Category Archives: Filipino

Epikia for Pidol

Epikia (noun): A situation where one needs to break the letter of the law in order to achieve the spirit of the law; an exception to the general rule.

Ang mga batas ay ginawa upang magkaroon ng kaayusan, ngunit paano na kung batas din ang pumipigil sa pagggawa ng tama?

Sa tingin ko, sa kultura nating mga Pilipino, ang pagbigay ng nararapat para sa isang tao ay mas matimbang sa pagsunod sa proseso. Kahit sino sa atin ay babaliin ang isang proseso para sa isang bagay na sa ati’y mahalaga.

“Igawad na ang National Artist Award kay Mang Dolphy. Now na!,” sigaw ng nakararami. Pag-aaralan pa daw ang kanyang ‘body of work’ …pero sino sa atin dito ang hindi niya napatawa ni minsan? Nung bata ako, sabay-sabay kaming pamilya na kumakain sa sala upang manood ng John en Marsha. Ang sarap ng aming tawa, kasinsarap ng kare-kare ni mommy, at kasing-alab ng aming pagsasama-sama.

Sa isang bansang nagdarahop, napakahalaga ng ating kakayanang tumawa. Kapag sobrang seryoso ka sa pagharap sa buntun-bunton na krisis, baka masiraan ka na lang ng bait, o magbigti.  Napapamura tayo sa mga kabulastugan ng ating mga lider samantalang napapahalakhak tayo nang malakas sa mga patawa ni Mang Dolphy. Serbisyo publiko din talaga ang pagpapasaya.

Subalit may tatlong mahahabang stages pa daw na pagdaraanan for the award. Dapat daw sundin ang mga panuntunan. E nasa critical stage na nga ang tao, di ba? Paano na ‘yan?

May punto din naman ang mga may agam-agam sa pagbibigay ng naturang karangalan nang ura-urada. Kasi, ibig bang sabihin nito ay lahat na ng maghihingalong alagad ng sining ay gagawaran kaagad ng National Artist Award? Will this set a precedent? Hindi naman po sa ganun. Hindi taun-taon ay may isang Dolphy. Minsan lang siya sa isang siglo. At sa kanyang husay at katapatan bilang isang tunay na alagad ng sining sa loob ng pitong dekada, he has gained a right to be an exception to the rule.

Also, ang situwasyong ito ay bunga pa rin ng mga anomalya ni Gloria Macapagal Arroyo, pati na sa sektor ng sining. Noong 2009, hinirang ni Gloria na National Artists ang mga kakampi niyang sina Cecile Guidote Alvarez at Carlo Caparas kahit na may lubos na mas karapat-dapat sa kanila. Kinontra ng iba’t ibang grupo ang kanilang panalo sa Supreme Court kung saan ang kaso ay nakabinbin hanggang sa ngayon.

Maliban sa komedya, isa pang talagang nagustuhan ko kay Mang Dolphy ay ang kawalan niya ng yabang. Hindi niya ginamit ang lanyang kasikatan upang magkaroon ng kapangyarihan sa pulitika. Noong may mga kumukumbinsi sa kanyang tumakbo para sa isang posisyon, ang sabi niya: Madaling tumakbo, pero pano ‘pag nanalo? Hindi siya tulad ni Manny Pacquiao na pinasok na ang lahat sa labas ng ring: mapashowbiz, relihiyon, at pulitika.

At nang dahil sa lahat ng ito, President Aquino must make a brave decision on behalf of a most grateful nation. Ang kumontra, kilitiin hanggang maubusan ng hininga.

*****

Bilang parangal kay Mang Dolphy, narito, dear karikna, ang ilang mga jokes. Sana mapangiti kayo, kahit kaunti.  Hehe Continue reading

5 Comments

Filed under Arts, Filipino

Tina, Helen, Christian, and Mary

FOUR human beings pervade my consciousness these days, and they happen to be all mothers.

First is Tina Tan, whose recent appointment as Tourism Officer of Ilocos Norte made me so happy, I almost had permanent cramps on my facial muscles due to oversmiling.  Thanks to Manang Imee for getting only the best and the brightest to work in the bureaucracy.

I can name many a reason why Tina is best fit for the job, but I will limit my list to only three due to lack of space.

First, she loves Nature, being highly involved in ecotourism and environmental protection groups.  And she goes beyond lip service.  My students she led in a mangrove cleanup in Pasuquin would attest.

