapaKabagsik nila..tAlagang maRami siLang dInalang kamalasan dito sa ating bansa,, Kay unDoy pa lang maRami ng nasawing mga tao pati mga ari arian nila nawala na ng bigla tapos dumating pa si pepeng.Sa northern luzon naman sumalakay..aNg mga tanim ng mga magsasaka ay talagang sinira niya..kulang na ang mga gulay na nabibili.. nakakalungkot ngang isipin kasi pati mga paaralan nasira rin,,,iYong mGa iba nagkaklase na lang sa manukan kaya talagang napakalupit ng mga bagyong ito..buti na lang at meron mga tumutulong sa mga kababayan natin nangangailangan ng tulong ngayon…hMmm sanA ngayon ay tulong tulong tayo at sama sama at sana ito ay nagsilbing aral sa atin mga mamamayan kaya mahalin natin ang ating kalikasan..

  23. pan-pan

    Oh my gosh!! The bagyong Ondoy and Pepeng are so much dangerous!! They brought to us a big problem in our country. Imagine! Philippines state of calamity. But after all the sacrifices that were done still Filipinos are trying to go back to they re normal life. Many of our kapamilya in showbiz has a good heart. They tried to ask a donations from they re commercial that they are introducing. And even they re personal money they give it for the sake for those victims in bagyong Ondoy and Pepeng. Also I observed that the candidate for president, vice president, senator or related to politician work and sacrifice a lot they give relief goods, clothes, first aid kit to the victims. Some are “sinamantala pang mangampanya” to vote them this coming election. But anyway reflection to our self the bagyong Ondoy and Pepeng came to our country!! Take note it reminds us that Philippines has many garbages especially in Metro Manila and there is the top reason why Manila experience a great flood. And many people are died. They don’t survive. I suggest don’t loose hope just pray to God always and smile always whatever trials that will come to our lives.

  24. ianjumpssy_04

    Talagang namiss ko ang maliwanag na sinag ng araw nang dumaan ang bagyong si Pepeng. Pano naman kasi eh ang lungkot lungkot. Talagang soon ko rin nalaman na sa gitna ng trahedya, marami ang mga nawalan ng tirahan, mga ari-arian at mga gamit.
    Pero ang pinakamasaklap, nasira ang mga panananim ko sa Farm Town….hmmmf…. hahaha
    xoxo

    • Herdy La. Yumul

      May mga nagtatanong kung gawa-gawa ko lang daw yung kuwento ni NJ na pumunta pa sa Laoag upang maghanap ng computer shop para magaharvest sa Farm Town. Totoong tao po siya.

  25. Ashmira

    Sa aming barangay ay nakakaranas din ng baha tuwing may bagyo. Bagamat nasa tabi ng highway ang aming bahay kami pa rin ay nababaha sapagkat mas mataas ang kalsada kaysa sa amin. Pagiging alerto at preparado ang susi para kami’y makaligtas sa paparating na unos. Mas napagtuunan nga ng pansin ang malawakang pinsala sa NCR kung saan halos lahat ng syudad ay nalubog. Marami ring haka-haka ang naglalabasan na lulubog daw ang Marikina at Makati. Napakasakit lang isipin na maraming tao ang nagsisisihan dahil sa naganap na malawakang pagbaha, may mga nanininisi sa mga iskwaters na naninirahan sa tabi ng mga ilog, mga tambak ng basura, dahil sa mga water lilies at iba pa. Sino nga ba ang dapat sisihin? Ang walang kadisiplinahan ng tao o ang mapagpabayang gobyerno? Pero kahit masaklap ang nangyari nangibabaw parin sa lahat ang pagiging likas na matatag at matulungin ng mga Pinoy. May mga pulitiko ring kandidato sa pagkapangulo ang tumulong, para sa iba kabilang ito sa pangangampanya at sa iba naman ay intensyon talagang tumulong. Malapit na naman ang eleksyon at sana kung sino man ang iboto ng taongbayan sana’y walang masyadong maganap na sisihan. ت
    تAshmiraت

  26. mangCaloy

    nang pitong araw na hindi nag smile ang araw, tiyak na maraming bata ang nabuo sa mga malapit sa mga baybayin ng ating probinsya. ginawa nila itong past time hbang ang hangin at ang ulan ay binabayo ang kapaligiran , ang mga magsing irog naman ay nagbabayohan.heheh.
    nagsaem nga panunuten ta agbagbagyo lang garuden ket mayat pelat aramid dat annak da.

