Siyete-Tres

siyete-tres

(For those who can’t understand Iluko, you may proceed to the second part, an essay in Filipino. I write in the vernacular once every year on a day in August.)

“Umabot sa 7.3% ang GDP growth rate ng Pilipinas”

7-3 man, ading, order ni Mang Isidro sadiay karinderya ni Nana Dionisia.

“Lumalago ang ekonomiya, maaliwalas ang kinabukasan ng bansa.”

Guddua a tasa ti inapoy (NFA rice), pansit nga awan laokna,
ken sangkapur-it a dinardaraan wenno giniling. Piyesta.

“Patuloy ang pagpasok ng mga foreign investor.”

Adda pay kaldo a namanteka, pandigo iti labay.
Bukbukanna met iti suka’t sili daydiay pansit tapnon adda met ramanna, a.

“Hindi magtatagal ay ‘second world’ na tayo at ‘tapos ay ‘first world’ na.

Hmmm, naimas koma kunam… no haan la a makauma, ta idi kalman
ken idi naminsan, daytoy manen ti nangpunno iti terd world a buksitna.

“Lumalakas ang halaga ng piso. Tuloy ang pagsulong.”

Mangan nga usto ni Mang Isidro, tapnon adda pamigsana a mamasada.
Aggalgalgal, tumiltilmon, tumaltalyaw sadiay estante nga ayan
diya’y insarabasab, dinakdakan, ken longganisa.

“This BURDYER is worth dying for.”

Nagyaman ni Juan ta makagatang pay laeng iti siyete-tres.
Ngem no awanton a ket basta addanto asin a pagpalukmeg pingping.

“Alangan namang sa hotdog stand pakainin ang presidente. $20,000? That’s a very small amount!”

Adda pay dos a nabati sadiay naliday a bulsa… numero nga alagana innanto pantaya.

*****

SA ARAW-ARAW na ginawa ng Diyos, laging puno ang mga karinderyang malapit sa aming unibersidad. Samu’t saring mga kostumer ang kumakain do’n. Mga guro, estudyante, pahinante, tricycle driver, at pati na rin ang mga tambay.

Doon kasi, sa halagang sampung piso, solb ka na. Meron ka nang kanin, pansit na may nakapaibabaw na karne, at mainit at malasang sabaw. Siyete-tres ang tawag dito, siyete na pansit at tres na kanin. Kung mas mayaman ka, puwede ring 7-5 o 10-5.

Sarap na sarap ang mga kumakain dito at pawis na pawis sila lalo na kapag tinaktakan ng madaming sukang may sili ang kanilang pagkain. Bawat lumalabas sa karinderya ay masaya sapagkat nairaos ang gutom at nagkaroon ng lakas upang patuloy na harapin ang mga dambuhalang daluyong ng buhay Pinoy.

Ngunit itong si Gloria at ang kanyang mga kampon, aba’y iba siyempre ang trip. Gumastos ng 20,000 dollars para sa isang hapunan sa New York, at 15,000 dollars naman para sa kainan sa Washington. Kung susumahin, halos dalawang milyon ang ginastos para lamang sa dalawang beses na kahibangan.

Ang halaga ng isang hapunan ni Gloria ay sapat na upang pakainin ng siyete-tres ang lahat ng tao sa walong bayan dito sa Ilocos. Ang appetizer pa lang ni Gloria, ay nagkakahalaga na ng katumbas sa 70,000, sapat nang pambayad para sa matrikula ng dalawampung mag-aaral sa kolehiyo sa isang buong semestre. Ang 270,000 na ginastos nila para sa mamahaling alak ay kaya nang lasingin ang libu-libong Pilipino upang, kahit man lang sa sumandali, ay makalimot sa bangungot na hatid nitong halimaw na may dambuhalang nunal.

Subali’t ang mga Pilipino ay gutom, ngunit hindi patay gutom. Ang patay gutom ay hindi nabubusog kahit na ilang bandehado ng lobster at steak ang latakan, at hindi masisiyahan kahit na ilang galon pa ng alak ang laklakin. Ang mabuting tao, kumalam man ang sikmura, busilak pa rin ang puso at dalisay pa rin ang kaluluwa.

Ngunit wala naman daw silang ginawang masama. Nang siya ay depensahan ng kanyang mga alipores, lalo pang lumubog sa kumunoy ang lola niyo. Maliit na halaga lang naman daw ‘yun kung ikukumpara sa mga kabutihang naidulot ng mga pagbiyahe-biyahe niya.

Subali’t kung maliit pa ‘yun, nakapanlulumong isipin kung ano pa para sa kanila ang malaki. Sabagay, maliit lamang talaga ‘yun kung ikukumpara sa isang bilyong pisong binalak nilang waldasin para sa isang eroplanong magdadala kay Gloria sa himpapawid habang ang abang mamamayan ay baon na sa utang, sadlak na sa dusa, at lunod na sa luha’t pighati.

Maliit lamang ang halagang iyon? Sabihin mo ‘yan sa isang magulang na namatayan ng anak dahil hindi natustusan ang gamutan; Sabihin mo yan sa magsasakang, bagamat sunog na ang balat at nagkandakuba na sa paggawa, ay hindi mapag-aral ang kanyang mga anak; at sabihin mo ‘yan sa sa milyun-milyong mga Pilipinong masisipag at masisikap ngunit walang hanapbuhay.