Secondly, I think Tina has reached a point in her life when acquiring material possessions is no longer the order of the day, as she and her husband are a highly accomplished business team.  I am not saying the rich don’t steal–the case of Manny “Dagat ng Basura” Villar belies this–but I think Tina is so accomplished in her life (finances, family, romance) that she really just wants to contribute something good to the community. I can vouch for Tina’s integrity.  I dare predict she will not be corrupt.  Her son Eugene, a very unassuming and respectful boy, is my student at MMSU.  Eugene shows how successful Tina is in her most important role–as mother.

Third, and most importantly, Tina Tan is most fit for to be tourism officer of this beautiful province because she is a woman who knows how to celebrate life in ways big and small.  From food served in A-restaurants to dirty ice cream and ice scramble sold in the streets, from high fashion to indigenous stuff in the mountains of Adams, from Kings and princes to paupers like me—Tina Tan finds something interesting she is generous and vivacious and childlike enough to share to the world.

How do I know a lot about her?  I am a fan of her Blauearth blog which I have previously featured in this space, and this forces me to name a fourth reason, although I only promised three.  Tina Tan sends the message across clear and perky enough to attract men and women from everywhere to go pack their bags and explore Ilocoslovakia.

Way to go, Tina!

Continue reading

3 Comments

Filed under Family, Filipino, Filipino Youth, Government/Politics, Heroes, Ilocos, The Good Life, Tourism

Nasken nga Ilokano ti pagisuro

Iti agtultuloy a panagsuek ti kalidad ti edukasion iti pagilian ken iti umad-adu a sukisok a mangipakita a nasaysayaat ti panagadal dagiti ubing no maaramat ti nakayanakanda a pagsasao iti panagisuro kadakuada kadagiti umuna a tukad ti elementaria, impaulog ti Departamento ti Edukasion ti DepEd Order No. 74 Series 2009 a napauluan iti Institutionalizing Mother Tongue-Based Multilingual Education wenno Mother Language Education (MLE). Iti Kailokuan, maaramat ti Ilokano kadagiti umuna a tallo grado iti elementaria. Kalpasanna, in-inut a maiserrek ti Filipino ken Ingles kadagiti nangatngato a tukad.

Adtoy ti makuna ti maysa nga eksperto, ni Dr. Lily Ann C. Pedro, agdama a hepe ti Center for Teaching Excellence iti MMSU College of Teacher Education, maipanggep daytoy nga isyu. Continue reading

65 Comments

Filed under Education, Filipino, Ilocos, Iluko, Language

Pretentious & meaningless, Pamulinawen Festival kicks off

St. William the Hermit, Patron of Laoagueños, did not exactly relish fiestas

St. William the Hermit, Patron of Laoagueños, did not exactly relish fiestas.

The revelry leading to the February 10 Feast Day of St. William, patron of the city, begins today.

The Laoag City Fiesta I have grown up to know was simple, dry, and forgettable.  There were strings of parades, yes, but with very little  fanfare.  Then until now, the main attraction is a karnibal, which is not even 1/1000 as good as Enchanted Kingdom, located under the Gilbert Bridge.  There, I remember going to freak shows of sirena (mermaid), babaeng ahas (lady snake), babaeng pusit (lady squid), and other human beings whose physical deformities have been exploited in cash ‘s name. Continue reading

44 Comments

Filed under Church, Festivals, Filipino, Ilocos, Religion, Tourism, Traditions

Uhaw sa Katapatan at Kagandahang-loob

I checked my blog statistics and noticed an increased amount of visitors led by google to my site while searching for “Mga Pilipinong nakagawa ng kabutihan sa kapwa”,  “Mga Pilipinong nagsauli ng pera o gamit”, “Larawan ng kagandahang ugali ng mga Pilipino”, or “Mga tapat na tao sa Pilipinas”. You will remember, karikna, that I wrote something about the topic last October: PITAKA NG PAG-ASA: Isang pagpupugay kay Leoncio Pagtama at sa lahat ng tulad niya.

Amid the televised senate hearings on corruption in government and abuse of power that feed our national consciousness today,  Filipinos seem to search for a ray of hope for this benighted land by looking for individuals who chose virtue over greed even in times of great personal need.

Matapat na Ilokano now has a name in Leoncio Pagtama.

