Agosto, buwan ng ‘Lip Service’?: Patuloy ang pagdedma sa mga katutubong wika



Tuwing sasapit itong buwan ng Agosto, abala ang mga paaralan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. Programa diyan, patimpalak dito… hindi magkandaugaga ang mga mag-aaral at mga guro sa mga kaganapan.

Nagbago na ang hugis ng Buwan ng Wika. Kung noon ay wikang Filipino lamang ang binibigyang pansin, ngayon ay pinagpupugayan na ang iba’t ibang wika ng ating bansa, na sa huling bilang ay isandaan animnapu’t walo. Walo dito ang mga pangunahing wika, kabilang ang Iluko. Bukod tangi ang pagdiriwang sa taong ito lalo na at ang 2008 ay itinakda ng United Nations bilang pandaigdigang taon ng mga wika.

Ani United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), tunay na mahalaga ang mga wika sa identidad ng mga grupo at indibidwal at ng kanilang mapayapang pakikipamuhay sa isa’t isa. Ang mga ito ay estratehikong sangkap para maging tuluy-tuloy ang pag-unlad at magkaroon ng maayos na pag-uugnayan ang global at lokal na kapaligiran.

Gayunpaman, sa tingin ko ay isa lamang pag-aaksaya ang taunang pagdiriwang na ito kung patuloy na magiging malabo ang papel ng mga katutubong wika sa ating buhay pambansa. “Lip service”, wika nga sa Ingles.

Ayon sa UNESCO, pagkaraan ng ilang henerasyon ay mawawala ang mahigit kalahati ng pitong libong wikang sinasalita sa buong daigdig. Walang isang kapat ng mga wikang ito ang ginagamit ngayon sa mga eskuwelahan at cyberspace, at karamihan ay ginagamit lamang nang panaka-naka.

Minsan ay sinubukan kong pasulatin ng sanaysay ang aking mga mag-aaral gamit ang Iluko. Ito ay sinalubong ng maingay na pagtutol. “Nagrigat, sir! English lattan”, kanilang protesta. Ako ay nalungkot ngunit akin silang naunawaan. Ako man ay hirap din sa pagsusulat sa Iluko. Ang totoo ay tinangka kong isulat ang kolum na ito sa Iluko ngunit makalipas ang limang oras at limang tasa ng kape ay dalawang talata lamang ang aking natapos at hindi pa ako nasiyahan sa kinalabasan.

Bakit nga ba hirap tayong gamitin ang wikang kinagisnan maliban sa payak na pang—araw-araw na huntahan?

Sa isang sanaysay, inilahad ni Propesor Randy David, ang pangunahing sosyologo ng atingbansa (at naging guro ko sa Diliman), ang kasagutan. Narito ang ilang bahagi ng kanyang diskurso:

“Ang pag-unlad ng wika at ang pag-usbong ng kamalayan ay magkakabit. Pareho ang kanilang ugat–ang pangangailangang makipag-usap… Habang lumalawak at lumalalim ang kamalayan, yumayaman din ang wikang ginagamit. Kung mababaw ang kamulatan, sapagkat hindi naging malakas at madalas ang udyok na makipag-usap, mananatili ring payak ang ginagamit na wika.

“Kapag ang wikang katutubo ay nagagamit lamang kaugnay ng maliliit at walang halagang bagay, at ang wikang dayuhan ang nakakasanayang gamitin sa mas mataas na uri ng talastasan – ang wikang katutubo’y nabubusabos habang ang dayuhang wika’y namumukod. Sa kalaunan, ang karamihan ay mag-iisip na sadyang nasa katutubong wika ang kakulangan. Kung walang nagpupunyaging isalin sa katutubong wika ang mahahalagang literatura at produktong intelektwal ng mga dayuhang kultura, iisipin ng marami na may likas na kakapusan ang ating sariling wika, at walang ibang lunas kundi pagsikaping pag-aralan ang wikang dayuhan.

“Walang wikang umuunlad kung hindi ito naisusulat at nababasa. Walang wikang umuunlad kung ito’y hindi sinasanay na maglulan ng mga produkto ng kamalayan at iba’t-ibang kaisipang hango sa maraming kultura. Kailangang makipag-usap ang ating katutubong wika sa mga wika ng ibang bansa, sa halip na isantabi ito, sa maling pag-aakalang hindi na ito angkop sa bagong panahon.”