O huwag mo na lang kayang sabihin. Kami’y gutom ngunit hindi mangmang. Huwag mo kaming insultuhin.

Kaya naman nakatatawang nakaiinis na itong sina Diputado Roquito Ablan at Bise Mayor Eddie Domingo ng Laoag ay nagkatampuhan pa diumano noong pagdiriwang ng Ablan Day dito sa ating lalawigan kamakailan. Si Domingo daw, bilang kinatawan ng alkalde ng Laoag, ang nakatakdang magbigay ng pambungad na talumpati sa programang dinaluhan ni La Gloria, ngunit tila naetsapuwera siya at tuluyang inagawan ng papel ni Ablan, isa sa maraming kongresistang kapit-tuko sa kanilang idolo.

Habang ang buong bayan, bagamat gutom, ay isinusuka ang babaeng atat sa yaman at kapangyarihan, ang ating mga lokal na lider ay nag-agawan pa sa pagkakataong magpacute sa harapan ng babaeng ahas. (Paumanhin po sa mga ahas, hindi ko po layuning saktan ang inyong damdamin. Alam ko pong mas mabuti pa po kayo, kapag busog na ay nagtatago na lang at natutulog. Itong si Gloria, walang habas pa rin ang arangkada.)

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, laging puno ang mga karinderyang malapit sa aming unibersidad. Samu’t saring mga kostumer ang kumakain du’n. Mga tunay na guro, mga tunay na estudyante, mga tunay na pahinante, mga tunay na tricycle driver, at pati na rin mga tunay na tambay.

Sa Le Cirque sa New York at sa Bobby Vans Steak House sa Washington, habang nagluluksa ang bayan sa pagkamatay ng isang ina, habang walang tigil ang pagtaas ng presyo ng langis at ng mga pangunahing bilihin, at habang nanganganib malugi ang GSIS at PhilHealth na inaasahan ng nagdarahop na mamamayan, walang patumanggang lumamon, nagpakasasa, at nagpakabundat ang isang pekeng pangulo na may pekeng su**.

64 Comments

Filed under Food, Ilocos, Iluko, The Good Life

64 responses to “Siyete-Tres

  1. Don

    I like this one Herdy,,

    A damn reality that the leaders refuse to see.

    I email mo man ti pag 7-3 san ta agkuyog tanto ton makaawidak, hehehe.

    • Herdy La. Yumul

      It’s very easy to find. Contact me when you’re here, and it will be my treat. Siyete-tres all you can. 🙂

  2. tita lita

    i would like to go to this one.do you go there yourself?pick me up sometime and we will go…i did not bring my laptop so i am relying on this computer center.

  3. jeff

    gusto nmin yan sir,yan ang lagi naming kinakaen ng mga barkada ko s harap ng high school,although ind msrap yung soup nla,prang tubig n pinakuluan lng s buto ng baboy tsaka may betsin n rin.:-)

  4. tita lita

    yes but you will never see me riding your soul mio thank you.i would rather walk. next week i will be back in batac monday morning .i am planning to go to vigan chancery wednesday..i will be here in manila for just 4 days…

  5. guiengarma

    Hello po. I am viewing this blog for quite a long time but ngayon lang po ako magco-comment.

    During our recess at MMSU High School, kung kasya ang budget, I go at that carinderia to eat. However, I do not order 7-3.

    While we students do not spend so much, the President and its subordinates just spent almost a million pesos for just ONE dinner. Why? US President Obama stopped over at a simple restaurant and ate burger, and just ate simple food noong nasa Boston siya (I think?) for Ted Kennedy’s funeral. But PGMA and Malacañang considered one million peso-worth dinner simple! (It was the frontpage of one newspaper last August.)

    I hope our president would realize kung ilang Pilipino ang mapapakain ng isang milyon, kung ilang classrooms ang mapapatayo ng isang milyon, kung ilang 7-3 ang maipapamigay para sa lahat ng mga guro, mag-aaral at non-teaching staff sa MMSU.

    [PS: Isa po ako sa mga delegates ng MMSU High School Batac for the debating lecture sa English Week 2009.]

    • Herdy La. Yumul

      Hello, Guien. Thank you for visiting.

      It’s really disgusting when our leaders don’t feel for the millions of Filipinos who suffer and hunger.

      We should have good people in government, and it’s our duty to make sure the elections next year will bring us closer to that aspiration.

      Hope you’re still debating. Please. extend my regards to the team.

  6. guiengarma

    Sige po. I’ll extend your regards.

    I posted in the blog of our section this piece, sir [kung ok lang po sa inyo.] I think many UHS students would relate to this one because the 7-3 carinderia is just in front of our school gate and there are high school students who eat there. I hope by the time they would read it, they could differentiate [figuratively] their simple merienda from the President’s “simple” dinner.