  27. grayhamz

    ——hayyy. . .
    Nalulungkot ako para sa mga kababayan nating nawalan ng tirahan, ari-arian at pati na ang kanilang mga minamahal… Ang mga pinakaiingat-ingatan ay bila na lang nawala. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, lalo akong napabilib sa lahi nating Pilipino, dahil sa kabila ng mga kasawiang ito tayo ay bumangon mula sa pagkakalugmok sa baha at putik. Nagtulungan tayo para maayos muli ang mga nasira…
    Sana sa mga susunod pang mga araw, lagi na tayong handa parang boyscout ba ^^. Wag na sanang hayaan na maraming buhay pa ang mawala.
    Dugong Pinoy Ta’yo! Sa kabila ng hirap o kahit ginhawa man, nakukuha nating ngumiti at maging Masaya kahit na masakit sa loob para kahit papaano mabawasan ang mga hinaing ito.
    —-(gumaya sana kayo sakin, palaging nakangiti kahit ano man ang mangyari (,^_^,) )

  28. LG

    Hindi naman natin maiiwasan ang bagsik ng kalikasan. Pero sobrang naiinis ako sa mga bagyong yan, ang eepal. Naawa lang ako sa mga nasalanta ng bagyo, grabeh ang idinulot na baha sa mga lugar tapos ang dami pang mga sinira na mga ari-arian at buhay. Pati nga mga pananim namin na mga palay nasira.
    Imagine, 7 days na hindi sumikat ang araw?! kaya 7days din akong hindi nakapaglaba. Pero Im so thankful pa rin kasi ligtas family ko.
    Pero kahit na ganun nangyari sa atin, nagiging masayahin pa rin tayo . Kahit na nakikita mong lumulutang na ang bahay mo sa baha, imbes na malulungkot tayo, natatawa na lang tayo. ang mga Pilipino nga naman, hindi basta-basta naggigive up sa mga pagsubok sa buhay.

  29. ATOM

    Pitong araw na sinalanta ni pepeng ang luzon, pitong araw na nakakulong sa bahay. walang koryente, walang internet, walang baon, walang dota. tanong ko noon, kumusta na kaya sa labas? ano kaya ang dahilan ng sunod-sunod na bagyong ito?

    dahil sa pagsira natin sa kalikasan kaya nangyayari ang sunod-sunod na delubyong ito. madaming namatay, madaming nasirang ari-arian at pananim. pati farm town ay nasalanta. kailangan na nating kumilos at ayusin ang mundo.

    go go go! lets make our environment green leafy vegetables

  30. huwag dapat nating idaan sa pagrereklamo, mas mainam pag ipagdasal nalang ang mas nakabubuti sa atin.buti pa ang mga pinoy at hindi nila masyadong dinibdib ang nakaraang trahedya. Ang mga estudyante nga naman oh… mukhang cellphone na lng ata ang kaligayahan..haha ..Buti pa ang facebook , sana maging reality na lang to para naman mas madaling umahon ang mga magsasakang lubog na sa utang. Idol, ang pinoy wala na akong masabi sa ating katatagan at kahit gaano pa kapait ang nakaraan ay nagagawa pa rin nating ngumiti at tumawa.

  31. airheese (//_-)

    Ang bagyo nga naman. Hmm… sir, isa din ako sa mga palowbat na ang cp nuon. Grabe! Close lahat ng tindahan! Eh as in na dead battery na ako. I’m eating something that time nang maalala ko na may binili pala akong travel charger. Thanks to the travel charger kasi kahit papano nakapag full charge ako. :] kung ako sainu, bili na rin kayo. Haha! It’s a big help lalo na sa mga sitwasyong ganito. :] pero hindi ko yata kayang isipin na maghanap ako ng comp. shop na available para lang mag harvest. Buti na lang hindi ako adik sa “Farmville”, kung nagkataon, tiyak na pupunta pa ko sa batac o kaya sa laoag para lang makakita ng comp. shop na bukas at para mag harvest! Ang inintindi ko talaga that time eh yung cp ko. ;] binaha din naman kasi kami ng konti kaya magdamag na inatupag namin iyong pagtatanggal ng tubig sa bahay. Hmm.. dun pala sa nangyari dun sa manila, lalo na sa Marikina, nakakalungkot isipin na lagpas tao at hanggang dibdib yung baha dun. ;[ marami ding mga ari’arian ang nawala at nasira. Lalo na dun sa isang subdivision na mahal ang mga bahay ( I think elite subdivision yun), na binaha at halos masira na. may cousin din ako sa antipolo, as in na bahang baha sila, lahat ng appliances nila nasira. Haay.. nung nasa school naman ako, nakatanggap ako ng text message from unknown number. It says there na there’s this blog daw na may dalawang Korean na nag uusap. “oh, the monkey island has been flooded”, sabi ng isang Korean, and sbi naman ng isa, “yeah! Let’s pray for them because monkeys can’t swim!” and they end up laughing daw. Hmm.. halata naman na sa pinas yung tinutukoy nilang “monkey island” eh. Nakakalungkot lang isipin na ganito na nga nangyari sa pilipinas, ganun pa sasabihin nila! Tsk.. well, totoo man to o hindi, masakit pa rin isipin eh, iba pa rin yung impact nito. Sana lang hindi nila maranasan yung naranasan na natin na ganito. Isa pa, kahit na nakakatakot at napakasaklap ng nangyari satin, nakakangiti parin tau! ;] ganito tayong mga pinoy eh! Kaya tama nga naman na tulungan natin sila, kahit manlang kaunti basta hindi yung napilitan lang tayo kundi dahil bukal ito sa kalooban natin. ;]

