PITAKA NG PAG-ASA: Isang pagpupugay kay Leoncio Pagtama at sa lahat ng tulad niya

BAGAMA’T KINORONAHAN NA ang Pilipinas bilang bansang may pinakatalamak na korapsyon sa bahaging ito ng Asya, ako’y naninindigang honest ang Pinoy.
Maniwala ka sa akin. Bilang certified burara, mahaba ang listahan ko ng mga pagmamagandang-loob ng aking kapwa. Marami na akong nawala… pitaka, cellphone, laptop, at kung anu-ano pang mga mahahalagang bagay, ngunit karamihan sa mga ito ay isinauli.
Tugma dito ang resulta ng isang pagsasaliksik na isinagawa ng Reader’s Digest (RD). Ayon dito, mas honest pa nga ang Pinoy kung ikukumpara sa mga mamamayan ng ilang bansang “first world”.
Noong nakaraang taon, nagpakalat ang RD ng tigtatatlumpung (30) cellphone sa tatlumpu’t dalawang (32) mga lungsod sa iba’t ibang dako ng mundo. May pagkakakilanlan ang bawat cellphone kaya’t maaari itong isauli ng makapupulot kung gugustuhin nito. Tinawagan din ng RD ang mga cellphone upang magbigay ng direksyon sa mga taong nakahanap kung paano maisasauli ang mga telepono.
Lumalabas sa pag-aaral na walang malinaw na koneksyon ang pagiging mayaman o mahirap ng isang bansa sa pagiging honest ng mga mamamayan nito. Ang Pilipinas ay pumanglima sa lahat ng bansang kasali sa pag-aaral. Dalawampu’t apat na unit o walumpung bahagdan (80%) ng mga cellphone ang isinauli ng mga Pinoy. Kapantay natin ang New York at tinalo pa natin ang Finland, New Zealand, France, Germany, Australia, Singapore at marami pang mga bansang may malalakas na ekonomiya. Ang number one survey ay ang bansang Slovenia na tulad ng Pilipinas ay nagdarahop din.
Dito naman sa Ilocos Norte ay bumisita ang grupo ng isang programang pantelebisyon upang alamin kung gaano ka-honest ang mga Ilocano. Isinagawa naman nila ang ‘wallet test’. Ang resulta? Siyam sa sampung Ilocano (90%) ang nagsauli ng mga nawawalang pitaka.
Ano ang ibig sabihin nito? Bagama’t tiwali ang kabuuan ng ekonomiya, tapat pa rin si Juan dela Cruz bilang isang indibidwal. Samakatuwid, ang problema ay wala sa mga tao bilang tao kundi nasa sistemang nananaig at lumalamon sa kanila.
Napag-uusapan na rin lamang ang pagiging honest, nais kong magbahagi ng isang kuwento.
Minsan, sa aking buhay bilang mag-aaral sa UP Diliman, may isang araw na kapus na kapos ako sa pera. Palakad-lakad lang ako noon sa campus at nag-iisip kung paano makadidiskarte ng datung. Enrolment kasi.
Papasok ako noon sa isang gusali nang may isang estudyanteng babae na nakahulog ng isang bungkos ng pera mula sa kanyang bulsa. Mabilis ang paglalakad ng babae. Pinulot ko ang pera, tig-iisang libo ito at, sa tantiya ko, ay mga walong libo ‘yun.
Kaagad kong tinawag ang babae: “Miss!”. Ngunit dahil mabilis ang kanyang paglalakad ay hindi niya ako napansin. Tinawag ko siyang muli nang may mas malakas na boses: “MISS!”… ngunit hindi pa rin niya ako narinig.
Habang papalayu nang papalayo ang babae ay napansin kong pahinahh naman nang pahinahhhh ang aking boses. Eto na ang pagsubok. Nagsimula nang magtalo ang dalawang boses sa aking isip.
Boses1: Huwag mo nang isauli. Hulog ‘yan ng langit, ‘di ba walang-wala ka nga ngayon?
Boses 2: Hindi ‘yan hulog ng langit, hulog ‘yan ng bulsa ng kawawang estudyante. Baka ‘di siya makapag-enrol kapag hindi mo isinauli.
Boses 1: ‘Sus! Kapag ikaw naman ang nakahulog e malabo ring isauli ng ibang tao ang pera mo. At kasalanan naman nu’ng babae at hindi siya maingat.
Boses 2: Basta gawin mo lang kung ano ang tama. ‘Yun ang mahalaga!
Ako’y biglang nalito at hindi malaman ang gagawin. Ngunit, ewan ko ba, bago pa mahuli ang lahat, ako’y huminga ng malalim, inipon ko ang aking lakas, at ako’y sumigaw…: “DARNA!!!”