  7. POGI

    ngayon ko lang narealized na ganun na pala katindi ang ginagawa ng ating pekeng pangulo na tska lamang lumalabas o nagpapakita sa mga tao kung nabagyo sila para lamang magpakitang tao kahit wala naman syang ipapakita.. gusto ko ito sir.. dapat na lang sana ung perang ginasta nya sa isang dinner lang ay binili nlng nya ng mga pagkain at gamit para sa mga taong mas kelangan..

    naimas syete tres sir nu adut kadwam.. haha 😀

  8. nlibed@y.c

    mula nung nauso ang syete-tres, hindi na ito nakakalimutan ng mga tao. lalong lalo na yung nga estudyante, syete tres lang ang takbuhan kung sila ay nagtitipid. gaya ko kapag nagtitipid.
    sa tingin ko po panghabang-buhay na ang syete tres na ito. umunlad man o lumagapak ang ating bansa, o kahit magbago pa ang ating pangulo ngayon. syete tres ay andyan parin.

  9. Para sa akin,ang syete-tres ay simbolo ng kahirapan ng mga pilipino.Ipinapakita lang na kahit tayo man ay mahirap,madiskarte parin tayong mga pinoy.May nagagawa parin tayong paraan para sa ating pantawid gutom.Pero kung gustong umahon sa kahirapan ang mga taong nagigipit,hindi lang dapat umasa sa iba kundi nasa iyo na rin kung gusto mong umasenso sa buhay diba?Sabi nga nila,”hindi mo kasalanang maipanganak ng mahirap kundi kasalanang mong lumaki ka sa hirap”.

  10. Amir

    syete tres ay naging papular na ito sa mga studyante na mahilig magtipid sa meryenda…Hindi naman masama ang pagiging matipidin sapagkat ito ay naka-katulong sa atin sarili lalo na kung maraming babayaran sa skul..Dahil dito nakita natin kung gaano nang nagmamahalan ng mga bilihin ngayon….

  11. poknut

    ..7-3
    ..maluwag sa bulsa kong tutuosin.dahil lugmok na sa kahirapan ang ating bansa kaya marapat lamang na magtipid.hangga’t nakakaraos pwede na,,

    yvette cimatu

  12. yes sir totoo po an inyong sinabi…
    wala nang ginawa ang ating pangulo kundi payamanin ang kanyang sarili…
    totoo po ang inyong sinabi na siya ay isang magaling na pangulo..
    isa talaga siyang pangulong napakagaling mangurakot..
    ang 7-3 na pagkain ay talagang malaking tulong sa mga studyante at iba pang mga mamayan…
    sa konteng halaga ay kahit papano napawi na ang iyong gutom..
    lalo ngayon na talagang naghihirap na ang bawat isa sa atin.
    nakapanlulumong isipin tlaga ang perang ginasta mila sa isang gabi lamang..

  13. rj

    Sa loob ng tatlong termino ni Pangulong Gloria ay wala pa siyang nagawang mabuti para sa bayan. Kung meron man, mas marami parin ang kanyang ginawang masama. Lugmok na nga ang Pilipinas sa kahirapan ay panay pa ang pagbiyahe niya sa ibat-ibang bansa para magpakasarap. Siguro dahil sa dami ng pera niya ay parang piso na lamang niya ang isang milyon. Sa dami ng kinasangkutan niyang eskandalo ay nagagawa pa niyang magpacute sa publiko. Sasabihin niya na…umuunlad ang ekonomiya natin nooh! Saloob ng halos siyam na taon niyang panunungkulan, siguro marami na siyang pera dahil sa kurapsyon. Kapag hindi pa nakuntento ay baka isabutahe pa niya ang darating na halalan para manalo ang kanyang mga alipores sa kani-kanilang mga pwesto para siya parin ang makikinabang. Hindi na ako makapapayag!!!

  14. rl_virus

    kasanu ngata met ti mangan a kasla gloria ti kanen na. sir sanan mabasa yan ni president at sana ma realize niya na naghihirap ang sambayanang pilipino.

  15. flamemisha

    Sa totoo po lamang ay hindi pa po ako kumakain ng syete-tres..Narinig ko na po ito nung highschool ako pero hindi ko man lang ito natikman..Sikat na sikat po ito sa mga kumakain sa labas na hindi umuuwi sa tanghali at sa mga kapwa kong nagtitipid dahil sa hirap ng buhay..Buti an lang at meron pang nagbebenta ng syete-tres.Sana lang ay makita ito ni PGMA kung pa’no pinagkakasya ng taong bayan ang kanilang mga pera at kumain ng syete-tres para lang maitawid ng gutom ang sarili kahit bitin, at sana’y pag pumunta pa ulit sa ibang bansa itong si PGMA at kumain sya ng masmahal pa buhay ng isang ordinaryong pilipino ay malunok nya ito at sana’y hindi sya mabilaukan. Sana’y matikman ko na itong syete-tres na sa picture pa lang ay nakakagutom na….Delicious!!!!yUmmy..hehe

  16. James Richard E. Duquez

    Give yourself a break, treat yourself to 7-3….hehe
    I agree pinoys are such creative & resourceful cooks…but sad to know even we think that 7-3 is an affordable dish that anyone could afford, still most of pinoys are suffering from hunger. 7-3 is not an excuse to forget the problem in hunger. It’s just a proof that the gov’t is irresponsible!

