Ang gurong ‘di nagpasalamat



NAIS KONG IBAHAGI ang isang karanasan ko nu’ng bago pa lang ako sa MMSU. Unang semester ko noon ng pagtuturo sa unibersidad.

Ako ay bahagi ng College of Arts and Sciences o CAS. Kapag faculty ka sa kolehiyong ito ay lilibutin mo ang iba’t ibang mga gusali para sa iyong mga klase. Itinayo sa mahigit sa isandaang ektaryang lupain, malawak ang MMSU at magkakalayo ang mga building kung kaya’t sumasakay kami sa tricycle madalas, lalo na kung sobrang init o umuulan, kapag gahol ka na sa oras, o kung pagod at tinatamad ka nang maglakad.

Minsan, mula sa CAS papuntang CBEA, isang kolehiyong may kalayuan, ay may nakasabay akong isang guro at isang estudyante sa pagbiyahe. Ako at ang guro (mga 40 pataas ang edad, babae) ay nasa loob ng tricycle samantalang ang estudyante naman ay nag-“backride”, sumakay sa may likuran ng drayber.

Tinanong ako ni Ma’am kung saan ako bababa. “Sa CBEA po,” aking tugon. At di na kami nag-usap pa.

Naunang bumaba si Ma’am sa isang mas malapit na gusali, nagbayad siya at sinabi sa drayber, “Duwakam ditoyen” (Dalawa na kami dito). Ang initial reaction ko e magpasalamat lalo na’t hindi pa ako sumasahod noon, pero bigla akong napatigil at tinanong sa aking sarili, “Sino ba ang inilibre niya? Ako ba o ’yung estudyante? Baka naman ‘yung estudyante kasi ay di pa naman kami magkakilala ni Ma’am.” Hayyy, ang hirap! Kapag nagpasalamat ako at hindi pala ako ’yung inilibre, mapapahiya ako at baka ganun din si Ma’am. Awkward ‘yung sabihin ni Ma’am: Ay, sori, haan nga sika’t impletyak, diya’y ubing (Sorry, hindi ikaw ang inilibre ko, ‘yung bata). Ngunit, kapag ako pala ’yung inilibre at hindi ako nakapagpasalamat, nakahihiya naman… at baka maipamalita pa ni Ma’am na “’yung bagong faculty e hindi marunong ng tamang asal”. Dahil ‘di ko malaman ang gagawin, hindi na lang ako nagpasalamat.

Pagdating sa CBEA, sinubukan kong magbayad. Kapag tinanggap ng drayber ang pamasahe ko, aba’y mabubunutan ako ng tinik dahil hindi naman pala ako ’yung inilibre. Ngunit kapag hindi niya tinanggap ang bayad ko, patay! Dyahe kay Ma’am.

Tinanggap ito ng drayber… kaya’t ako’y napangiti. Nu’ng paalis na ’yung tricycle, ipinaalala ko sa estudyante, “Ading, ’wag ka nang magbayad ha, inilibre ka na ni Ma’am”. Ang malaking ngiti sa aking mukha ay nalusaw na parang ice cream (ube flavor) nu’ng makita ko ang reaksyon ng bata: bakas sa kanyang mukha ang pagtataka at pagkagulat. Hindi pala niya kilala si Ma’am, at mukhang sa tingin niya ay hindi naman siya ililibre nito.

Sus! Malamang ay ako pala ang pinagmagandahang-loob. Ano ba’ng buhay ‘to? Nang dahil sa pitumpisong pamasahe ay nagulo ang mundo ko.

Alam kong magkikita pa kaming muli ni Ma’am kaya puwede pa sana akong bumawi, ang problema ay hindi ako matandain sa mga mukha. Malamang, ‘pag magkasalubong kaming muli e hindi ko siya mamumukhaan.

Ang solusyon? Nginingitian ko na lang lahat ng aking makasalubong. Hindi lang basta ngiti ha… Hindi ngiting pitumpiso… Kundi ‘yun bang smile ng batang ibinilhan mo ng pitong Happy Meal sa McDo. Ayun.

At mukhang epektib naman. Mahigit isang taon na mula noon e ‘di pa naman kumakalat na ako’y isang taong hindi marunong mag-tenkyu. Sa ating kultura pa naman, napakahalaga ng pagpapasalamat. Hindi naman dahil sa naghahanap tayo ng kapalit sa ating mabuting gawain kundi dahil sa kapag hindi mo na-appreciate ang kabutihang-loob ng iyong kapwa ay parang binale-wala mo na rin ang kanyang buong pagkatao. Sensitib tayong mga Pinoy dito.

Ang leksiyon: ang inyong abang lingkod ay malugod pa ring tatanggap ng inyong tulong, sa loob man o labas ng tricycle. Sana lang ay pakilinaw ha. Tenk yu. Siyanga pala, bakit naman ganun si Manong Drayber, tanggap lang nang tanggap?! At si backrider, nabagabag rin kaya ang kalooban tulad ko?