27 Comments

Filed under Filipino, Ilocos, Kuwento, PinoyPride

Agosto, buwan ng ‘Lip Service’?: Patuloy ang pagdedma sa mga katutubong wika



Tuwing sasapit itong buwan ng Agosto, abala ang mga paaralan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. Programa diyan, patimpalak dito… hindi magkandaugaga ang mga mag-aaral at mga guro sa mga kaganapan.

Nagbago na ang hugis ng Buwan ng Wika. Kung noon ay wikang Filipino lamang ang binibigyang pansin, ngayon ay pinagpupugayan na ang iba’t ibang wika ng ating bansa, na sa huling bilang ay isandaan animnapu’t walo. Walo dito ang mga pangunahing wika, kabilang ang Iluko. Bukod tangi ang pagdiriwang sa taong ito lalo na at ang 2008 ay itinakda ng United Nations bilang pandaigdigang taon ng mga wika.

Ani United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), tunay na mahalaga ang mga wika sa identidad ng mga grupo at indibidwal at ng kanilang mapayapang pakikipamuhay sa isa’t isa. Ang mga ito ay estratehikong sangkap para maging tuluy-tuloy ang pag-unlad at magkaroon ng maayos na pag-uugnayan ang global at lokal na kapaligiran.

Gayunpaman, sa tingin ko ay isa lamang pag-aaksaya ang taunang pagdiriwang na ito kung patuloy na magiging malabo ang papel ng mga katutubong wika sa ating buhay pambansa. “Lip service”, wika nga sa Ingles.

Ayon sa UNESCO, pagkaraan ng ilang henerasyon ay mawawala ang mahigit kalahati ng pitong libong wikang sinasalita sa buong daigdig. Walang isang kapat ng mga wikang ito ang ginagamit ngayon sa mga eskuwelahan at cyberspace, at karamihan ay ginagamit lamang nang panaka-naka.

Minsan ay sinubukan kong pasulatin ng sanaysay ang aking mga mag-aaral gamit ang Iluko. Ito ay sinalubong ng maingay na pagtutol. “Nagrigat, sir! English lattan”, kanilang protesta. Ako ay nalungkot ngunit akin silang naunawaan. Ako man ay hirap din sa pagsusulat sa Iluko. Ang totoo ay tinangka kong isulat ang kolum na ito sa Iluko ngunit makalipas ang limang oras at limang tasa ng kape ay dalawang talata lamang ang aking natapos at hindi pa ako nasiyahan sa kinalabasan.

Bakit nga ba hirap tayong gamitin ang wikang kinagisnan maliban sa payak na pang—araw-araw na huntahan?

Sa isang sanaysay, inilahad ni Propesor Randy David, ang pangunahing sosyologo ng atingbansa (at naging guro ko sa Diliman), ang kasagutan. Narito ang ilang bahagi ng kanyang diskurso:

“Ang pag-unlad ng wika at ang pag-usbong ng kamalayan ay magkakabit. Pareho ang kanilang ugat–ang pangangailangang makipag-usap… Habang lumalawak at lumalalim ang kamalayan, yumayaman din ang wikang ginagamit. Kung mababaw ang kamulatan, sapagkat hindi naging malakas at madalas ang udyok na makipag-usap, mananatili ring payak ang ginagamit na wika.

“Kapag ang wikang katutubo ay nagagamit lamang kaugnay ng maliliit at walang halagang bagay, at ang wikang dayuhan ang nakakasanayang gamitin sa mas mataas na uri ng talastasan – ang wikang katutubo’y nabubusabos habang ang dayuhang wika’y namumukod. Sa kalaunan, ang karamihan ay mag-iisip na sadyang nasa katutubong wika ang kakulangan. Kung walang nagpupunyaging isalin sa katutubong wika ang mahahalagang literatura at produktong intelektwal ng mga dayuhang kultura, iisipin ng marami na may likas na kakapusan ang ating sariling wika, at walang ibang lunas kundi pagsikaping pag-aralan ang wikang dayuhan.

“Walang wikang umuunlad kung hindi ito naisusulat at nababasa. Walang wikang umuunlad kung ito’y hindi sinasanay na maglulan ng mga produkto ng kamalayan at iba’t-ibang kaisipang hango sa maraming kultura. Kailangang makipag-usap ang ating katutubong wika sa mga wika ng ibang bansa, sa halip na isantabi ito, sa maling pag-aakalang hindi na ito angkop sa bagong panahon.”

