isipin mo na lang meron pa, meron nga.

[Ngayong linggo sa aking mga klase sa pilosopiya, sinisimulan naming talakayin sina Heidegger at Sartre.  Tiyempong natsambahan ko ang kyut na tulang ito ni Joey Yusingco, na naging estudyante rin minsan ng bespren kong si Alona Ureta-Guevarra sa Ateneo. (Ang liit nga ng mundo!) 

Merong mga nagsasabi na wala daw kwenta ang pilosopiya, kasi naman, mantakin mo, pati ba naman ang wala ay pinagtatalunan pa.

Wala lang… haha]

ang lahat ay iisa

ang iisa ay ang lahat
ikaw, ako, ang mundo, iisa
meron ako
meron ka rin (kahit lalaki, meron din!)
meron tayong lahat
walang wala
lahat ay meron
ang wala ay ginawa lamang para
bigyan ng kabaligtaran ang meron
ngunit kung ang wala ay ating pinag-uusapan
meron pa rin ang wala
hindi ito wala
ang karanasan ay meron
ang karanasan ng tao ay iisa
pinanganak sa mundo
marami man ang karanasan, iisa pa rin
marami man ang iba’t-iba, ang iba’t-iba ay iisa pa rin
ito ang pagmemeron
ang tula ay pagmemeron
ang pagmemeron ay ang tula
ang tulay ay meron
ang pagmemeron ay tulay
sa walang hanggang
katapusan
ng
meron
sapagkat ang meron ay ang lahat
at ang lahat ay ang meron
at ang walang katapusan
na pag-inog ng mundo, pagpintig ng pulso
at ang pagtibok ng puso
ay ang patunay at patulay
sa walang pagmamaliw
na sangkameronan.

3 Comments

Filed under Education, Philosophy

3 responses to “isipin mo na lang meron pa, meron nga.

  1. poknut

    ..hangga’t meron, meron pa!!
    ..hangga’t umiikot ang mundo, meron pa!
    ..kong wala kang ginagawa, gumawa k ng wala, para may magawa ka!!oh!d ba meron?
    ..hangga’t may bukas, may pag-asa, dahil meron nga!!

    yvette
    😀

  2. Ranne_22

    “phylosophy”…hmnn sometimes i hate that subject.:-( wala nga lang para kalang pinapaikot ng instraktor pag discussion na.
    “isipin mo nalang meron pa, meron nga”……..sabi ko nga phylosophy kung baga pilosopyo pinag-uusapan…isipin mo daw na meron, means meron nga diba kasi iniisip mo yun eh……masasabi mo bang meron kung sa utk mo nga ito wala naman….”think possitive” ika nga isipin mo gusto mong isipin,,,,,,,,,,,,like kung gusto mong isipin na mahal ka ng isang tao, at least sa isip mo meron talaga kahit wala naman diba….hehehe free kang mag-isip.

  3. lempot

    para sa akin importante pa rin ang pilosopiya dahil bawat ginagawa natin araw-araw ay pilosopiya.ito ang nagbibigay sa atin ng mga bagay -bagay na hindi natin malaman laman ang kahulugan.pero dahil sa pilosopya nabibigyan natin ng kahulugan..dito sinasabi niyang meron, pas iniisip mong meron, ibig sabihin malaki yong posibilidad na ito’y meron talaga o means you have faith o confidence na meron….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s