At sa iyo, Madam Mapagbigay, marami pong salamat. Hindi lamang sa baryang inyong ibinahagi, kundi pati na rin sa pagkakataong ako’y makapagnilay-nilay at masuri ang aking pakikipagkapwa. At dahil ‘di kita namukhaan kaya’t di ako makaganti. Sa aking muling pagsakay ay aalalahanin ko na lamang ang iyong magandang halimbawa. Sino man ang makasabay, ako naman ang taya.

21 Comments

Filed under Kuwento

21 responses to “Ang gurong ‘di nagpasalamat

  1. Anonymous

    Herdy,
    Cheers to you for bringing smiles on my face after reading this article. Its my turn to say “Thanks to you for reasons you know and you may not know…”

    Tin

  2. Herdy La. Yumul

    Is this the tin I love the most?

  3. Alyssa

    Good thing you have found a great solution to that problem.

    It’s really a big deal for us to receive “thanks” as exchange for the kindness we have shared. The phrase “Thank you” means appreciation and it also goes beyond that. It is one of the magic words that Barney teaches children in one of the Barney videos I have watched. As one of the good manners, it definitely signifies respect for others.

    I, myself, will also fell bad if someone didn’t thank me for giving him something.

    Anything, even of small value, deserves gratitude. That is how I interpret mutual relationship in a simple manner. You may not have repaid an equivalent of what you have received but you have given something much more than that.

    One last thing: kilala mo na ba siya ngayon?

  4. Alyssa

    Sorry po dun sa 3rd paragraph. Dapat feel, hindi fell. 🙂

  5. Gnez Macaraig

    Sa tingin ko'y ang pagpapasalamat sa kapwa sa kanyang mga pagmamagandahang loob kahit na ito ay mumuntihing bagay lamang ay mahalaga. Hindi lamng sa binigyan ka ng mga materyal na bagay kundi pati na rin sa mga panahong ipinapakita na pinapahalagahan ka niya.

    Sa pamamgitan ng artikulong ito, ipinaalala nito sa akin ang kahalagahan ng pagpapasalamat sa mga taong nagmalasakit sa atin. Minsan kasi ay hindi natin nakikita ang kabutihan na kanilang ginagawa kaya't nararapat lamang na pasalamatan natin sila.

    Sa pamamagitan din nito, masasanay ang mga tao na gumawa ng kabutihan upang umani ng respeto sa kanilang kapwa.

    Hindi ko sinasabi na dapat tayong gumawa ng kapakipakinabang sa kapwa upang manghingi ng kapalit kundi para sa ikabubuti ng bawat isa.

    >>gnez

  6. markwill

    the problem i see in this topic is not about the thank you thing but the honesty of most tricycle drivers. in this time of the year most tricycle drivers are not honest. even if the fare is about 7 and if you give them 20 they sometimes charge you 8 or 10 even without your permission even in bus, the real fare from laoag to batac is only 22 but they are charging 25

    back to the main topic, the teacher did not mention who will he/she pay the fare so it might not be a fault not to say thank you because you are not sure. but if we may ever receive something it is important to say thank you to express your gratitude

  7. Jaymar

    kung ako lang iyong gurong nanlibre sa iyo, hindi na importante na marinig ko mula sa iyong mga labi ang “thank you”. Ok na sa akin ang makatulong ng walang kapalit dahil kung mag-eexpect man ako ng kapalit mas masasaktan lang ako kung wala na namang babalik.
    at least nakagawa ka na ng magandang paraan para malaman niya at ng buong mundo na ikaw ay lubos na nagpapasalamat sa kanyang ginawa.
    siguro sa ngayon ay lubos na ang kanyang kagalakan na nakagawa ka ng isang “article” tungkol sa kanyang kabutihang-loob.
    hindi mo man naipabatid ang kanyang pangalan para maipaalam sa amin kung sino siya ok lang iyon sa kanya dahil sabi ko nga ang tunay pagmamagandang loob sa kapwa ay hindi naghahanap ng anumang kapalit. kung may kapalit man masasabing isang “bonus prize” na lang iyon.

  8. katrina

    Ang salitang “thank you” ay mahalaga talaga kapag tayo ay binibigyan ng isang bagay na dapat ipagpasalamat. Sa “article” na ito ang driver naman ang may kasalanan dahil sa kanyang di pagiging honest.Kahit pa kinakailangan niya ng pera dapat sinabi pa rin niya ang katotohanan.

    At least kahit di po kayo nakapagpasalamat noon, nakagawa naman po kayo ng paraan para maipahayag ang inyong pasasalamat sa mabuting guro. At kahit pa hindi ka nakapagpasalamat noon siguro ay ok lang sa kanya iyon dahil ang kabutihang loob ay di naman naghahanap ng kapalit.

  9. Beaphel

    Ang pagpapasalamat sa ating kapwa lalo na pag mayroong nagawa sa iyong maganda ay napakahalaga at pag may dapat talagang pagpasalamatan at kahit na wala ay pwede rin.

    Ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay di naghahanap ng anumang kapalit. May mga ibang tao kasi na pag may ginawa sila ay gusto nila may kapalit at mas higit pa sa ibinigay nila lalo na pag ‘utang na loob’.

    Dapat din na maging honest ang mga tao lalo na ang mga tricycle/bus/jeep driver na sobra ang mga kinukuhang pamasahe. Estudyante palang kami kaya pang estudyante dapat ang amount ng aming pamasahe.

    Sa article na ito ay maipapahayag na ninyo ang inyong pasasalamat sa gurong nanlibre sa inyo,hindi ninyo man maalala ang kanyang mukha para inyong makilala.

  10. reyna monique

    ang pagsasabi ng “thank you” ay tunay na mahalaga lalo na kung ito ay nanggaling sa ikabuturan ng iyong puso. Pero sa sitwasyong nabanggit, hindi naman alam ng guro na siya pala ang inilibre kaya siguro, maiintindihan din ng gurong nanlibre kung bakit hindi ka nakapagpasalamat sa kanya. At isa pa,bago ka pa lamang sa unibersidad at wala ka pang masyaong kakilala.
    Gayunpaman, hindi ka man nakapagpasalamat sa guro, naibahagi mo naman ang iyong kabutihan sa isang estudyante. Mabuti na rin iyon para sa gayon, masuklian mo rin ang kabutihang loob ng guro, hindi man sa pagsasabi ng “thank you” pero nakatulong ka naman sa kapwa mo.

  11. mark emil

    …anu ba naman yun..kung bigla kang magtetenkyu at hindi pala ikaw yung nilibre, aba eh magmumukha kang”EPAL”.kung aku ung nasa ganung sitwasyon siguro ay di rin ako magtetenkyu, kasi baka sabihin ngng isa akong EPAL.(JOKE LANG TO: may kasalanan rin si ma’am, di kasi niya inespesify kung sino sa kanila yung linibre niya.haha.)at yung drayber ay may pagkukulang din, di niya kasi tinanong kung sino sa inyo yung nilibre nya. ayun oh. haha.) pero totoo ngang ang pagsasabi ng THANK YOU ay sadyang mahalaga sa kulturang pilipino lalo na sa ating mga ilokano.

    .kung naka[punta ka na sa kahit anong fastfood sa laoag marahil narinig mo na ang mga katagang:thank you for comin sir/ma’am. balik po kayo ulit.hahaha

    • Herdy La. Yumul

      Kaya nga lang, sa mga fastfood e parang mechanical ang pagpapasalamat. “Thank you sir, thank you ma’am” sila kahit ma-isa ka lang. 🙂

  12. Pagdilao

    hay,….sa kuwentong ito naihahalimbawa ko rin yung nagyari sa akin kahapon nung sumakay ako ng bus na laforga tranz tapos pag akyat ko sa bus nakita ko na walana palang upuan eh di yun tumayo nalang ako tapos may nag oper sa akin ng upuan studyante rin na tulad ko from CBEA siya eh,..sabi niya sakin eto miss upuan ah yun di agad ako nakapagsalita tapos nung naka upuna ko di man lang ako nakapag thank you sa kanya kasi nahihiya ako and then haggang sa makarating na kami sa currimao nakatayo pa rin siya at nung may bakante nang upuan ah yun umupo na rin siaya sabay tingin sa kin tapos I say thank you and he smiled at me.hehe,…. na realized ko tuloy na kahit papaano may natitira palang gentlemen dito sa mundo…that’s all,..

  13. Gumaro

    all what I can say to this article is that, sana bago bumaba yung guro clinarify niya muna kung sino yung ililibre niya ng pamasahe wether yung faculty o yung bata para malinaw sa kanilang dalawa at hindi na offened ang sino man sa kanila dahil kahit sino mang tao or studyante ang makaranas ng sitwasyon na iyon ay talagang masasaktan din.

  14. janina

    Mahalaga ang salitang “thank you” lalo na sa ating mga pilipino lalung-lalo na kung nanggaling sa iyung puso…At sa article na nbasa ko ay di mo nman alam na ikaw ang inilibre n ma’am sa pamasahe kya ok lng kung dka nkapgpasalamat.

  15. tita lita

    i had been married for 38 years now come in december and my husband still opens doors ,car doors buy flowers for me go on lunch or dinner dates and i say thank you each time.i appreciate what he does.he is such a gentleman and being the filipino and upbringing i have i never never forget and i instilled it to my son.

    • Herdy La. Yumul

      “Thank you” are two powerful words indeed, but it can be substituted by a meaningful smile.

  16. tita lita

    both is even better.

  17. tita lita

    speaking of being thankful my husband just came in with 1 dozen red roses for me.being sick make me feel good.it could be a dandelion flower from our yard and specially when i do not feel good and i will still be thankful. it is the thought that counts !!!!

  18. Pingback: Ang gurong (di dapat) nagpasalamat. |

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s