Mga Larawan sa Maharot na Dilim (Huling Bahagi)

(Heto po ang ikalawa at huling bahagi ng sanaysay na sinulat ng isa sa aking mga pinakamahusay at pinakamasigasig na mag-aaral—si Cherry Gatiw-an. Tungkol ito sa kanyang mga karanasan sa pagsasagawa ng pananaliksik sa red district dito sa Ilocos. Si Cherry ay isang third-year Sociology student ng MMSU. Siya ay tubong Pudtol, Apayao.)


SA CLUB NA IYON, walang guwardiya. Mas magulo. Mas marahas ang mga tagpo.

Tumayo ang isang pareha at lumapit sila sa may counter. Halatang lasing na ang babae, nakaakbay sa kasamang lalaki. Kung tama ang dinig ko, may nabanggit na “1500”.

“Ana ‘diay 1500?,” siniko ko ang kasama ko.

Bar fine!”ang maikli niyang tugon. “Inruardan.”

Saglit pa, humarurot na sa labas ang isang motosiklong tatlo ang nakasakay. Nakapagitna sa dalawang lalake ang babaeng sa tingin ko ay mas bata sa akin ng di hamak.

Nanggagaling ang kita ng mga bahay-aliwan mula sa mga perang ipinapasok ng mga GRO. Sa bawat lady’s drink na inoorder ng mga kostumer, 50 pesos ang komisyon ng GRO at sa management ang 100. Ibig sabihin, tumataginting na 150 ang bayad ng isang bote ng inumin na inoorder para sa tumeteybol na GRO. Depende sa tapang ng sikmura at tibay ng katawan, ang isang GRO ay maaaring kumita ng humigit-kumulang limandaang piso sa bawat gabi. Kung makuha nito ang kiliti ng kostumer, may tip pang dagdag iyon. Hindi pa kabilang diyan ang nakokolekta nilang 20 pesos na show charge sa mga kostumer. Show charge ang tawag sa bayad ng panunood sa mga floor show, ang sayaw ng mga GRO. Kinokolekta iyon pagpasok pa lang sa club. Sisenta porsyento ng kabuuang koleksyon ang paghahatian ng mga nagsayaw, ang matitira ay para sa management.

Mukhang ayos ang kita, ‘di ba?

Ngunit kahit sa pinakamalakas na uminom, to the limit na ang sampung bote sa bawat gabi. Kahit idagdag pa ang komisyon sa pagsasayaw at tip mula sa kostumer, mapupunta ang malaking bahagi no’n sa renta sa kasera na ang bugaw din ang kumokolekta.

Bawat night club ay may nakalaang silid kung saan naninirahan ang mga GRO. Hindi sila pinaglalaba o pinagluluto. May nakalaang kasambahay para sa kanila. Ngunit lahat ng iyon ay ikinakaltas sa kanilang sahod kabilang na ang nagastos mula sa pagkakarecruit hanggang sa traveling expenses sa pagdadala sa kanila sa nasabing night club. Bagong salta pa lamang ang isang GRO, baon na siya sa utang.

Matagal bago nila matakasan ang ganitong uri ng pamumuhay at mabayaran ang kanilang mga pagkakautang sapagkat gumagastos din naman sila para sa kanilang mga personal na pangangailangan. Maliban sa mga nabanggit, nagpapadala pa sila sa kani-kanilang pamilya. At kadalasan, kung gusto na nilang umalis, kinokontrol ng kanilang manager ang kanilang sahod. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ang ilan sa kanila ay napipilitang magbenta ng katawan. Napag-alaman ko na may ilang kostumer ding nananakawan.

“Saan a talaga a karaman daydiay iti trabahoda kas GRO ngem isuda met ti mangayat nga agpairuar, maawatanmi a ta masapulda ngarud ti kuwarta,” katuwiran pa ng isang manager.

Mas madali, mas malaki ang kita. Umaabot mula 1000 hanggang 3000 ang kanilang presyo. Kapag birhen, pumapalo pa sa 5000 ang bayaran. Ganoon ang halaga ng bawat pagpapagamit ng katawan. Subalit sisenta porsiyento lamang doon ang mapupunta sa ilalabas na babae.