  32. Rey Dominick Duldulao (Dom)

    Tinatanong ko nga rin ang aking sarili kung bakit ganun nalang ang pagkamasiyahin ng mga Pilipino. Kahit nga ako eh natawa sa mga napanood ko sa telebisyon na nasa bobong ng kanilang bahay na kumakaway pa sa kamera pero ang kanilang kundisyon ay hindi naman nakakatawa kasi nga wala na silang makain.
    Para sa mga pitong estudyante, nakakaawa sila kasi alam kong mahirap ang kanilang naging kalagayan kasi wala na nga silang pera tapos noodles pa ang kanilang pagkain. Pero naisip ko na sana ako nalang ang isa sa kanila kasi kung ganun man ang nangyari eh sana payat na ako ngayon. ^_^
    Sa mga preso sa Bilibid, para silang hindi nagkasala sa batas kasi akalain mo nga naman na magbibigay sila ng donasyon sa mga nasalanta ng mga bagyo? Dapat lang silang tularan. Pero hindi ang kanilang ginawang kasalanan kundi ang pagkamabuting puso.

  33. Parang kilala ko yang pitong estudyante na taga coeds ha. kaw ba naman kase malobat at alam mung may nag-aalala mga magulang sa yo siguradong maghahanap ka ng paraan para makatxt manlang o makapagcharges para matxtsan mu sila. Kaya habang maaga pa alagaan natin ang kapaligiran para wala ng unus na rumagasa sa ating mga lugar……..,,,,

  34. ILLUSIONS_INVISIBILITY

    everyday,our climate changes dramatically and it is getting worst. The latest incident here in our country have been a major disaster that alarmed everyone. The victims of ondoy and pepeng were greatly affected by flash floods and landslide. But what amazes me a lot is not how this people survived but moreover it is how every Filipino united as one. People from different walks of life is doing their part in helping typhoon victims and in standing strong despite of the calamities. I salute those people who sacrifices to help our fellowmen who had been the victim of this tragedy..

  35. Jiro

    talagang sa bawat trahedya at problema tayo-tayo rin ang magkakasama. namiss ko rin ang pagsikat nang araw dahil nga sa bagyo.,naramdaman ko rin ang bagyo at nalungkot sa mga taong napinsala nito ngunit hindi aamini kong noong malaman ko ang bagyo ay nasabi ko pang “Yes, madi ma2loy ti test mi” ngunit nang sunos-sunod na araw na at hindi pa sumisikat ang araw, marami nang napinsala, namatay, naabala, nagkaproblema, nawalan ng hanapbuhay ay agad kong naisip na sana ay natuloy na lang ang test kumpara sa dami ng napinsala at nagsakripisyo.
    Ngunit nang wala na nag bagyo ay sumaya dahil senyales ng bagong pag-asa at bagong panimula sa ating buhay..buti na lang at mayroon pa ring mga taong handang tumulong sa mga taong lubos na nangangailangan ng tulong.

  36. Calamity is normal but ondoy and pepeng i too much compare to the past typhoons we experienced before.I think pepeng is the worst typhoon i’ve ever experience.I thought PEPENG will stay here forever, because i cant imagine the almost one month of disaster in the Northern Luzon. Akala ko nga Filipino Citizen na si PEPENG eh na-appreciate ko yung pagmamahal nya sa Pilipinas dahil pabalikbalik siya.

  37. Calamity is normal but ondoy and pepeng i too much compare to the past typhoons we experienced before.I think pepeng is the worst typhoon i’ve ever experience.I thought PEPENG will stay here forever, because i cant imagine the almost one month of disaster in the Northern Luzon. Akala ko nga Filipino Citizen na si PEPENG eh na-appreciate ko yung pagmamahal nya sa Pilipinas dahil pabalikbalik siya.hehehe pero taeng bagyo na yan kambing na lang yata at kalabaw ang pwedeng kumain ng gulay dahil sa sobrang kamahalan.