Malaki sana ang magagawa ng pamahalaan upang isulong ang paggamit ng mga wikang katutubo sa pambansang pagmumulat at sa global na pakikipagtalastasan. Batid ng mga pulitiko ang kahalagahan ng ating mga katutubong wika sa mabisang pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Hindi nga ba’t tuwing halalan ay vernakular ang kanilang ginagamit upang suyuin ang taumbayan?

Ating maaalala na wika ang isa sa mga naging isyu nuong tumakbo sa pagkagobernador si Apo Michael Keon, hindi daw kasi siya bihasa sa Iluko sa kabila ng maraming taon na niyang paglilingkod sa lalawigan. Ngunit nakita naman ang pagsisikap ni Keon na magsalita sa ating katutubong wika. Headline sa TV Patrol Laoag noon kung paano niya isanaulo (at nalimutan sa kalagitnaan ng pagbibigkas) ang isang talumpating isinulat sa Iluko. Subalit ngayong siya ay nasa puwesto na, tuwing maririnig kong magsalita ang butihing gobernador ay Ingles na ang kanyang ginagamit, at hindi na siya nakalilimot.

Si Gng. Gloria Arroyo man ay nakinabang sa kanyang kakayanang magsalita sa iba’t ibang wikang Pinoy. Pinaniniwalaang bahagi ng kanyang popularidad sa Kabisayaan ay bunsod ng kanyang kakayanang mag-Bisaya. Bagama’t hindi ako maka-Gloria, aaminin kong napahanga niya ako at nahaplos ang aking puso nang minsa’y dumalo siya sa pista ng Laoag at nagtalumpati gamit ang Iluko.

Ngunit sa kabuuan, etsapuwera ang ating mga katutubong wika sa ating mga panlipunang institusyon. Nakalulungkot na sa mga session hall sa kapitolyo at sa mga munisipyo, sa ating mga hukuman, at sa ating mga paaralan, Ingles pa rin ang pangunahing daluyan ng talastasan. Kung tunay na masang Pilipino ang pinaglilingkuran ng ating mga lider, ano ang pangangailangan ng paggamit ng wikang banyaga sa paglilingkod-bayan?

Noong 2003, si Gng. Arroyo, sa bisa ng Executive Order No. 210 na may pamagat na “Establishing the Policy to Strengthen the Use of the English Language as a Medium of Instruction in the Educational System”, ay nag-atas na ibalik ang Ingles bilang pangunahing wikang panturo.

Dahilan ng pangulo: Our English literacy, our aptitude and skills give us a competitive edge in ICT.

Subalit marami nang mga pag-aaral ang naisagawa, kabilang na rito ang mga pananaliksik ng UNESCO at ng mga Pilipinong iskolar tulad nila Bro. Andrew Gonzales at Dr. Bonifacio Sibayan, na nagpapatunay na ang paggamit sa unang lengguwahe o wikang kinagisnan ay lubos na nakatutulong sa pang-unawa ng mga mag-aaral sa mga mahahalagang konsepto maging sa mga asignaturang agham at matematika.

Patunay dito ang resulta ng Trends in International Mathematics and Science Study (TIMMS) na ginawa noong 1999 kung saan ang Pilipinas ay pang-38 sa Math at pang-40 sa Science sa kabuuang 41 na lumahok na bansa. Ito ay sa kabila ng pagtuturo ng agham at matematika sa wikang Ingles sa loob ng mahigit na isang siglo. Maaari namang maging mahusay sa science at math kahit ito’y hindi itinuturo sa Ingles. Patunay dito ang karanasan ng Tsina, Hapon, at Rusya.

Patung-patong ang mga suliraning kinakaharap ng ating sistema ng edukasyon. Nariyan ang laganap na katiwalian, pulitika, at idagdag pa rito ang hindi sapat na budget na inilalaan para dito. Lubos na di-makatarungan na isisi sa paggamit ng mga katutubong wika ang mababang performans ng ating mga mag-aaral. Sa tingin ko ay sasang-ayon dito si Propesor Janet Rivera, ang masigasig na direktor ng Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino na nakabase sa MMSU.