Sa Republic Act 7610, Artikulo VII, Seksyon 5, malinaw na ipinagbabawal ang pagpapalabas ng mga malalaswa (indecent shows) sa alin mang establisimiyento. Hindi dapat bababa sa 18 ang edad ng mga namamasukan. Mahigpit ding ipinagbabawal ang sekswal na pang-aabuso o prostitusyon. Ang alinmang establisimiyento na napatunayang lumabag sa nasabing batas ay agad ikakansela ang lisensya at ipasasara ang gusali. Sa labas nito, maglalagay ng markang “off limits” ang DSWD.

Legal ang mga bahay-aliwan. Patunay dito ang pagbibigay ng mga business permit sa kanilang operasyon. May ibinibigay ding permit sa mga GRO o night entertainers. Malinaw ang isinasaad na panuntunan. Kinakailangan ng authenticated birth certificate bilang patunay sa edad. Dagdag pa rito ang medical check-up upang masigurong ligtas sa karamdaman ang isang aplikante.

Nang madaling araw na lisanin ko ang lugar kasama ang kaibigang naging security guard ko sa buong magdamag, may ilang unipormadong pulis akong namataan na tumatambay-tambay sa harap ng ilang club doon. Nagmagandang-loob pa silang ipagpara kami ng masasakyan at sabihang mag-ingat. Ayon sa kanila, gabi-gabi daw talaga silang rumoronda doon.

Alas kuwatro ng madaling araw nang marating namin ang aming tinitirhan. Pagod ako ngunit hindi makatulog. Sa aking higaan ay naglulumikot ang mga aninong nasaksihan ko at ang mga usapang aking narinig. Nakangiti ang mga imbing Magdalena habang umiindak sa saliw ng maharot na tugtog, walang saplot, sumasabay sa mga Adang yumayapos at sumusuyod sa kanilang puri. Paano kaya nila nasisikmura ang ganoon? Ahh, marahil, dahil iyon ang dapat…dahil kapit sila sa patalim.

Ang mga bugaw, ano kaya ang nararamdaman nila habang kanilang binibilang ang makapal na bugkos ng salaping mula sa pangangasangkapan nila ng katawan ng iba? Ang mga respetadong pulis na nakita ko, alam kaya nila ang matagal nang bentahan doon ng laman na sadyang ikinubli sa simpleng night entertainment at pagteybol-teybol ng mga babae roon? Bakit hanggang ngayon, wala pang nababalitaang ipinasara doon?

At ang mga babae, paano kung mahuli? Diringgin kaya ng batas ang dahilang nagawa nila ang ganoon para sa nag-aagaw-buhay na ina, sa may sakit na anak, o para makatakas sa kalupitan ng iresponsableng asawa o magulang?

Sino nga ba ang nasa likod ng talamak na prostitusyon? Sino ang mga biktima? Sino ang dapat sisihin sa pag-usbong ng ganitong imoralidad?

Bago ako nakatulog ay isinulat ko ang ganito: kaakibat ng kaunlaran ay ang paglimot sa dangal ng tao. Kung walang lipunan na kumukunsinti sa ganoong kapusukan, walang kalapastanganang magaganap. Kung walang establisimiyentong nangangalakal ng laman, walang biktimang matatawag. Kung walang taong ganid sa salapi, walang maibebenta o magpapabenta. Kung walang pamahalang nakikinabang sa prostitusyon, marahil ay wala ring kano ang magsasabing “Filipino women are nothing but little f****ing brown machines fueled with rice, an outlet for insatiable desires.”

Alam kong ang ilang hapon at gabing pagpunta-punta ko doon ay kulang na kulang pa para masaksihan ang totoong larawan at kulay ng lugar-aliwan. Hindi pa ito sapat para marinig ang mga samut-saring halinghing ng kamunduhan at makalap ang mga kuwentong mahigit sa hindi ay babasag sa aking puso. Subalit kung pagbibigyan ng pagkakataon, hindi pa iyon ang huli kong pagdalaw sa daigdig ng nga niyuyurakang rosas.

Isa akong babae at nasasaktan ako!