  17. MAN-A-DAY

    halos yata lahat ng estudyante sa mmsu eh nakain na ng 7-3. siguro ay alam na rin ng mga ating mga kababayan ang ginagawang kabulastugan ng ating pangulo na sa halip na ikahiya ay ipinagmayabang pa yata. para siguro sa ating pangulo ay maliit na halaga lamang ang kanyang nilustay siguro maliit lamang nga iyon kumpara sa mga iba pang kinukurakot niya na ibinubulsa pero para sa kapwa ko mahirap ay napakalaking halaga na iyon na kahit na isang taon o mahigit kang mag 7-3 ay kaya pero para sa kanya e dalawang hapunan lang .kaya pa siguro nasabi niyang maliit na halaga lang iyon ay dahil di pa siya kuntento sa kanyang nakain. nasadlak na nga tayo sa kahireapan na mistulang ilog nang di umaagos at nabubulok a ganyan pa siya magwaldas ng pera. kung huling hapunan na niya siguro iyon ay matutuwa na ang aying maga kababayan………….

  18. wen sir,,,7/3 ….nalaka nga talaga isu iti kaadwan nga gat gatangen iti estudyante gapu ta agin inut da kasta ak met jak nga ibain..gumatgatangak met ngamin sir kaspagarigan tay 500 nga kwarta kuma iti maysa nga estudyante masapul isuna agibudget ada idjy tay pagpletena para project para meryenda ken para grocery na ket nu kit kitaen tayo agkurang… isu nga adu da lata dagiti ag 7/3 tay kunatayun nga narigat ti panagbiag… masapul tayo iti agin inut….dayta laeng sir…

  19. JU-ANNE CABINIAN

    dat’s true sir,,, its time for us to minimize everything,,,, tama kah wala ng gustong gawin ang mga namumuno sa atin kundi magpakasarap!!! ok naman kung bawasan nila ang kanilang ginagas2 o ginagamit sa pagpa2kasarp!!! 7/3 is realy a big help to us specially those students who wanted to budget their money…!!!

  20. Mac

    “7-3” ag ilokano ag lattan sir..hehe..

    datayo nga adda ditoy ilocos nu manggeg tayo detoy diba PANSIT ken INAPOY nga sigut ti mapanunuot tayo? di ngamin? =), pansit nga nakalanlanit,inapoy ngga nakakirkirsang,san to adda libre na nga sabaw.pampaikkat lanit buksit ken pampatunaw jiay inapoy a nakirsang. san to ikkam bascit sili jiay sabaw ken jiay pansit mo tapnu rumaman met bascit.napan kan solve ta pammigat wennu meryenda mun…hay..nagrigaten ti kastoy kunatayo ti bagbagi tayo..

    nagrigat nga panunoten nu apay kastoy ti mapaspasamak kadatayo. nagrigat nga panunoten nga jiay asasahan tay nga tao ket haan na nga masolusyunan detoy. cnu ti kunkunak. cnu pay kuma nu di jiay pandak nga babae nga adda dakkel nga siding jiay ping ping na, ta nu kuma nu kasanu kadakkel jiay siding na kasjay met kuma ti kinadakkel ti pinag puspuso na.ngem haan met. nagrigat nga panunoten nga datayo ket agrigrigat habang isuna ket agnam namay.

    duray pay kasta,agyaman tay latta ta adda ti 7-3 a makunkuna,nu tutuusin ket agyaman tay pay kitdin ta adda ti kstoy ikumparam ti sabali nga tao nga narigat pay nga mangan maminsan ti mesa a aldaw. haan tayo nga umasa ti sabali nga tao nu kitdi ti mismo nga bagi tayo t asahan tayo..intaun agpancit..haha

  21. politicians are one of those who are greedy. napakalaking halimbawa ni GMA bilang isang sakim sa lipunan. imagine, kumain siya at ilang pang opisyal ng bayan sa mamahaling kainan at umabot sa napakalaking bayarin. hindi bat mas maganda sana kung pinakain nalamang nila ang mga malnourish na mga bata upang maging malusog sila.

    siyate-tres, pagkaing talaga namang patok sa mga mamamayan. may naibibigay naman itong lakas sa atin. at pasok ito sa budget ng mga estudyante.

    sa mga naghahangad na tumakbong pilitiko, isipin muna ang mga mamamayan bago ang sariling gutom

  22. Jervin M. Cortez

    …..Sana sa artikulong ito ay magsilbing aral sa mga may halang ang kaluluwa na nagpapanggap na nagsisilbi sa bayan. … napakaganda ito para makonsensiya ang mga gumagawa ng kaktiwalian.
    ……Bilib ako kasi walang pakundangan na tukuyin ang mga may kinalaman sa corruption…

  23. JC_vampire

    Oo nga naman, bakit ba sila labas ng labas ng PHILIPPINES eh wala naman yatang nagagawa ang kanilang pagalis. BAkit di nalang nila gamitin ang pera para sa mga mas kailangan ayusin ng pamapahalaan tulad ng pagkagutom ng mga pilipino at hindi para ipang kain lang sa isang mamahaling RESTAURANT ang 2 milyong pera ng taong bayan……….

  24. Joseph Valencia

    ,,..sa hirap ng buhay ngayon kahit na anong pagkain ay papatulan,sa artikulong ito napagtanto ko na marami pa lang winawaldas ang ating pangulo samantalang maraming Pilipinong nagugutom hindi man lang nila naisip ang kapakanan natin. Makakabuti rin ang artikulong ito upang magising ang mga nakaupo at simulan na ang pagbabago.