Ayon pa rin sa mga pananaliksik, ang paggamit ng unang lengguwahe ay tulay din upang matutunan ang pangalawang lengguwahe at ang mga wikang banyaga. Bilang halimbawa, ang isang Ilocanong matatas sa wikang Iluko ay mas madaling matututo ng wikang Filipino. Ang pagiging bihasa sa Iluko at Filipino ay tulay naman upang matutunan ang mga banyagang wika tulad ng Ingles, Mandarin o Pranses. Sa wari ko, ang isang taong hindi nilinang ang sarili sa wikang kanyang kinagisnan ay magiging palpak sa kanyang pakikipagtalastasan kahit anumang wika ang kanyang gamitin. Ang dila niya ay walang pinanghuhugutan.

Sa isang bansang watak-watak, hindi lamang sa heograpiya, kundi pati na sa pulitika, ideolohiya, at pananampalataya, malaki ang maaaring gampanang papel ng wika sa pagtatamo ng pagkakaisa. Ngunit, hindi ito nangyayari, bagkus ay pinapalala pa ng mababang pagtingin sa ating mga katutubong wika ang hidwaan sa pagitan ng mayaman at mahirap, edukado at hindi, taga-Maynila at promdi.

Minsan sa isang mall, nasaksihan ko ang isang pagtatalo. Sa gitna ng kanilang di-pagkakaunawaan, pinaulanan ng isang kostumer ng sangkatutak na malalalim na Ingles ang saleslady. Ang kawawang saleslady ay hindi na nakaimik. Sa eksenang ito, malinaw na ipinabatid ng kostumer na hindi sila magkalebel at siya ang tama sapagkat marunong siyang mag-Ingles. Ipinamukha ng kostumer na mangmang ang saleslady dahil katutubong wika lamang ang gamit niya. Nababagabag ang aking kalooban tuwing nakasasaksi ako ng mga ganitong eksena. Hindi ba dapat sa panahon ng di pagkakaunawaan ay mas lalo pang gamitin ang wikang makapaghahatid ng malinaw na mensahe?

May isang mambabasa ang nagbigay ng komento sa akin: ang galing mo palang magsulat. Bilib ako sa’yo. Ang lalalim ng mga ginagamit mong salita sa English. Hindi ko nga maintindihan e! Idol talaga kitang mag-English para kang abugado.

Hindi ko ikinatuwa ang komento, bagkus ay nalungkot ako. Una, dahil hindi ako lubos na naiintindihan ng mambabasa. Ito ay isang kabiguan sa bahagi ng isang manunulat tulad ko. Ikalawa, tila tanggap na ng taong iyon na ang paggamit ng nakaka-nosebleed na Ingles ay kaakibat na ng mga mahahalagang propesyon tulad ng abugasya. Kung ikaw ay may kasong kinakaharap, biktima ka man o nasasakdal, hindi ka ba mangngamba na ang iyong kinabukasan ay pinagtatalunan sa hukuman gamit ang isang wikang hindi mo lubos na nauunawaan?

Dalawa ang maaaring maging pananaw sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Maaari itong tignan bilang “kaarawan” ng isang buhay at yumayabong na wika. Sa kabilang banda, tila ito ay isa nang lamay para sa mga katutubong wikang walang habas na kinikitil ng patuloy na pagsasaisantabi hindi lamang ng ating mga lider pampulitika ngunit pati na rin ng bawat mamamayang masahol pa sa malansang isdang nagpupumilit kumahol. ###

***

“Ma’am ana’t English ti pastor?”, saludsod ti maysa nga estudyante iti unibersidad.

(Nagmalanga ni maestra gapu ta Ingles met ti sao a “pastor”, isu nga impagarupna a “synonym” iti sallsaludsoden diay estudyante.)

“‘Preacher’, barok”, insungbat ni Maestra.

“Tenkyu ngarud, Ma’am”, panagyaman daydiay estudyante.

Idi panagipasaanen iti paper, daytoy ti insurat daydiay ubing:

“My father is a pritcher of animals. He pritchers carabaos, cows, and goats in the farm.”