Napatingin ang babae, nilapitan ko siya at iniabot sa kanya ang pera. Noong una ay hindi niya maintindihan ang nangyayari at tila medyo nainis pa nga dahil naabala ko siya sa kanyang pagmamadali. Ngunit nu’ng kinapa niya ang kanyang bulsa at napagtanto na ang hawak kong pera ay sa kanya, hindi siya nakaimik at halos maluha. Tulala siyang napangiti na tila ba nakakita ng isang anghel (maitim na anghel?). Pagkatapos ay iniwan ko na ang dalaga na tila ‘di pa rin makapaniwala sa mga kaganapan.
Sabi nila ay masarap daw ang pakiramdam kapag gumawa ka ng kabutihan. Ngunit hindi ganap sa aking kaso… dahil pagkasauli ko nu’ng pera ay wala pa ring laman ang aking bulsa.
Dagli kong tinawagan ang bespren kong si Alona, isang propesor sa Ateneo, upang magtanong kung tama nga ba ang ginawa ko. Sabi niya ay hinding-hindi ko pagsisisihan ang aking pasya. Pinaalalahanan din niya ako ng batas ng karma.
Tama si Alona. Kung ano ang iyong itinanim ay siya ring iyong aanihin. Kaya siguro naibabalik ang halos lahat ng mawala ko ay dahil tapat din naman ako sa aking kapwa. Itinatak kasi ng aming mga magulang sa isipan naming magkakapatid na huwag na huwag manlalamang sa kapwa.
Talagang masipag manukso ang demonyo dahil kinagabihan nu’ng araw ding iyon ay nakapulot naman ako ng isang makapal na pitaka sa isang kainan sa loon din ng kampus. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi na ako nahirapang magpasya. Walang kakurap-kurap ay isinauli ko ang pitaka.
Nanariwa ang mga eksenang ito sa aking kamalayan nang magkuwento sa akin si John Allin Soriano, isang Electronics and Communications Engineering student sa MMSU. Nawala niya ang kanyang pitaka na naglalaman ng mahigit sa limang libong piso. Ang perang ito ay inutang lang niya upang may ipang-tuition siya ngayong enrolment. Tulala ang mag-aaral at naluluha sa nangyari, hindi niya malaman kung ano ang gagawin.
Ngunit natapos ang pighati ni Allin nang ibinalita sa kaniya na isinauli ng janitor ng College of Engineering ang kaniyang pitaka, at walang nabawas kahit na isang kusing. Leoncio Pagtama ang pangalan ng ating bayani. Hindi na ako nagulat nang nabalitaan ko ang kagandahang-loob ni Mang Leoncio sapagkat minsan na rin siyang nagsauli sa akin ng nawala kong relo.
Halos lahat tayo ngayon ay dumaraing sa hirap ng buhay bunsod ng patuloy na krisis sa ating ekonomiya. Sa mga panahong tulad nito, napakalakas ng udyok na angkinin ang pag-aari ng iba. Kaya naman saludo ako kay Mang Leoncio dahil batid kong ang pinakamahirap na laban ay ang pakikipagtuos sa sarili upang gawin ang tama kahit na at lalo na kapag walang nakakikitang iba.
Hindi kataasan ang natapos na pag-aaral ni Mang Leoncio ngunit larawan siya ng katapatan, hindi tulad ng marami sa ating mga lider panlipunan na bagama’t nagtapos sa mga tanyag na paaralan ay lumalangoy naman sa burak ng katiwalian. Ano kaya ang mali sa ating sistema ng edukasyon kung kaya’t hindi directly proportional ang taas ng pinag-aralan sa katapatan? Siguro ay masasagot ito ni Gloria Macapagal Arroyo, M.A., Ph.D.
Tulad ng nasabi natin kanina, ang pagiging mayaman ng isang tao ay hindi rin garantiya na hindi siya magnanakaw. Ang pagiging ganid kasi ng tao ay tila walang hangganan. Mula sa empleyadong nagpupuslit ng bond paper mula sa opisina hanggang sa pulitiko na tumatanggap ng bilyun-bilyong komisyon sa mga proyekto sa gobyerno, hindi malinaw kung ano ba ang sapat. “Sipag at tiyaga” daw ang susi sa tagumpay, ani Manny Villar, dating iskwater at ngayo’y Senate President na inaakusahang tumaga at nakinabang sa C5 project. Ahhh, “C5 at Taga!”
Tuwing may mga nakikilala tayong tulad ni Mang Leoncio ay sinasabihan natin, “Sana dumami ang lahi mo!” Sana nga dumami. O baka naman madami na, ngunit hindi lamang naibabalita? Kung may kuwento ka tungkol sa kabutihang-loob ng iyong kapwa, ibahagi mo naman at nang ating mapagsaluhan at maipagmalaki. Mag-email sa herdiology@yahoo.com o bumisita sa http://riknakem.blogspot.com.