Malaki sana ang magagawa ng pamahalaan upang isulong ang paggamit ng mga wikang katutubo sa pambansang pagmumulat at sa global na pakikipagtalastasan. Batid ng mga pulitiko ang kahalagahan ng ating mga katutubong wika sa mabisang pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Hindi nga ba’t tuwing halalan ay vernakular ang kanilang ginagamit upang suyuin ang taumbayan?

Ating maaalala na wika ang isa sa mga naging isyu nuong tumakbo sa pagkagobernador si Apo Michael Keon, hindi daw kasi siya bihasa sa Iluko sa kabila ng maraming taon na niyang paglilingkod sa lalawigan. Ngunit nakita naman ang pagsisikap ni Keon na magsalita sa ating katutubong wika. Headline sa TV Patrol Laoag noon kung paano niya isanaulo (at nalimutan sa kalagitnaan ng pagbibigkas) ang isang talumpating isinulat sa Iluko. Subalit ngayong siya ay nasa puwesto na, tuwing maririnig kong magsalita ang butihing gobernador ay Ingles na ang kanyang ginagamit, at hindi na siya nakalilimot.

Si Gng. Gloria Arroyo man ay nakinabang sa kanyang kakayanang magsalita sa iba’t ibang wikang Pinoy. Pinaniniwalaang bahagi ng kanyang popularidad sa Kabisayaan ay bunsod ng kanyang kakayanang mag-Bisaya. Bagama’t hindi ako maka-Gloria, aaminin kong napahanga niya ako at nahaplos ang aking puso nang minsa’y dumalo siya sa pista ng Laoag at nagtalumpati gamit ang Iluko.

Ngunit sa kabuuan, etsapuwera ang ating mga katutubong wika sa ating mga panlipunang institusyon. Nakalulungkot na sa mga session hall sa kapitolyo at sa mga munisipyo, sa ating mga hukuman, at sa ating mga paaralan, Ingles pa rin ang pangunahing daluyan ng talastasan. Kung tunay na masang Pilipino ang pinaglilingkuran ng ating mga lider, ano ang pangangailangan ng paggamit ng wikang banyaga sa paglilingkod-bayan?

Noong 2003, si Gng. Arroyo, sa bisa ng Executive Order No. 210 na may pamagat na “Establishing the Policy to Strengthen the Use of the English Language as a Medium of Instruction in the Educational System”, ay nag-atas na ibalik ang Ingles bilang pangunahing wikang panturo.

Dahilan ng pangulo: Our English literacy, our aptitude and skills give us a competitive edge in ICT.

Subalit marami nang mga pag-aaral ang naisagawa, kabilang na rito ang mga pananaliksik ng UNESCO at ng mga Pilipinong iskolar tulad nila Bro. Andrew Gonzales at Dr. Bonifacio Sibayan, na nagpapatunay na ang paggamit sa unang lengguwahe o wikang kinagisnan ay lubos na nakatutulong sa pang-unawa ng mga mag-aaral sa mga mahahalagang konsepto maging sa mga asignaturang agham at matematika.

Patunay dito ang resulta ng Trends in International Mathematics and Science Study (TIMMS) na ginawa noong 1999 kung saan ang Pilipinas ay pang-38 sa Math at pang-40 sa Science sa kabuuang 41 na lumahok na bansa. Ito ay sa kabila ng pagtuturo ng agham at matematika sa wikang Ingles sa loob ng mahigit na isang siglo. Maaari namang maging mahusay sa science at math kahit ito’y hindi itinuturo sa Ingles. Patunay dito ang karanasan ng Tsina, Hapon, at Rusya.

Patung-patong ang mga suliraning kinakaharap ng ating sistema ng edukasyon. Nariyan ang laganap na katiwalian, pulitika, at idagdag pa rito ang hindi sapat na budget na inilalaan para dito. Lubos na di-makatarungan na isisi sa paggamit ng mga katutubong wika ang mababang performans ng ating mga mag-aaral. Sa tingin ko ay sasang-ayon dito si Propesor Janet Rivera, ang masigasig na direktor ng Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino na nakabase sa MMSU.