Ito ay isang tunay na pangyayaring ibinahagi sa akin ni katotong Marlyn Cacatian, kapwa guro ko sa MMSU. Natawa ako nung marinig ko itong kuwento, ngunit nang humupa ang tawanan,

…ako ay nabagabag.

56 Comments

Filed under Education, Filipino, Iluko, Language, PinoyPride, Sociology

56 responses to “Agosto, buwan ng ‘Lip Service’?: Patuloy ang pagdedma sa mga katutubong wika

  1. Anonymous

    i like this much… but you know how to use your dialect properly? joke.

  2. Gnez Macaraig

    Hindi natin maikakaila na marami tayong wika.Kaya nga hidi sa lahat ng pagkakataon ay hidi nagkakaunawaan ang mga pilipino. Hindi lingid sa aking kaalaman na ang mga kabataan ang pangunahing sanhi ng unti-unting paglaho ng wikang filipino.

    Sa nabasa ko, patunay lamang na unti-unti nang nakakalimutan ang pagiging tunay na pilipino. Maging sa mga paaralan ay hirap ang mga estudyante na pagaralan ang wikang filipino gayong ito ang sinasabing pambansang wika ng mga pinoy. Sa halip na ang ginagamit na wika sa pakikipag-usap ay ang wikang Filipino o ang mga wikang katutubo, mas pinipili pa rin nila ang wikang inggles.

    Hindi ko sinasabi na ipagbawal ang paggamit ng wika ng ibang bansa ngunit nararapat lamang na bigyan natin ng respeto ang ating wikang pambansa. Gamitin natin sa lahat ng oras upang mahasa tayo sa paggamit nito at upang sa gayon ay hindi tuluyang maglaho ito sa halip ay gamitin sa pakikipag-usap sa kapwa pilipino.

  3. Jaymar

    sa paggamit natin ng ating wika mas masasabing maunlad ang ating pakikipagkomunikasyon sa ating kapwa. mas maiintindihan natin ang nais ibatid ng ating kausap. mayroon din akong karanasan mula sa aking isinulat na nabigyan ng comment na “write to express not to impress”, lubos akong nasaktan sa comment ng guro kong iyon dahil parang nagmamarunong lang ako ngunit napagtanto ko na mali talaga kasi ang ginawa ko, dapat ay gumamit ako ng mas mas mababaw na mga salita para maintindihan ng guro ko ang gusto kong ipabatid. dahil ang main point naman kasi ay para maintindihan ng reader ang mga mensaheng nais ipaalam ng manunulat.

    gaya ng isinulat mong ito mas maiintindihan ng mga kapwa natin Pilipino ang mga mensaheng iyong isinulat. binigyan mo ng importansiya kung bakit dapat gamitin ang wikang alam ng dalawang nag-uusap.,.,sa kustomer na nag-Ingles mas pinahiya niya lang ang kanyang sarili sa harap ng sales lady dahil binigyan niya ng ideya ang sales lady kung ano talaga siya na isa siyang kustomer na Feeling niya ay napakataas niya ngunit sa katunayan hindi pala,,. dahil ang mga may modong kustomer ay hindi nakikipagtalo sa mga sales lady, alam nilang makisama,.

  4. katrina

    Ang paggamit ng sarili nating wika ay mas maganda at sa tingin ko ay mas uunlad tayo.

    Ang mga tao minsan ay hindi nagkakaintindihan dahil sa hindi paggamit ng sarili nating wikang Filipino. Mas magkakaintindihan tayo kapag ginamit natin ito.Gaya ng ilang bansa na kahit hindi nila alam ang ibang wika ay mas maunlad pa sila kaysa sa atin na kay rami rami ng wikang ginagamit.

    Sa kustomer naman, ang kanyang ginawa ay hindi talaga maganda dahil sa ito ay parang pagmamayabang lamang at isa pa napahiya lamang siya sa kanyang ginawa dahil sa pambabastos sa sales lady. Hindi dahil sa hindi na ito nakakaintindi ng Ingles ay dapat na itong bastusin. Siguro ay napakataas na ng tingin niya sa sarili niya kaya nagawa niya ito.