25 Comments

Filed under Heroes, PinoyPride

25 responses to “PITAKA NG PAG-ASA: Isang pagpupugay kay Leoncio Pagtama at sa lahat ng tulad niya

  1. Gnez Macaraig

    Ang pagiging tapat sa kapwa lalo na sa oras ng kagipitan ay sadyang mahirap.Kaya nga saludo ako sa mga taong hindi nagdadalawang isip na gumawa ng masama sa kapwa kahit na kung kumain ay isang beses lang sa isang araw. Isama pa ang kurapsyon ng gobyerno.
    Natutuwa ako na kahit papaano ay kabutihan pa rin namamayagpag sa mga puso nga pinoy. Kung ako man ang nasa ganoong sitwasyon ay isasauli ko rin ang mga gamit na kanilang naiwan. Sana ay maging tapat rin ang ating gobyerno na gawin ang kanilang tungkulin upang mabawasan ang kaguluhan na nangyayari sa bansa.
    Madalas ay ang mga mahihirap pa ang nakagagawang tumulong sa kapwa kahit sa maliit na bagay man lang kaysa sa mga mayayman na siyang may pera at kapangyarihan upang tulungan ang ating mga kababayan na salat sa pera.
    Sana ay maging inspirasyon ang kolum na ito lalo na sa mga kabataan na naapektohan dahil sa kahirapan ng buhay. Dapat silang turuan na magtiis, may takot sa diyos at maging matiyaga para sa ikauunlad ng buhay ng walang bahid ng kasamaan.

    –>gnez macaraig

  2. markwill

    it is true that filipino is honest and trustworthy race.

    if it’s me i might also return what is left to the owner but in this times of crises evil might invade the minds of most people especially those in great crisis. i mean stop being martyrs or whatever. what will happen if you return something left by the owner,,, to achieve a good name. what will you do to good name if you’re suffering. what will honesty give to you if you’re in a difficult conditions. i mean, honest filipinos are rare and that most of them might grab the oppurtunity of fortune.

    after all, we should not grab the money, who knows you’re captured on a surveillance cam and the clip will be shown on tv. what a shame.

    it is important to be honest…

  3. Jaymar

    hindi ang panlabas na anyo ang makapagdirikta kung ano ang maaaring nasa loob nito,.,gaya ng isang mansanas kulay pula ang balat nito ngunit ang laman ay puti, puting-puti, at sa puti nito tayo nakikinabang ngunit mayroon din namang mga orange, orange ang labas orange din ang loob,., ngunit sa pagkakaalam ko mas mabenta pa rin ang mga mansanas kaysa mga orange.