  25. Ang syete tres ay simbolo ng kahirapan .Halos lahat ng bayan sa Ilocos Norte ay may ganitong istilo ng pagkain, sana man lang ay isipin naman ng nakatataas ang pamumuhay ng mga Pilipino, at sana waldasin ang pundo ng pamahalaan sa mga mas mahalagang bagay.

  26. 7-3 is very affordable and you can save lots of money ,instead of buying social foods just like Jolibee,Chowking and MC Donald..

  27. redmonkey

    “hustler”talga nga naimas ken mkabsug t syete tres/10.5
    sir! isu met ti pangpangaldaw mi ukwa jai duyog,sangot highskul, ken ruguian’s. i can’t believe nga nag kunkutar ka pay ti pinagaramid mo detoy blog mo sir wow!
    habang bas2saek dgi2y blog mo sir ket talga nga ma visvisualize kot kinarigat ti byag d2y pinas. ngem juray no kasjay let us stand strong for it…basta ang importante ay yong mahalaga. unlad din ang pinas…
    i hope mailibre nkam tot 10.5 sir^_^
    tnx in adv.

  28. eragon

    tama kah sir,,napakapopular na ngayon ang syete-tres lalo sa mga taong nagtitipid…,,)syempre ngayon krisis kaya kailangan magtipid tayo kaya kumain na lang tayo ng syete-tres….hehe
    hmMm maSarap naman aNg syete-tres lalo na kung marami kang kasama na kumakain,,hay si gloria kasi walang alam kundi nakawan ang kaban ng bayan,,,hindi na siya naawa!!!

  29. jayson vita

    syiete tres????
    pancit ken innapoy ajiay aya sir..ngem makabsog detan…kanayun ko nga madengdenggeg tay kanta ti gloc 9 nga upuan..mayat met ejiay nga pangpasagid ken gloria…”i am sorry”, kanyun nan sa ibaga detan…7-3 nalaka kuna ni gloria atta manin anu na laeng nga kurapen deta..baga na lang nga para diay naririgat ngem ti oras pinagparuwar na kwarta ket tay met alanganen nga or oras..haizz madi nak pay gamin makabutos ton election..mahalaga ang isa kung boto…but soon enough…

  30. pan-pan

    Tama!! Marami na sa ating mga kababayan ay naadik na sa sa 7-3. Dahil nga ito ay mura at nakakabusog na rin kahit papano. Itong naman kasi si Gloria wal siyang silbi na pinuno sa ating bansa. Leader nga siya hindi naman kabutihan siya marunong kundi sa pag-eenjoy na kumain sa ibang bansa kasama ang mga matataas na kawani ng gobyerno at iba pang VIP’s na tao. Dapat kasi hindi nila pinapayagan ang TRAPO (traditional politician) kasi dito napapalaganap ang pagmanana kung paano mngupit sa pera n gating bansa.

  31. ianjumpssy_04

    Walang estudyanteng hindi nakakaalam ang pagkain na ito, mapa-bata, matanda dahil swak sa budget at talaga namang makakatipid ka. Pero sa pagdaloy ng panahon, unti-unti ring kumakalawang ang bulsa ng gobyerno. Hanggang ditto nalang ba tayo? Umaga, tanghali, gabi nalang na puro syete tres ang kinakain? Wala nalang bang solusyon ang gobyerno tungkol ditto?
    Dapat sana, ito muna ang dapat na solusyunan ng ating pamahalaan dahil laganap na ang kahirapan. At unti-unti naring lumalaganap ang krimen na sanhi narin ng pagkagutong ng mga karamihan. Kaya sa mga bumabalak na tumakbo sa eleksyon, dapat sana, pagkain ang una nilang solusyonan at huwag ang kanilang sariling kapakanan lamang.

  32. pLay_boY

    Mahirap talaga ang buhay ng Pinoy…ginagawa ang lahat para lang makatipid. May trabaho man, DI pa rin nagkakasya ang kita habang ang mga nasa puesto ay nagpapasarap at ginugugol ang pera ng bayan sa sariling kapakanan ay kasiyahan. Tanging ipinagmamalaki para maikubli ang kahirapan ng bayan ang paglago ng ekonomiya na hindi naman direktang nararamdaman ng mga maliliit na mamamayan. Ako’y naniniwala na hindi kailanman makakabangon ang bansa mula sa kahirapan kapag manatili sa puesto ang mga opisyal na “corrupt” na tanging iniisip ay ang pagnanakaw mula sa kaban ng bayan.

  33. alhechzaim

    kita mo nga naman….naghihirap na nga ang pinas ganyan pa ang ginagawa ng makapangyarihang “ansisit” na yan..gloria ang pangalan ngunit delubyo naman ang hatid…my gudnez…kung tutuusin, lalong naghirap ang pilipinas dahil sa kanya..an daming nawala na pera…masasabi ko lang, eto ang katotohanan na ayaw tanggapin ng mga namumuno,”gingamit nila ang posisyon para maibalik ang nawala sa kanila”….wake up,pinoy….lets work for new,..new country and new leaders…

  34. mangCaloy

    siyete -tres kangrunaan ang kankanen dagiti studyante tapnu makatipid ti kwarta, imbes ah igatang dat kanen da ay nana! intay lng ag DOTA’n kunada,
    ti pnagkitak haan nga simbolo ditoy ti pinagrigat nu haan ketdi nga imimotan ti tao ti bagbagi da.