  38. Uzumaki NAruto

    nagpapasalamat ako sa pagdating nina ONdoy at pepeng dito sa ating bansa. hindi lang dahil sa walang pasok kindi na rin dahil sa paggising niya sa mga taong tulog sa katotohanan. oo, ginising nila tayo para sabihing sobra na ang pinsalang ginawa natin sa ating kapaligiran. kung hindi sana dumating ang mga bagyong ito hindi sana maiisip ng gobyerno na gumawa ng isang batas ukol sa climate change. (“Climate Change Act of 2009).
    sobra na talaga kasi ang mga tao. sa manila nagkalat ang mga basura. siguro nga yung mga basurang nasa tabing dagat na umabot na sa gate namin ay mga basura pang galing sa maynila. ano ba ito? nakakahiya naman. ang mga bulubundukin natin, wala na.
    sa aking araw-araw na paglalakbay, ako ay napapailing na lamang kapag nakikita ko ang mga bundok na wala nang mga kahoy. hindi na ba nagiisip ang mga tao.. hindi ba nila naitatanong sa kanilang mga sarili kung ano ang magiging epekto nito sa ating bansa?
    buti pa sa Mindanao, hindi masyadong mainit doon. lalo na sa Cagayan de oro. hindi tulad dito sa ilocos norte na napakainit. pagpunta ko sa mindanao, nagulat ako sa kanilang panahon at sa mga bulubunduking maraming puno. ang nasa isip ko, sana ganito rin sa ilocos.

    ang mga bagyong dumarating ay pagsubok lamang ito sa atin.

    everything comes in a purpose.

    all we can do is to be responsible enough to save our mother earth.
    yes, its not too late.

  39. sa kabila ng lahat ng unos talagang kahanga-hanga ang mga pinoy. Biro mo nagagawa pang tumawa sa kabila ng mga bagyong sumalanta sa bansa. yan ang natatanging ugali ng ga pinoy. May mga tao ring matulungin at mapagkyunwari sa oras ng kagipitan, oo yung iba nagagawa pa nilang tumulong kahit nba sila ay walang makain. Pero mayroon din iba jan kundi man nangangampanya, nagpapapogi naman sa television hayyyyyyyy buhay nga naman. Hindi maikakailang matulungin ang mga pinoy. MASAYAHIN pa

  40. mangCaloy

    sir natnatorog inubrk idi sir, hehehe, ta di komet pay maubra dagijay.hahah

  41. millares

    . .sabi nla disaster daw si pepeng at undoy. . pero mron din xang ngawang kabutihan sa mga estuduyante. . tiyak nmn mraming ntuwa sa pagdating niya dahil wala na nmn pasok .. lalo sa mga tga MMsU. .dahil kay pepeng. . na cancel ang final exam. .mganda un para sa mga katulad kung estudyante na nagihahabol sa mga requirement sa finals.

    ny way. . as.whole. .
    . marami na nmn pinatay ang pepeng at ondoy na yan. .
    . . anu kya kung ang mga masasamang tao na lng kya ang nba2gyo. . di mas cool sanang.manood at makinig ng mga blitang gnun. . kysa nmng mga taong naghihirap. hayyyyyyyyy. .

    .

  42. [sigh] Farm Town and Farm Ville. My classmates told us the school day after the typhoon that they do not know the situation of their “farms”. They said probably those were devastated. When I asked them, “Where are your farms?” they simply answered, “Guien, sa Facebook!” And I was like ah…

    Actually I do not have Farm Town and Farm Ville. But I do have Facebook. But I open it seldomly. My purpose of having a Facebook was to try these games. But after hearing some testimonies of my classmates saying that Facebook’s games (apps is the real term) are addictive, I stopped my dream of playing Farm Town.

    Kayo po, sir, naglalaro po kayo sa Facebook?

    Post-Script: It’s good that Ilocos was spared by Ramil.

    • Herdy La. Yumul

      Hi, guien. I tried Farm Town and reached Level 15 until I quit because my fingers protested of overuse. There are more apps to try but I am not keen at venturing with them.

      Yes, thank God Ramil took the swerve.

  43. tita lita

    i wish i can write and speak the national language as well as you do.

  44. tita lita

    one of my dad’s tree broke off during the typhoon.lucky it did not fall on my bedroom.so i have it trimmed and now i want to preserve it .so i will have a tree house made and it will be another sanctuary for me whenever i go for vacation. when i had the bahay kubo my number 1 sanctuary there were 2 butterflies hovering around and i know it was my mom and dad they stayed for awhile and kept me company…and they know that they will live forever in my heart no matter where i am..love you mom and dad.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s