    masasabi man na black angel ang isang tao hindi ito nangangahulugang maitim na rin ang budhi nito bagkus nananalaytay ang dugong Pilipino at ang Pilipino na may takot sa Diyos gaya mo.,., bilib naman ako sa iyo,., nakagawa ka pa ng maganda kahit gipit ka na sa pera,.,

    hangang-hanga rin ako kay mang LEONCIO sa kabila ng hirap na pinagdaraanan niya sa pagwawalis ng mga kalat ng mga estudyante(puera da los buenos) ng maghapon ay mayroon pa ring natitirang malasakit sa mga estudyante., kahit nahihirapan siyang lumalaban sa mga kabulakbulan ni gloria hindi siya sumusuko sa paninindigan niya bilang Pilipino…,

    ano iyong M.A.,Ph.D.??
    Miss Arroyo Philippines Doctor.,.hahaha
    doctor sa mga election, ZTE…(infinite as in INFINITE)

  4. katrina

    Ang “ilang” Pilipino talaga hanggang ngayon ay sadyang matapat kahit pa sila ay nasa kagipitan.Gaya mo, kahit pa nangangailangan ka ng pera nagawa mo pa ring isauli ang napulot mo dahil kawawa naman ang nakahulog nito.Kung ako rin ang nasa posisyon mo ay isasauli ko rin ito dahil maaawa rin ako sa tao.Sana naman pati gobyerno natin ay maging ganon rin para magbago naman ang ating ekonomiya. Paano nalang tayo kapag ang mga tao sa Pilipinas ay hindi na tapat?
    Importante talaga ang pagiging tapat dahil malaki ang nababago nito.

  5. Beaphel

    Bilib at saludo ako sa iyo,kay Mang Leoncio at sa mga taong tapat na patuloy sa kanilang ugali. Sa kahirapan ng buhay ay mayroon paring mga taong nananatili at nagsisilbing inspirasyon para sa mga tao na maging tapat sa lahat ng oras.

    Kung ako man ay makapulot ng hindi sa akin ay hahanapin ko ang may ari nito. Alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng isang bagay lalo na kung pera yun. Ilang beses na rin akong nawalan ng pitaka. And sad to say, hindi ito naibalik sa akin kaya ayaw kong danasin ng sinuman ang ganito.

    Wala sa panlabas na itsura kung isa kang mabuting tao. Mayroong mga mukhang anghel pero ang ugali naman ay hindi kagandahan.

    Ang tunay na kagandahan ay makikita sa ganda ng kalooban.

    Mabuhay at dumami pa ang mga taong tulad natin.

  6. reyna monique

    Sa panahon ngayon, marami pa rin ang may kagandahang loob. Hindi sa panlabas na anyo makikita ang kagandahang loob ng isang tao kundi sa taglay nitong kabutihan. Dukha ka mang ituring, kung may mabuti ka namang damdamin at hangarin sa kapwa, ipagmalaki mo ito dahil sa malinis ang iyong kalooban.
    Ang pagmamalasakit sa kapwa ay mayroong magandang idudulot sa iyong buhay, hindi man ito sa materyal na bagay bagkus, ang pagiging busilak ng puso ang magbibigay ng kasiyahan sa iyong buhay.
    maging matapat dapat ang bawat isa at gawing inspirasyon si Mang Leoncio sapagkat ang isang katulad niya ay ang taong dapat ipagmalaki at tularan. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay lubos na kaaya-aya sa paningin ng nakakarami. At kung ikaw ay may busilak na kalooban, siguradong marami ang darating na kabutihan sa iyong buhay

  7. jasell ann

    Masasabi kong ang mga Filipino partikular na ang mga ilokano ay sadyang matatapatin dahil ako man mismo ay nakaranas din ng ganitong sitwasyon ngunit napatunayan kong hindi ang kahirapan ang mag-uudyok sa atin para umangkin sa pag-aari ng iba kundi ang ating likhang mahabaging puso ang magpapaalala sa atin na gawin ang nararapat.
    Gaya noong linggo,December 21, pagkagaling namin sa simbahan ay siya namang pagdating ng aming kapitbahay na si mang Oliver, tricycle driver at ipinamalita sa amin na may naiwang maliit na bag sa kanyang sasakyan na naglalaman ng mahigit na limang libo. Ito’y kanyang ibinigay sa aming kapitan na siyang gumawa ng paraan para maisauli ito.
    Napag-alaman namin na iyon ay pag-aari ni Tata Tacio, kapwa miyembro sa aming simbahan. Laking pasasalamat niya at sa tricycle ng taong may mabuting kalooban niya iyon naiwan.
    Ito ay isang halimbawa lamang na nagpapatunay sa pagkamatapatin ng mga Filipino at sana ay dumami pa sila…..