29 Comments

Filed under Gender, Sociology

29 responses to “Mga Larawan sa Maharot na Dilim (Huling Bahagi)

  1. tita lita

    and the husbands that goes there can they go home to their wives and make love to them without a guilty conscience .and some wives unbeknownst to them that their husband was out there ? or some battered women who will just keep quiet and so afraid that they will just submit to their husbands whims?

    • Herdy La. Yumul

      But how do we solve a problem like prostitution, said to be the oldest profession? Some countries have conceded it is here to stay and thus legalized it.

  2. tita lita

    my husband is a” kano” and we had been happily married for 38 years and i know where he is every night even when i am in the philippines for 3-4 months at a time and he have the utmost respect for women in particular no matter what color their skin is.

  3. tita lita

    i think this is what i call riknakem…he has the rikna( feeling) and thought about (nakem) thanks cholo you made my day!!!

  4. this is one thing i am proud of MMSU..
    i know, lots of students from my Alma Mater
    could deliver more than the rich students in
    the Metro..

    I’ve had a taste of Ateneo, but I still believe that the best students are from the provinces. Underrated lang ang mga students sa outskirts, and when they go to the Metro, they are less confident, but literally, they are way smarter than the other stu(pi)dents from other Manila schools..

    Not to brag about, but I want to take myself as an example..

    • Herdy La. Yumul

      Perfectly said, balazubaz69. I finished from a Manila school myself and have taught in Manila universities, too. Hands down, MMSU students are really amazing.

  5. tita lita

    generally so but the professors should also be given credit..don’t you think?

  6. tita lita

    amazing students because they have amazing professors.!!!!

  7. i taught Information Technology to Agricultural Extension Workers in Isabela State University, Echague in 2005. I was not organic to the ISU system as my work’s a product of a linkage between ISU & PhilRice-Open Academy for Philippine Agriculture, and I observed that lots of students from that University could actually compete with students in the Metro.

    I’m saying this dahil hindi lang sa MMSU maraming magaling. I’ve been part of the CHED-CO’s IQuAME Assessment Team since 2006 and I’ve been lucky to visit Universities & Colleges all over the Philippines, magugulat ka na sa mga malalayong lugar, maraming matatalinong bata na kung hindi lang siguro salat sa pera ay nakapag-aral din sa Manila..

    I salute you and your student coz I know, the school is as good as its faculty..

    • Herdy La. Yumul

      Nice job you have touring the Phil and visiting various HEIs.

      Is the Philippine educational system still highly Manilacentric? If so, how do we undo it?

  8. byron

    additional info lng… sa stardust ung ladies drink dun is worth about 400 to 500php aside from erotic dance number, meron din silang tinatawag na “banana cutter” un ung ilalagay nila ung isang saging sa nguso ng bote, then i-stuck nila un sa genitalia nila, after a couple of mins ilalabas nila un na hati hati na ung saging.

    nag e encourage rin sila ng audience participation, minsan may mini bathtub silang ilalabas, then mag shoshower ung babae dun, tapos lapit n lng kung sino ang gusto tulungan ung babae sa pag sabon.

    maraming pang gimik tlga mga ganung lugar, isang club pa lng yun.

  9. donna

    We interviewed a few of these ladies during my college days as well. We have to pay them their hourly rates just so we could have our interview. Their main reason for going into this business is “poverty”. Here in Holland, the business has been legalized. Their “red-light” district is even one of the tourists attractions. Just don’t know why those ladies choose this profession, makes me curious..big bucks, perhaps? Mind you, most of the ladies are young and beautiful…

  10. tita lita

    i do not see the connection of the topic which byron was talking about. talking about college and he was talking about night clubs .i think all of this gimmicks are overrated anyways..yuck

  11. tita lita

    byron must be frequenting the night clubs instead of” hitting” the books.

    • Herdy La. Yumul

      He has time now…, passed the nurses’ board, IELTS, and all the other stuff. He’s waiting for an opportunity abroad. But he is one decent guy who gives in to curiosity once in a while.