  35. D' ORIGZ

    syete tres?
    t syete tres ket mabenta ta adu daguiti estuyante nga agtiptipid.naimas ti syete tres lalo nu mabisin tayo la unay….

  36. siete tres?e2i ket mayat a pang rush no agdar-daras ka o kurang t budget…..hehehe…..

  37. angel

    SYETE-tres!
    paano na kaya kung malulugi ang mga karinderya?may SYETE-tres pa kaya?
    kung mamatay ang mga gumagawa ng asin?kakain pa kaya tayo?

    madam GLoria, paano na kami niyan???!!!!

    bago naman sana waldasin ang pera ng bayan sa pakikipagkerengkengan ng pangulo sa ibang bansa ay sana naman Pinas muna. Sa tingin ko saka lang tayo patitikman ni gloria ng pera natin kung mamamatay na ang kalahati ng Pilipinas.

    Sana nagsilbing aral sa ating mga estudyante ang artikulong ito.

  38. ATOM

    Hindi lahat ng tao ay kumakain ng sapat. Sa kanila, sapat na ang dalawang beses sa isang araw kung kmain. Pero parang walang pakialam ang PGMA natin.

    hindi nman tlaga simbolo ng siyete-tres ng ating kahirapan, kundi ang mga tao lng naman ang nagpapahirap sa kanilang mga sarili, imbes na ibili na lng ng pagkain ay tinitipid na lng at pinang DODOTA na lng,
    yan ang mga pilipino. HOY GISING!!!!!!

  39. airheese (//_-)

    I love syete tres!!! Lalo na kapag hindi na sapat yung allowance ko for one day. Imaginin mo naman kasi, kapag maglu’lunch ako sa centro, yung pamasahe ko aabot na sa 20 pesos (papunta sa centro at pabalik ng coe), tas yung lunch aabot ng 60 pesos, naku, eh di 80 pesos na agad (lunch lang yan huh :[ ). Kaya yung allowance ko minsan, sakto lang o kaya naman kulang. Buti naman sana kung nagt’trabaho na ko ano? Hmm… kaya salamat sa syete tres at may nasa’save naman ako. Haha! :] Pero hindi naman ako palaging kumakain ng syete tres, kapag hindi lang sapat yung allowance ko. Tama yung sinabi mo samin sir herdz, mas mbuti ngang maging safe tau, pero minsanan lang nman ang syete tres. Malaking tulong din ito eh, maluwag ito sa bulsa. Hmm… pero dapat din nating alalahanin yung health natin, right? Pero naisip ko din ito eh, siguro yung mga ibang estudyante hindi nags’syete tres dahil nahihiya sila, na baka sabihin ng iba “aay.. wala siguro yang pera kaya syete tres lang ang lunch”, yung iba naman na kumakain “wala kayong pakialam, maluwag kasi ito sa bulsa at tiyak na maraming masa’save sa allowance ko at mabubusog pa ko dito”. Wala lang, naiisip ko lang kasi ito minsan eh, and isa pa kasi sir, yung mga ibang estudyante mas inuuna na nila yung pagc’computer kesa sa kumain ng mga masustansya at mas safe na pagkain. :] and may estudyante rin na..whew.. wala na nga sa budget, pinipili pa ring kumain sa mga mahal, tapos kapag hindi sapat yung pera, aun! Mangungutang na sa barkada. Haha! Isa pa tong si PGMA eh.. nagbubulagbulagan pa sya sa sitwasyon natin. Eh kung ibinigay na lang nya yung milyon-milyong ginastos nya para lang sa pagkain sa mga kapus palad, eh di sana kakaunti nalang ngayon yung mga nagugutom. And nakapag pa’good shot na sana sya satin. Haha! :] pero sa ginawa nya, mas lalo pa nyang sinira image nya satin. :] tsk.. well, it’s her fault anyway.. and nasa huli ang pagsisisi!

  40. SYETE TRES, sulit talaga pero nakakasawa, sabagay anong magagawa kung yun lng ang abot ng bulsa. Pero masaya kapag kasama ang barkada na mag syete tres. Di natin namamalayan na nagiging simbolo na ito ng ating kahirapan, pati pgkain natitipid na. sa pangulo naman kahit gaano kasarap at nakabubusog yang mga kinakain mo di kana tatangkad. Kung si pinokyo lumalaki ang ilong pg nagsinungaling, sa pangulo naman NUNAL ang lumalaki….hahaha.. d kba ntatakot na masira beauty mo.