  8. Pingback: Uhaw sa Katapatan at kagandahang-loob « Riknakem

  9. ednalyn alag

    talaga nman na ang mga filipino ay matatapat kahit sa istado ng ating bansa ay pahirap na ng pahirap,,, hindi nman sa kagulat gulat kung ganito na ang ating ugali dahil itoy naykintal sa ating pag iisip,, ang pagiging matapat natin,, dahil ang pagiging matapat ay isang karangalan sa ating individual na katayuan.. hindi handlang sa atin kung tayo man ay mayaman o mahirap,,,kung katapatan lng ang ating pag-uusapan,, ika nga nila ang pagiging matapat ay susi ng kaunlaran,,kaya ang masasabi ko ANG FILIPINO AY MATAPAT,,, WALA NANG PAPANTAY

    • Herdy La. Yumul

      Sang-ayon ako na likas na matapat ang Pinoy. Nakalulungkot lang nga na ang pamahalaan naman natin ang pinakatiwali sa bahaging ito ng mundo.

  10. I salute you Mang Leoncio!!!, hindi ka nasilaw sa laki ng halaga na wallet na napulot mo, batid mo ang bayaning busilak ang kalooban!!!. (@-@)
    hindi ang kababaan ng aral at kahirapan sa buhay ang nag-udyok sa iyo para para gawin ang hindi kanais nais kundi ang busilak na puso sa kapwa mo tao.

    ika nga, hindi lang dapat sa panlabas na anyo dapat husgaan ang isang tao kundi sa panloob nito.

    tanong ko lang, bakit yung mga may estado pa sa buhay ang may ganang magnakaw at lukuhin ang kapwa niya tao kesa sa mga mahihirap na naghihikahos sa buhay??? mga rich: wala na ba kayong deli kadesa, ha?,( puera delos buenos)

  11. sonny l m g

    @sir herdy,
    “(maitim na anghel?).”
    ano ba talaga ang pisikal na kalagayan ng anghel? diko kasi alam eh.
    @Jaymar
    “masasabi man na black angel ang isang tao hindi ito nangangahulugang”
    ano ba talaga ang pisikal na kalagayan ng anghel? diko kasi alam eh.
    @Beaphel
    “Mabuhay at dumami pa ang mga taong tulad natin.”
    nagdamay kapa, haha

    sa tingin ko ang pagiging mabuting tao ay hindi namamana, bagkus ito ay natutuhan, sa paraang paano pinalaki ang isang bata,

    ewan ko ba kung paano pinalaki sina PGMA at iba pang kagaya nya, siguro beerbrand:D,

    kung 80% sa survey ang tapat, malas ko pala nung nawalan ako ng CP eh di na ibinalik, nasa 20% ung kumuha. pero nsa 80% naman ako,

  12. ryan corpuz

    Kahit naghihirap na ang ekonomiya ng ating bansa, at marami sa atin mga tao ang naghihirap din, at wala nang magawa kundi magnakaw nalang, gaya ng mga iba jan…meron parin naman mga taong may magagandang loob at nagsasauli ng mga bagay na kanilang napulot kagaya ni Mang Leoncio.

    Masasabi ko talaga na ang mga Pinoy, lalong lalo na ang mga ILOCANO ay sadyang matatapat at hindi rason ang pagiging mahirap para magtagumpay sa buhay.

    Kaya saludo ako sayo Mang Leoncio…..Sana dumami pa ang mga katulad mo…….