  5. Beaphel

    Kapansin-pansin na nga talagang nawawala na amg paggamit ng ating sariling wika at ito ay hindi maganda. Hindi uunlad ang isang lugar o bansa kung ang salitang gamit ay banyaga.

    Magandang pakinggan na nakakapagsalita ng Inggles ang isang tao dahil masasabi na may pinag-aralan ito ngunit kung hindi rin ito gagamitin sa tama ay bale wala rin ito.

    Nang minsang ako’y naghihintay sa aking lola at nakaupo lamang ako ay may tumabi sa aking mag-ina. Ang nanay ay kinakausap niya ang kanyang batang anak sa wikang inggles at magaling sumagot ang bata sa wikang din na iyon pero halata namang Filipino sila. Nakakapagabagab lang na sa batang gulang pa lamang ay hindi na sariling wika natin ang tinuturo sa mga bata. Paano pag lumaki na sila ay iyon lamang ang alam nilang isalita.

    Ang paggamit ng ating sariling wika ay napakahalaga at dapat talagang pangalagaan.

  6. Natawa ko dun sa part na nagagalingan sayo yung reader mo.. tapos biglang “hindi ko nga maintindihan e”. haha! Natawa ko ah. Hindi natuwa. hehe. Kulit e. Pano sya nagalingan kung hindi nya nga maintindihan yung sinasabi mo? hehe.

    • Herdy La. Yumul

      Alam mo naman ang utak ng maraming Pinoy, basta magaling mag-Ingles e mahusay na. Kahit siguro minumura na pala sila e natutuwa pa rin, dahil hindi naman nila nauunawaan. Sa totoo lang, hanga ako sa kakayanan mong magsulat sa bernakular. Malakas ang koneksyon mo sa mambabasa. Ipagpatuloy mo ‘yan ha. Mabuhay ka.

  7. Haha. Ganun nga po karaniwan sa mga Pinoy.

    Salamat. 😀 Sayang, konti lang sa mga Pinoy mahilig magbasa ng mga blog post. Konti lang nakakabasa ng mga kung anu-anong naiisip ko.

  8. tita lita

    whenever my siblings and i are at home in batac i insist that we talk in ilocano.they might be married to” tagalogs’ but i donot think they forgot there native tongues. i am married to an american and on the other hand if anything he learned some ilocano words…gago,torpe,laglag and o*******.he does not know what it means so when he talks to my relatives he blurts it all out .i told him not to say it to my dad and my mom(may she rest in peace). i regret not to have taught my son ilocano or tagalog.where he works some filipinos go there and speak in ilocano (not good in english) and he calls me and ask me to translate..

  9. tita lita

    would you reserve me one..sign sealed and delivered?

  10. tita lita

    by the way what is’DEDMA”?i heard that term before but i never did ask one of the kids when i was in batac.

  11. tita lita

    that what i was talking about. so many words i cannot comprehend.they were saying dedma ni lolo (my dad)

  12. tita lita

    thank you sir.what would i do without you as my translator?

  13. tita lita

    i am learning a lot here not only on these words i cannot comprehend but on perspective of life and things i never bothered with before .i have gained some friends and probably made enemies because i say what is in my mind specially when i know i am right ….i always fight for my principles.

    • Herdy La. Yumul

      No enemies, just friends. If they don’t like you because of your ideas, they may not really deserve your friendship anyway.

  14. tita lita

    i did well on my shooting yesterday. i got most of my shots in the chest area of my target.. pretended that was a person i do not like and it worked out.my husband said to take my time though.but once i squeeze on the trigger i am on a roll. i did better on my rifle than my 22.

  15. tita lita

    you are right..i don’t give a s***.

  16. tita lita

    and thank you for your” pep talks” sir.

  17. tita lita

    this weekend is a memorial day weekend.it is the last monday of may.it is to honor the dead specially the dead soldiers. monday my husband and i will go visit mom and dad’s grave.(my in-laws) i made a very nice flower arrangements and 2 pots with angels and very nice plant in them very tropical with orchids and mini rose plants. they both died very young.they are very special..

  18. tita lita

    no they do not go to the cemetery on any of those days. we were there in batac one november 2 and my husband was so appalled the way people celebrate the “dead” so very lavishly with so much food in the cemetery and music all over the place.