  41. Rey Dominick Duldulao (Dom)

    Ako ay isa rin sa mga estudyante na ang palaging order sa karinderya ay siyete-tres sapagkat pinagkakasya ang pera. Kung naubusan man ang karinderya ng siyete-tres, punta ako sa kabila para lang mkatipid at kung wala pa rin, hindi na ako kumakain pa.
    Ang masasabi ko lang, patalsikin na yang si Gloria. Ano ba yung ginawa niya sa ibang bansa at nasabi na maraming naidulot na kabutihan ang pagbiyahe nya sa ibang bansa eh sa katunayan wala namang mabuting pagbabago na nangyayari sa ating bansa. Bakit pa kasi nandyan pa si Gloria eh ang alam lang ay mandaya, mangurakot at gastusin ang pera ng Pilipinas para lang sa wala. Ganyan ba ang isang pangulo? Para sa akin hindi, ang tawag dyan ay “PANG-GULO.”
    Sa mga gumagawa ng mga scandals para sa akin ay mga nagpapasikat lamang kasi ganun yun sa Burgos Scandal. Noong una, parang ang bait-bait pa nung lalake pero hindi nagtagal, napabalita nalang na meron siyang sex scandal at simula nun parang pasikat na siya.
    Mahirap talagang tanggalin ang pornograiya. Parang wala nang pag-asa na matanggal pa ito sa lipunan. Kahit ipagbawal pa ito sy sigurado pa ring may mga pasaway na lalabag dito lalo na ang mga kabataan.

  42. Dom Duldulao

    Ako ay isa rin sa mga estudyante na ang palaging order sa karinderya ay siyete-tres sapagkat pinagkakasya ang pera. Kung naubusan man ang karinderya ng siyete-tres, punta ako sa kabila para lang mkatipid at kung wala pa rin, hindi na ako kumakain pa.
    Ang masasabi ko lang, patalsikin na yang si Gloria. Ano ba yung ginawa niya sa ibang bansa at nasabi na maraming naidulot na kabutihan ang pagbiyahe nya sa ibang bansa eh sa katunayan wala namang mabuting pagbabago na nangyayari sa ating bansa. Bakit pa kasi nandyan pa si Gloria eh ang alam lang ay mandaya, mangurakot at gastusin ang pera ng Pilipinas para lang sa wala. Ganyan ba ang isang pangulo? Para sa akin hindi, ang tawag dyan ay “PANG-GULO.”

  43. 7-3 di ba yan yung siete na pansit at tres na kanin na may kaunting topings na karne at may soup. Palaging yan ang kinakain namin pag napapatungo kami dyan sa harap ng high skul.Mura kase sulit sa bulsa hindi lg yun masarap lalo na pag dinuguan yung topings.kaya sa mag nagsusulit dyan magsiete tres na………..

  44. ILLUSIONS_INVISIBILITY

    the dining of PGMA and some of her constituents in NY and Washington became very controversial especially to her critics when they spent lavishly on just a single dinner. They claim that the expenses on the said dinner might have solve some of the tremendously increasing case at poverty , malnutrition and lack of educational facilities. Their might be some truth in it but considering the benefits we get from the state visits of PGMA, the expensive dinner is just worth it.
    if we look on the brighter side, that’s the time we only realize that state visits is quite advantageous because the purpose of this visits is to edify the tie of peace and anti-terrorism with other nations especially the US forces.
    it also promotes international diplomacy amongst other nations. This is very important to us specially that we aim to become a first world country by 2010. Through this state visits, we are able to fortify a strong and credible image.
    Further, another goal of PGMA is to persuade inventors from other nations to come and invest their money in the country. By this, unemployment will be aided. There have been a global recession and crisis around the world but amazingly the Philippines in terms of economic-ours became unwaved and stable.

  45. Jiro

    masarap talaga ang siyete-tres, pantawid gutom at masusutansya pa. Sa hirap nga nang buhay ngayon ay kung ano-anu oang kabulastugan ang ginagawa nang mga namumuno sa atin. Hindi maikakailang ang presidente ngayon ay isang mahilig sa kurakot, masama, at mas masahol pa sa isang kriminal dahil sa mga pinaggagawa niya ating bansa at sa mga taong napaniwala niya, hindi na nakuntento sa mga pagkain sa ating bansa kahit man lang ang pagtangkilik sa sariling kultura ay hindi niya magawa sayang lang dahil mabilis ang karma dahil mula ngayon pasan pa niya ang nakakahiya niyang karga sa mukha, nakakaawa lang siya dahil sigurado sa impyerno ang bagsak niya.,.,.pwera!!!.,.,

  46. Jiro

    Sir thank you nga pala sa meryenda nung last meeting..,,.hehehe
    Tnx na rin po sa education at bonding.,.,

  47. 7.3% nag tinas ng gnp ng atng bansa ngunit dpa rin ito maramdaman ng mga pilipino….

    s katulad kng studyante ok n ung 7-3 o 10-5 s mga karenderiya solve kna dun…

    pero c pgma gumgastos ng milyon..bilyon?pra s knyng mga trvel abroad ksma pa ang mga sang k2tak nyang mga alepores n kng mgdinner sla’y milyon ang gastos….oo svhnin ntin n mdami nga xang mga investor n nkaausap pra mg invest d2 stng bansa ngunit cno b nmang tanga ang pa2yag n mag invest s isang ekonomiyang hnd mganda…

    sir uso n ngayon ang pekeng su**……..hehe

  48. Syete tres yummy naman. Han unay adu ngem nalaka han unay makabsog ta agkurang ngem isu ti adda hirit to latta ti sabaw na’n, Sir mang-mangan nak kasta ta jay igatang ko ti sm ket pagcomputer ko langen. Kasta ti kinarigat ti pinagbiag tattan uray ana’n mayat lattan basta makan. Ti sye tress ket para launay kaditi agtiptipid.