  13. ednalyn

    hay,, naku,,, nature na tlaga ng mga pinoy ang pg kamatapat well wala tayong magagawa dahil itoy nka tatak na sa ating utak kaht crisis na ang nangyayari sa ating bansa dpat wag tayong gumayad sa ating pangulo naubod ng sma walang awa,konsensya sarili lamang ang iniisip,, hay nkku ewan ko nga kht anu pang pag papaganda ni gloria nothing change prin nman…. mas pangit pa sa pinakapangit kung tutuusin… Di tulad natin na kht gnito ang ating mga looks ayon prin matapat prin tayo may kasabihan nga honesty is the best policy,,, kya go pinoy,,, itayo ntin ang atni bandila

  14. cguro hndi lhat ng filipno ay matapt bka ung mga mahihirap lng kc ang alam kung may mtapat na puso ang mga nsa taas o kyay mga mayayaman i think wla clng tapt….>

  15. Leizl Pagtama Sales

    Thanks a lot Mr. Yumul.
    Im the proud daugther of Mr. Leoncio Pagtama.
    Nabasa ko n rin sa wakas ang article mo at bilang isang anak natutuwa ako na maging huwaran ang aking ama sa MMSU. Sana lahat tayo ganito ang amang kinagisnan. Mahirap man ang buhay namin noon,alam ko ang kabutihan loob ang aking ama at nagpapatunay lamang na napgatapos niya kaming magkakapatid sa college. I have many to share about my father na pwedeng maging batayan ng mag estudyante ng MMSU para mag-aral ng mabuti.
    God Bless & More power!!!

  16. rubielyn pagtama

    thanks mr.yumul..
    im the youngest daughter of mr leoncio..nkakaiyak naman article mo bout my father..im very proud of him…sana one of this days mamit k namin

  17. tita lita

    to the daughters of mr pagtama….it is indeed a very nice article about your father..i am deeply touched.you should be very proud of him and treasure every chance you get to be with him…i just lost my 96 year old dad (in batac)and i live in the usa but i took every chance to be with my mom and dad (may they both rest in peace)they went 9 month apart..i use to spend 3 months at a time to take care of them…they will be in our hearts forever..my siblings and i..

  18. poknut

    ..wow!!
    ..mala anghel na puso!!
    ..sana lahat ng mga pilipino ay ganito ang ugali!
    pra nman mabawasan ang pangungurakot sa ating bansa!

    yvette cimatu

  19. JC_vampire

    its good that there are people like them. this represents the good values of the filipino.

    MAY YOU MULTIPLY………

  20. millares

    . . nsa sa atin lng naman yan eh. . kung paanu ntin gagamtin ang utak natin at puso ntin. . tulad na lng ni mr.pagtama. . khit cguro isa siya sa pinakamakapangyarihan tao sa bansa, gagawin niya parin ang alm niyang tama. .
    . . ang ating gobyerno. . hndi nmn lahat cgro. kurakot mr. author. . mga iba lng.na nsisilaw sa mga kaban ng bayan. .
    . tyaka hindi nmn nla cgurong binalak umupo sa pwesto mr. author para lng mangurakot. . kung pagbabasehan ntin ang ating ekonomiya. . tlgang mababa ang porsyento ntin. . pero mron din nmn clang gnwa para hindi bumaba ng bumaba ang ating ekonomiya mr. author. .
    malungkot man isipin na ganito ang mga taong namumuno sa atin. .pro wala na tayong mgagawa. .
    .

  21. hush

    its very touching story ..amd more values.. i hope many filipino can do such a thing like mr.pagtama done.. go job.

  22. Sheryll B. pagtama

    tnx mr. yumul
    Im the eldest daugther of mr. pagtama. nagpapasalamt ako sa iyo ng taos puso sa sinulat mo na ito sa aming ama. maraming maraming salamat.
    naiiyak ako habang binabasa ko article mo. and im very pround to my father. kasi kahit gaano kahirap ang buhay namin noon pinagtapos niya kaming mag kakapatid. kung ang iba ay hero siya how much more sa amin mga anak niya.
    sana sa pamamagitan ng article mo ay magiging inspirasyon sa ibang mga magulang na hindi ang kahirapan ang reason para di makamit ang pangarap para sa mga anak.
    again tenk you ading. sana ma meet ka namin personal.

  23. ol i can say is I’m” PROUD TO BE A FILIPINO”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s