  12. tita lita

    yes and curiosity killed the cat (who has nine lives)

  13. Very manilacentric, but there are universities down south that are getting their footings in the competition.. Education in the Philippines is not a service. It’s business. I won’t mention names of schools/universities that are doing good neither i will name those that should be closed down, coz I am no longer connected with CHED and I’m now overseas for good, but watch out for MMSU.. So far, the figure speaks, it’s the number one in Region 1.. I always talk with Dr. NGBBalantac coz she’s one of my assessors and I always congratulate her for being consistent.. I know she retired but she’s still active in IQuAME.. I just wish that all MMSU programs should be thoroughly reviewed to know which are to cease offering and which are to be allocated more fundings.. In SUCs, i know, research is part of the main core but results should come out in International Refereed Journals.. And that’s one thing the government can’t do that the PHEIs can.. That’s why UP (as “the National University), ADMU and DLSU are always included in the rankings because they have the means..

    Now, back to the article, I have a fair share too.. I had a FuBu (i don’t need to spell out) that worked in B1 before.. Her name is Giselle. She’s 19 when I first met her and she has exactly the same story as it was told by your student.. She’s from Batangas and she’s really pressured to work as a prostitute because her father’s a gambler and her mom just doesn’t care.. I lost contact of her when I decided to leave the province and work in metro. Before i left for Canada, she called and informed me that she’s back home and she’s starting a new life.. She’s back to school, but she stays with her aunt.. I was happy to hear that. Now I’m thinking, what if one of your students or the same student will write a follow-up article on this social issue, but in the perspective of the costumer, i guess, it will help solve the puzzle, and from there, we might probably draw a more concrete picture of the whole thing.. Kasi, not all people who go to the red light districts are just there for lewd shows and sex.. I don’t know, but I think, that would be a nice follow-up..

    If i may give an example, the movie “Letter from Iwo Jima” is a sequel of the movie “Pearl Harbor”.. The author decided to present both sides of the war to draw better judgment from the viewers.. I don’t know.. That’s just my suggestion..

    • Herdy La. Yumul

      Ma’am Nancy… I have very high regard for her. Very unassuming despite of her rank. She retired one year after I entered MMSU, but I have enough memories to remember her dearly with.

      Accreditation. Review. Assessment. You know that preparing for them is not exactly an activity that many members of the faculty enjoy. 🙂 But thank you for helping me look at it in a better light. I just hope the paper work can be lessened. You can’t imagine how much paper we use for them, esp. with AACCUP.

    • Herdy La. Yumul

      Nice suggestion, sir. Will be interesting to look at the story from a different angle.

      Prostitution sure has an important social function. Otherwise, it would not have thrived to this day. I argue that it cannot be banned, but should it be banned and eliminated totally, a greater social menace will result.

      As for Giselle, godspeed.

  14. byron

    naka visit na po ako sa night club pero hindi po madalas, kadalasan pag may nag yayaya lng at bilang lng po sa daliri (isang kamay) ang beses na nakapasok ako dun.

    kaya ko po nasabi ung mga bagay na pinost ko nung una ay para iparating sa iba na marami pang activities ang ipinapagawa sa mga kababaihan doon at hindi pawang pag kembot ng nakahubat at pag benta ng laman.

    un lng po

  15. tita lita

    good for the cat!!!

  16. tita lita

    good for the cat!!! i am glad for him!!

  17. tita lita

    byron not to worry you might not be the only one who had gone to those for( curiousity’s sake.) i bet you there are others.!!and it does not make you a bad guy only if you are addicted .

  18. JU-ANNE CABINIAN

    that’s amazing,,,,even me i dont like to see a place like that..but we can’t blame people like them,,,we dont know them at all,just we know is that they are working in a very dirty place but who know’s there’s a big secret behind it,,,!!! Understand them for we dont know them at all!!!!
    How sad even students do this work,,but why does they do this? Is it because they want it,or they just realy need this for schooling?!!! it’s up to us to think about it!!!

  19. prostitusyon. ano ba talaga ito? legal o illegal? kung illegal hindi ba dpat walang malalaswang nagsasayaw sa entablado? walang mga taong nagbebenta ng aliw? kung ito nman ay legal, bakit may mga batas pa?

    wala akong masasabi kundi lawakan natin ang ating pag-iisip. sapagkat hindi natin alam ang tagong rason ng mga GRO. hindi natin alam kung pilit o gusto talaga nila.

    walang taong malinis.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s