  19. tita lita

    and i donot like it

  20. tita lita

    this tradition is so unethical .you go to the cemetery to honor the dead not party there with loud musicand food galore.

    • Herdy La. Yumul

      Right, and when I die, I do not want a band on the eve of my burial, and when I am laid to rest. These days, a singer even belts out songs like “arak” during wakes.

  21. tita lita

    the dead should be respected.just a solemn prayer will do.

  22. tita lita

    what do you mean by arak ,wine? i disapprove all these but i was out numbered during my moms so i gave in .i know my mom also disapproves but…i just wanted the necro,simple burial and just a family gathering at the house after .

    • Herdy La. Yumul

      Yes. “Arak”, a song title, means wine. In a show of disrespect for the dead, some song do not even jibe with the mourning. I hope I will not be outnumbered when somebody goes in the family. It has become more of a social status thing. Families are afraid to look pitiful to others so even the poor borrow money so they can hire a band. 😦

  23. tita lita

    it is really so sad. i know my mom would have liked it just a quiet one but everything was all arranged when we arrived. my dad was in denial and so i brought his wheelchair out and ask him to pay his last respects.and he did so he had a closure.

  24. tita lita

    what has” arak” have to do with the mourning?in the philippines one has to keep up with the jones’s whether you can afford it or not .i was gonna say it is tradition but the tradition is just a simple burial .with a simple church service . ,carry the coffin to the cemetery and then go home for a small gathering of immediate family isn’t it?

    • Herdy La. Yumul

      I like it the traditional Ilocano way… all the way to the gulgol, makabulan, lagip, etc. But the band is just so loud and boisterous for comfort. Anyway, the band also serves as an announcement that burial happens the next day. Some families worry that few will join the funeral march because spectators might quip that they have few friends.

  25. tita lita

    there are times that i love to be in the lime light but funeral is not the time. yes that is what we did the gulgol, lalaba and then the makabulan.i had my way so it was just a simple one.

  26. tita lita

    the necro was so memorable.there was no dry eyes in the house.and of course i was the leader of the pack.i bawled the whole time.

  27. tita lita

    what is chibugan?

  28. tita lita

    so how was your kainan?and inuman? do they serve ravioli ?i love ravioli.

    • Herdy La. Yumul

      They serve ravioli. The first time we went there, I saw Ravioli in the menu and I asked the Italian chef. In his limited English, he said: “It’s meat inside the pasta”. I got curious because the only pasta I knew then were spaghetti, fettuccine, lasagna, and macaroni.

      We did not go to Mino’s because the good ol’ Italian of Badoc fell sick and was hospitalized on my birthday, so family just went to an Eat-all-you-can restartant here in Laoag.

  29. tita lita

    you jinx the italian chef on your birthday.

  30. tita lita

    i see..when one door closes another one opens.

  31. tita lita

    what’s sooo funny?

  32. magustoak man daytoy a maldityo apo. siak a mismo ti makapaneknek a ti pannakasursuro iti nakanatad a panagsao ken panagsurat iti bukodtayo a sao ket makatulong iti pannakasursuro kadagiti gannaet a dila. makunak, basar iti bukodko a kapadasan, a sipud idi rinugiak nga adalen iti naimpapusoan a wagas ti Ilocano, ad-addak a napaimbag ti panagsaok iti Ingles.

  33. maysa a “dakkel” nga argumento dagiti aginsisirib laban iti pannakaaramat ti Ilocano wenno ania man a sao nga agtutubo iti Filipinas iti panagisuro ket ti “kaawan” kano ti umanay a bokabulario iti siensia, matematika, ken iti dadduma pay nga asignatura. ngem anian ta saanda ammo nga umuna ti panagkasapulan nga isao ti maysa a konsepto sakbay ti panagtaud ti bokabulario.

    • Herdy La. Yumul

      Wen, apo eugene. Ideas come first before terms. We can either coin the terms, or borrow from others, which is okay because languages communicate, too, between and among themselves… Down with the aginsisirib.