    Mabuhay ang mga adik sa 7/3,,

    hehe

  49. Uzumaki NAruto


    Lets face the REALITY
    isang katotohanang kailangang tanggapin.
    oo, naghihirap na nga talaga ang mga Pilipino.
    kayhirap isipin na ang isang presidente(oo presidente po ng isang bansa. isang naghihirap na bansa) ang nagpakasarap ng buhay sa ibang bansa. anong klaseng presidente siya? hindi ba niya inisip ang mga Pilipinong wala ng pambili ng pagkain? ang mga pilipinong nagpupulot ng basura para lang makain? bakit kung presidente ka ba, kailangan bang palaging sa mahal na
    restaurant ka kumain? hay kung ganito man dapat, KAY SARAP SIGURONG MAGING PRESIDENTE. dba? kay hindi na ako nagtataka kung bakit maraming mga politiko ang naghahangad na maging presidente. nakakainis talaga. oo nakakainis.sa perang nagastos ng pangulo sa pagkain, ilang milyong pilipino na sana ang natulungan niya. hindi pa ba sapat sa kanya ang mga perang naibubulsa niya? hindi pa ba sapant ang libreng bahay, pagkain, at iba pa para sa kanyang pamilya?
    sumosobra na talaga ang ating presidente.
    napapaisip tuloy ako, may nagawa na bang maganda ang ating presidente?

    sa usaping siyete-tres. .oo mura nga ito at saka masarap naman. nakatikim na ako nito. . first time ngayong kolehiyo ako. sa siyete tres na ito makikita mo ang pagka praktikal ng mga pilipino. at ang pagka kuripot ng mga ilokano, ^_^. dahil sa siyete tres na ito maraming mga estudyante ang nakakapgsave ng pera para sa mga iba pang bayarin. lalo na ngayon na tumataas nanaman ang gasolina. ang in return, tataas nanaman ang mga bilihin at pamasahe.
    sana ito na lang ang atupagin ng ating pangulo. palagi na lang kasing lumulabas ng bansa ang ating pangulo. hindi niya alam ang tunay na nangyayari sa ating bansa.
    sabi niya lumalago ang ekonomiya ng bansa? kailan pa? noong tumataas ang presyo ng gasolina?

    kaydaming katanungan na kailangan ng agapang sagot para sa isang tulad kong uhaw sa mga kasagutan.

    —–>>

  50. Siguro hindi ito patok sa ibang lugar.hindi natin ito maiikumpara sa ibang pagkain kumbaga kakaiba hahah.ito na siguro ang pinakamurang pagkain na natikman ko. Talagang pang mahirap kung tutuusin. Pero kung iyaalok kaya ito sa ating corrupt na presidente gugustuhin niya kaya?.sa ngayon unti unti nang nawawala ang syete-tres, dahil na rin sa mga mahal na bilihin,,,,,,,

  51. mangCaloy

    yes sir, imbes nga igatang dat kanen da ket pangDOTA da lttan. adut ksta sir.

  52. millares

    .hmmm. .ang siyete-tres ay katulad din yan sa ating gobyerno. .para sa atin sapat na ang siyete-tres para sa mga taong nagugutom., . bsta makakain lang cla. . ang lakid tipid ang nagawa ng siyete-tres para sa mga istudyante. . kysa nmn mag sM pa. .
    . . ganyan din ang gobyerno. tinitipid nila ang mga taong bayan, pero sa kanilang pansariling kagutuhan parang globe, smart o tm na may unlimitted. . winawaldas nila ang mga pondo sa kanilang pansarilling kagustuhan. .

    nakakahiya nmn. .

    d2 na lng sa siyete-tres na pagkain ntin makikita kung gaanu na tayo kaasensado, sa pamamagitan ng mga taong nakaupo. .

  53. dakki

    sobra na talaga ang kasakiman ni Gloria, gumagastos siya ng napakalaking halaga para lang sa dalawang kainan kompera satin na kasya na ang kuting halaga lang busog na tayo. Pinapakita lang talaga niya ang pag-aabuso niya sa kaban ng bayan.

  54. Rose Ann Jeramie Batoon

    isa ako sa mga suki ng 7-3,yan lang kasi ang kaya ng budget ko noong estudyante pa ako at ng buong barkada….nakakalungkot talagang isipin na ang ating mga lider ay sobrang nagpapakasarap sa paglamon sa kaban ng bayan…habang tayo dumidiskarte sa buhay buong araw para lang mabuhay..oo,gutom tayo pero hindi tayo patay gutom…at gayon may trabaho na ako,gusto ko ho magpasalamat sa buong MMSU,dahil kaya ko nang pakainin ang pamilya ko nang hidi lang 7-3…salamat po!

  55. gabi

    Simula nung nag aral ako sa MMSU science high, 7-3 na ang meryenda. hanggang ngayun ah pancit kanin at sabaw parin. ito nang nakasanayan namin mga istudyante matipid. Para lng 10 lng ang mabawasan sa baon ko araw araw asa eskwela. dito sa MMSU ko natutunan mag siete-tres! I love siete-tres

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s