Ayon pa rin sa mga pananaliksik, ang paggamit ng unang lengguwahe ay tulay din upang matutunan ang pangalawang lengguwahe at ang mga wikang banyaga. Bilang halimbawa, ang isang Ilocanong matatas sa wikang Iluko ay mas madaling matututo ng wikang Filipino. Ang pagiging bihasa sa Iluko at Filipino ay tulay naman upang matutunan ang mga banyagang wika tulad ng Ingles, Mandarin o Pranses. Sa wari ko, ang isang taong hindi nilinang ang sarili sa wikang kanyang kinagisnan ay magiging palpak sa kanyang pakikipagtalastasan kahit anumang wika ang kanyang gamitin. Ang dila niya ay walang pinanghuhugutan.

Sa isang bansang watak-watak, hindi lamang sa heograpiya, kundi pati na sa pulitika, ideolohiya, at pananampalataya, malaki ang maaaring gampanang papel ng wika sa pagtatamo ng pagkakaisa. Ngunit, hindi ito nangyayari, bagkus ay pinapalala pa ng mababang pagtingin sa ating mga katutubong wika ang hidwaan sa pagitan ng mayaman at mahirap, edukado at hindi, taga-Maynila at promdi.

Minsan sa isang mall, nasaksihan ko ang isang pagtatalo. Sa gitna ng kanilang di-pagkakaunawaan, pinaulanan ng isang kostumer ng sangkatutak na malalalim na Ingles ang saleslady. Ang kawawang saleslady ay hindi na nakaimik. Sa eksenang ito, malinaw na ipinabatid ng kostumer na hindi sila magkalebel at siya ang tama sapagkat marunong siyang mag-Ingles. Ipinamukha ng kostumer na mangmang ang saleslady dahil katutubong wika lamang ang gamit niya. Nababagabag ang aking kalooban tuwing nakasasaksi ako ng mga ganitong eksena. Hindi ba dapat sa panahon ng di pagkakaunawaan ay mas lalo pang gamitin ang wikang makapaghahatid ng malinaw na mensahe?

May isang mambabasa ang nagbigay ng komento sa akin: ang galing mo palang magsulat. Bilib ako sa’yo. Ang lalalim ng mga ginagamit mong salita sa English. Hindi ko nga maintindihan e! Idol talaga kitang mag-English para kang abugado.

Hindi ko ikinatuwa ang komento, bagkus ay nalungkot ako. Una, dahil hindi ako lubos na naiintindihan ng mambabasa. Ito ay isang kabiguan sa bahagi ng isang manunulat tulad ko. Ikalawa, tila tanggap na ng taong iyon na ang paggamit ng nakaka-nosebleed na Ingles ay kaakibat na ng mga mahahalagang propesyon tulad ng abugasya. Kung ikaw ay may kasong kinakaharap, biktima ka man o nasasakdal, hindi ka ba mangngamba na ang iyong kinabukasan ay pinagtatalunan sa hukuman gamit ang isang wikang hindi mo lubos na nauunawaan?

Dalawa ang maaaring maging pananaw sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Maaari itong tignan bilang “kaarawan” ng isang buhay at yumayabong na wika. Sa kabilang banda, tila ito ay isa nang lamay para sa mga katutubong wikang walang habas na kinikitil ng patuloy na pagsasaisantabi hindi lamang ng ating mga lider pampulitika ngunit pati na rin ng bawat mamamayang masahol pa sa malansang isdang nagpupumilit kumahol. ###

***

“Ma’am ana’t English ti pastor?”, saludsod ti maysa nga estudyante iti unibersidad.

(Nagmalanga ni maestra gapu ta Ingles met ti sao a “pastor”, isu nga impagarupna a “synonym” iti sallsaludsoden diay estudyante.)

“‘Preacher’, barok”, insungbat ni Maestra.

“Tenkyu ngarud, Ma’am”, panagyaman daydiay estudyante.

Idi panagipasaanen iti paper, daytoy ti insurat daydiay ubing:

“My father is a pritcher of animals. He pritchers carabaos, cows, and goats in the farm.”

Ito ay isang tunay na pangyayaring ibinahagi sa akin ni katotong Marlyn Cacatian, kapwa guro ko sa MMSU. Natawa ako nung marinig ko itong kuwento, ngunit nang humupa ang tawanan,

…ako ay nabagabag.

56 Comments

Filed under Education, Filipino, Iluko, Language, PinoyPride, Sociology