  34. Apo Herdy, ti ammok ket no talaga nga masisirib ti tao ket saanna nga idadanes ti kapatadana, ti adalanda, uray pay iti kasupangilna. Ni Jesukristo ket nainsiriban unay ta dina pulos binalsan dagiti mangperdi ti kinataona, uray idi indadanesda nga pinabasol iti awan kinapudnona. Intellectuality of a person counts most on how he deals with his fellowmen. Isu tay panangibaga tayo nga ti tao ket naadalan ngem awan met sursurona no madi ti panakilangenna iti kapatadana. Most Pinoys in their late 40’s to 50-something have been educated with the local vernacular just as I am. Proudly, I say that we did well in our college life, easily assimilated with Tagalog while studying in Manila, even with just a miniscule time of Filipino lessons during our High School, less so with Spanish. Yet me and my fellow Ilocanos did fine!The Cebuanos defied the DECS order of English-only as medium of instruction in Elementary, making their own books for their primary pupils and their graduates fared so well in High School and college! Ti ubing nalaka met nga makasursuro, ngem nalallalo nga maipamaysana ti agadal no diay bukodna nga sao iti balay ken lawlawna ti medium of instruction ata nalaklakana nga maawatan ti leksyon no kua, saan kadi, maestro Herdy? It’s funny to note that some parents teaches their children the English & language early in life forgetting to teach Iloko, just so the kid excels in school someday. But this has disadvantages if the child is locally schooled. He would just be an outcast! When the child reaches adolescence, it will be harder for him/her to learn the Ilokano vernacular. Would the child be a truly Ilocano- in words, deeds and thoughts?

  35. Wen a, maestro. Ngem ti Syensya ken Arithmetic ket mixed vernacular and english ti medium of instruction. Syempre pa, ngamin adu ti terminologies nga awan kaaspingna iti Iloko, same as in Filipino/Tagalog na kapos tayo sa terminology equivalents. Ania ti Iloko/Filipino/Tagalog equivalent ti ‘square root, quotient, multiplicant, matrix equation, etc’ ? How about LPG (Liquified Petroleum Gas), pollination, vernacular name of elements, molecules, compound mixtures & by products, etc? Limited ti bokabularyo ti vernacular tayo, isu nga iyadaptar tayo ti english rootwords. I somehow wonder how we have “nyebe” for ‘snow’, while we Pinas has no snow. We call “tamban” for ‘pacific sardines’ when fresh. Pinoys only call it “sardinas” when it is inside the can!

  36. Yeah, I also read that one on-line. The problem is our own vernacular dialects: we do not have ample vocabularies that could truly match the terminologies. The Chinese and Japanese may have the equivalent terminologies. They could maintain their independence on their literary, social, scientific, industrial and post-graduate studies with their books purely on their native languages and tongues. Actually, when we look back in history, China and Japan have earlier modern inventions. The Chinese were the first to use rockets; Japan has the first naval armada in Asia, with aircraft carriers to boot, in WWII. Their machineries are done by their own workers using their own technologies and local language science books, not English. Yet Pinoys look down on Chinese products, we who do not have our own products to be proud of…

  37. sang-bata

    ganda ng discussion naten dito sir ha, anong balita jan kung asan ka man ngayon?

  38. @sang-bata: Naging OFW ako ng medyo matagal sa KSA and I found it amusing to find different perspectives in life on many different nationalities I have befriended. The Indians are very proud nationalistic people because they have local Indian plants that manufacture what they need, so they never buy imported TV, DVD player, computer, cars, etc. This is because to buy in Saudi and import products when they go home would cost them importation fees that almost triple the cost of the unit. So they are forced to patronize local Indian products, hence increase local revenues and provide boost to their industries. Some Pinoy OFWs buy products and take them home because of being better quality, sometimes unmindful that what he bought are made in Thailand or Indonesia. Pakistanis and most other nationalities dress on their native costumes, Pinoys wear maong and thought by others that it is our national costume! Pinoy workers are liked by most employers because we could easily adopt and assimilate; we work hard; we speak English fluently; we learn other languages quite fast; etc. But some Pinoys complains and talks ill about our country to other nationalities. That’s un-Nationalistic! If you cannot accept being a Pinoy, then migrate elsewhere. Dapat, kung walang magandang masabi tungkol sa atin, huwag nang ipagsabi sa ibang lahi. Atin-atin na lang kung merong problema…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s